Chapter 4

212K 6.9K 3.1K
                                    

Chapter 4

"ANO na ang gagawin ko?"

Mahigit kalahating oras nang nakasubsob ang mukha ko sa ibabaw ng study table. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang sinabi ni Zion. Alam kong wala na talaga akong kawala pa sa kanya kahit na ano pa ang gawin ko. Bakit naman kasi hindi ako nag-iingat at iniwanan ko pa siya ng ebidensiya?

Sa sobrang pagkataranta ko nang umagang iyon, hindi ko na nagawa pang hanapin ang bagay na iyon sa takot na magising siya at makilala ako. Nakakahiyang umalis ako sa lugar na iyon na walang suot na underwear!

Inaasahan ko pa naman na hindi niya makikita ang bagay na iyon pero nagkamali ako. Talagang itinago pa niya at ngayon ay may panlaban na siya sa akin.

"Gaga ka talaga, Caleena!"

Inis kong hinampas ang noo ko sa ibabaw ng lamesa. Napatuwid na ako ng upo nang maramdamang nananakit na ang balakang ko. Siguradong nangalay ako sa puwestong iyon.

Agad akong humiga sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na muli ko siyang makaharap. Malamang na magkakatagpong muli ang landas naming dalawa. Paano kung asarin niya ako tungkol sa bagay na iyon?

Ano naman kung bulaklakin ang underwear ko at may initial na CBM? Kaya ko lang naman ginawa iyon para may palatandaan ako, lalo na at tatlo kaming babae rito sa apartment. Isa pa sa iniisip ko kung nilabhan niya ba iyon? Paano kung iba na ang amoy niyon?

Napailing ako sa naiisip ko. Naramdaman ko ring nagsitayuan ang mga balahibo ko nang pumasok sa isipan ko ang paraan ng ngisi ni Zion sa mga oras na ito.

"Bahala na bukas."

Kinabukasan ay nagising ako na wala na iyong dalawa. Naging payapa ang buhay ko. Tuwing narito sila, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Na ang bawat kilos ko ay pinapanood nila para lang may mapuna sa akin. Hindi ko magawang umalis dito dahil wala na akong mahanap pa na matutuluyan. Nagtitiis na lang ako na makasama sila.

Kahit na ano pa ang sabihin nila sa akin, hindi ko pa rin sila papatulan. Saka sino ba sila para husgahan ako? Hindi naman nila kilala ang buong pagkatao ko.

Nang makarating sa school ay agad kong inilibot ang tingin sa paligid. Inagahan ko talaga ang pasok para lang hindi magtagpo ang landas naming dalawa ni Zion. Wala akong lakas ng loob para harapin siya.

"Good morning, Caleena..." I heard Zion's voice.

Napasinghap ako at agad siyang nilingon. Kahit anong iwas ko sa kanya ay nagtatagpo pa rin talaga ang landas naming dalawa. Mukhang inagahan niya rin ang pasok para lang maabutan ako.

"Puwede bang tigilan mo 'kong peste ka?" I glared at him.

Napakamot na lang si Zion sa batok. "Did you eat?"

I looked away. "Oo, kung iniisip mo na baka mapabayaan ko ang anak mo, huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya."

"Hindi lang ako sa kanya nag-aalala, sa ina rin ng anak ko. Please take care of yourself. Hindi ako palaging nasa tabi mo."

"Bakit? Sinabi ko bang palagi kang manatili sa tabi ko?"

"Gusto ko, Caleena... Gusto ko palaging manatili sa tabi mo. Gusto ko palaging nakikita ka ng mga mata ko, hindi dahil sa dala mo ang anak ko... Kundi dahil gusto ko na mas lalo kitang makilala..."

Lumapit sa akin si Zion at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Gusto ko na ako mismo ang makatuklas ng totoong ikaw..."

Marahang hinaplos ni Zion ang buhok ko. "Pupuntahan kita sa room n'yo mamayang time ng lunch, sabay tayong kumain. Aagahan ko ang punta ro'n kasi alam kong tatakasan mo na naman ako."

Tears of Love (Tears Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon