Chapter 29

200K 4.8K 4.3K
                                    

Chapter 29

Warning: R-18

NAGISING ako na nakapulupot ang isang braso ni Zion sa katawan ko. Tanging kumot lang ang nakabalot sa aming dalawa. Ramdam ko pa rin ang pagod ko sa nangyari sa amin kagabi.

Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ang nangyari. Hindi niya talaga ako tinigilan kagabi. Madaling-araw na kaming nakatulog at hindi pa sapat ang naitulog ko. Mahimbing pa rin siyang natutulog sa tabi ko.

Tumagilid ako para malaya kong mapagmasdan ang kanyang mukha. Hindi ko napigilan na haplusin ang kanyang buhok. Isang buwan na rin ang nakalipas nang pumayag ako na magpakasal sa kanya.

Sa isang buwan na iyon, marami na agad ang nangyari. Bumili na kami ng lupa at sinisimulan na rin naming magpagawa ng bahay. Ipinagbili na rin niya ang condo unit niya na hindi na magagamit pa.

Sa condo unit ko kami nakatira ngayon. Matatagalan pa talaga bago mabuo ang bahay. Baka naikasal na kami ay dito pa rin kami nakatira. Wala namang problema sa akin. Hindi madaling gumawa ng bahay. Nag-hire siya ng maraming gagawa para lang mabilis na matapos iyon.

"Aalis ka na?" He groaned.

"Kailangan kong pumasok sa trabaho. Ilang araw na akong absent, baka masisante na ako."

Ngumuso siya. "Puwede bang dito ka na lang? Ako na lang ang magtatrabaho."

Sumandal ako sa headboard ng kama. Marahan kong hinahaplos ang kanyang buhok. Nakasubsob ang kanyang mukha sa dibdib ko. Nagtataasan ang mga balahibo ko dahil nararamdaman ko ang mainit niyang hininga roon.

Nakayakap pa rin siya sa akin. Marahan niyang pinipisil ang aking baywang. Hanggang sa maramdaman kong gumapang na ang palad niya papunta sa gitna ng hita ko. Nagsisimula na naman siyang landiin ako.

Mabilis kong tinapik ang kamay niya papalayo sa lugar na iyon. Baka kung saan pa mapunta ang ginagawa niya.

"Alam mong pinangarap ko 'yon, hindi ako puwedeng basta umalis na lang sa trabaho ko. Mahal ko ang ginagawa ko."

Umupo na siya sa kama kaya natanaw ko ang kanyang abs. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri niya. Nagpakawala siya nang malalim na hininga.

Alam niyang wala na siyang magagawa sa desisyon ko. Hindi ko talaga kaya na basta bitiwan na lang ang trabahong pinaghirapan ko. Malaki pa naman ang naitulong niyon sa akin kaya guminhawa ang buhay ko ngayon.

Hindi rin biro na maghanap ng trabaho. Mabuti na lang natanggap ako roon kahit na nagkaroon ako ng issue. Isa iyon sa pinoproblema ko noon na baka ma-open ang tungkol sa kumalat na mga litrato ko sa social media.

"Wait, magluluto lang ako. Dito ka muna, dadalhan na lang kita ng pagkain." Lumapit siya sa akin at dinampian ako ng halik sa mga labi.

"Sorry kung pinagod kita kagabi." Zion smirked. "Mamaya uli."

Bumangon na siya mula sa kama at nagsuot ng boxer. Sa harap ko pa talaga niya ginawa iyon. Lumapad ang ngisi niya nang makitang nakamasid ako sa kanya.

Bakit kasi gising na gising na agad ang alaga niya? Ano? Gusto pa ng pang-8th round?

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa paghihintay sa kanya. Nagising lang ako nang maamoy ang niluto niyang Sinigang. Bigla tuloy kumalam ang tiyan ko.

Hindi talaga ako nagsasawang kainin ang luto niyang Sinigang. Kahapon ay ganoon din ang ulam namin na palaging hinahanap ng dila ko. Hindi naman nagrereklamo si Zion na palaging Sinigang ang ulam namin.

Magkasabay kaming kumain ni Zion. Hanggang sa pagligo ay magkasama kami. Kahit doon ay hindi niya ako tinigilan. Inihatid ako ni Zion sa trabaho. Inubos niya talaga ang lakas ko. Huwag sana akong makatulog sa oras ng trabaho ko.

Tears of Love (Tears Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon