Chapter 15

169K 5K 2.5K
                                    

Chapter 15

"GOOD morning, love..."

Zion buried his face in my neck. Napahinto ako sa pagbubutones ng uniform ko dahil sa biglaan niyang paglalambing sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ko sa salamin na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Katatapos niya lang maligo kaya ramdam kong tumutulo sa uniform ko ang basa niyang buhok. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa tiyan ko. Para bang bale-wala lang sa kanya na wala siyang pang-itaas habang hindi naman ako mapakali sa puwesto naming dalawa.

"Zion, tigilan mo 'ko..." Mahina ko siyang siniko kaya mabilis siyang lumayo.

Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Zion ang palapulsuhan ko para pigilan. Pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan ang uniform ko.

"Ano'ng gagawin mo?"

Hindi niya ako pinansin. Ipinagpatuloy niya ang pagbubutones ng uniform ko. Mabuti na lang may suot akong sando sa loob. Hindi ko mapigilan na mapatitig sa maganda niyang katawan. Sa tingin ko ay namumula na ang mukha ko sa nasasaksihan at ginagawa niya ngayon. Lalo na nang sa bandang dibdib ko na ang binubutones niya. Napansin ko ang ilang beses na paggalaw ng Adam's apple niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Baka hindi ko mapigilan na haplusin iyon... lalo na ang kanyang abs.

"Done." Ngumisi si Zion.

"Magbihis ka na nga, Zion, baka ma-late pa tayo." I glared at him.

"Eh, 'di bihisan mo 'ko para mas mabilis."

"Zion..." pagbabanta ko.

"Alright," pagsuko niya. "Magbibihis na po. High blood na agad ang misis ko."

I rolled my eyes. "Landi mo kasi."

"Kailan pa naging panlalandi ang paglalambing?" He pouted. "Gusto ko lang naman lambingin ang misis ko, ah. Masama ba 'yon?"

Napailing na lang ako. Inabot ko ang isang unan at agad na ibinato sa kanya. Tumama iyon sa kanyang mukha pero parang bale-wala lang sa kanya ang ginawa ko. Bumuntong-hininga pa siya habang nakanguso. Pinigilan kong muling mapadako ang tingin ko sa kanyang abs. Bakit kasi ang ganda ng katawan niya?

Natatanaw ko rin ang V-line niya. Oh gosh!

"Para kang bata."

"Ba't naman pagiging bata pa? Puwede naman na maging baby mo na lang?"

I gulped. "Ewan ko sa 'yo. Magbihis ka na nga. Maaga pa ang exam natin, baka mahuli tayo."

Tinalikuran ko na siya dahil siguradong hindi niya ako titigilan. Naghanda na lang ako ng almusal namin. Mahirap pumasok kapag walang laman ang tiyan. Lalo na at may exam, baka hindi gumana ang utak namin at walang maisagot sa exam.

Habang nagsasandok ako ng pagkain sa plato ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Kahit na kasama ko si Zion, hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Siya na palagi ang tumatakbo sa utak ko.

"Bakit ba ako nakangiti?" tanong ko sa sarili.

Habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot akong aminin kay Zion ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Kahit na inamin na niyang mahal niya ako.

Totoo ba ang sinabi niya? O, baka nasabi niya lang iyon dahil ina ako ng anak niya?

Hindi ko na alam. Basta isa lang ang masasabi ko, masaya ako sa piling niya... sa ama ng anak ko.

Nang dahil sa kanya, naranasan ko uling maging masaya. Para bang hinilom niya ang lahat ng sugat na matagal nang nakaukit sa akin.

Tears of Love (Tears Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon