Naki usap ako kung okay lang bang mag punta sa banyo kahit 5 minutes lang. Pumayag naman ang organizer ng event since inaayos pa nila ang pila para sa book signing.
"Ayos kalang?" tanong ni Trevor sakin malakas pakiramdam ng lalaking to alam kong nakita niya din ang nakita ko.
"not now Trev. I really need to pee"
"okay sige sabi mo eh"
Pag pasok ko sa banyo napahinga nalang ako ng malalim nagpapa salamat ako at walang tao sa loob nito. Tinignan ko sarili ko sa salamin. May ganung epekto padin pala pagkatapos ng mahabang panahon.
Damn you Lex this is not the right time and place para maging mahina ka. Wala ng kahit na sino ang pwedeng yumanig sayo. Ngumiti lang ako habang naka tingin sa sarili ko. Palabas na sana ako ng pumasok naman sa loob ang isa sa mga taong ayaw kong makita.
"welcome back!" ma attitude na pagkakasabi nito sakin.
Wala akong planong pansinin ito. Hindi dahil sa hindi ko siya kaya pero dahil wala lang talaga akong pake sa kanya. Aalis na sana ako pero humarang ito saakin.
"Anong palabas to Lexis? Kunyari naka moved on kana? Kunyari okay kana? Para ano? Para makonsensya si Prince at balikan ka! "
Hindi ko ito sinagot wala namang dahilan para patulan ko siya. Sayang lang sa laway yung mga ganitong uri ng wild animal.
"Bakit ayaw mong sumagot. Inabot ka ng limang taon para pag planuhan to? DESPERADO! kung sa tingin mong babalikan ka pa niya! HINDING HINDI NA MANGYAYARI YUN! "
"Kung ganyan ka kasigurado na hindi niya na ako babalikan bakit sa tono mo mukang natatakot ka? Na anumang oras ngayon presensya ko palang lalapitan niya na ko. Itali mo yung boyfriend mo sa leeg mo ng di makawala at habulin ako. Tsaka please lang I-save mo nalang yang drama mo sa sarili mo. Please wag ako!" halos manginig naman ang kaharap ko dahil sa sinabi ko.
"Please pakawalan mo na siya. Akin na siya wag mo siyang kukunin sakin." naluluhang banggit nito.
"Hindi siya sakin at hindi rin siya sayo! Walang may nag mamay-ari sa kanya kung hindi sarili niya lang. Tsaka wag mo sakin sabihin yan, sa kanya at isa pa pala wag kang mag alala hindi ako katulad mo walang agawang magaganap. Sayong sayo na siya"
Iniwan ko to sa banyo pero ang gago lang talaga pag bukas ko ng pinto may nakita akong lalaki sa tapat nakasandal sa pader. Inaabangan siguro yung jowa niyang may sinto sa utak. Nabigla rin ito ng makita ako ng harap harapan. Tinaasan ko lang to ng kilay, kitang kita sa paraan nito ng pagtitig na marami itong gustong sabihin at wala akong planong malaman kung ano man yun kaya iniwan ko na ito.
**********************************
Tuloy tuloy ang book signing, kahit medyo toxic yung mga nangyari kanina na divert naman yung utak ko sa magagandang feedback ng fans sa gawa ko. Syempre di maiiwasan yung magpapa picture sila pati narin onting tanong na masaya ko namang sinasagot.Nasa private room kami ng event hall na ito para mag pahinga. Halos inabot din ng mahigit dalawang oras ang book signing sa dami narin ng taong dumalo.
"Congratulations Lex."
"Thank you Trev. Without you hindi ko alam kung paano ko matutupad lahat ng ito. Halos bitawan mo pangarap mo para lang sakin. "
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE (S2) - bxb
Romance" S2 of Crazy Bad Prince. New season, New characters , more drama. I know medyo cliche ito pero diba why not? Mas masakit mas masaya. I know na-miss niyo din sila kaya bakit hindi natin subukan ulit. " - Veron So 🌹