• LEXIS •
"Si Lester, Naiintindihan niya ko. Alam niya yung pinagdadaanan ko. Lagi siyang nandiyan para samahan ako."
"at ako? Nawala ba ko? Ilang beses kitang tinanong kung okay ka lang, lagi mong sinasabi na okay kalang! kahit nararamdaman at alam kong hindi. Hindi kita pinilit mag salita kasi ayokong pangunahan ka. Binigyan kita ng oras, inantay kita na magsabi sakin."
"dahil ayokong makita mo kong mahina!"
"hindi totoo yan Prince. Dahil yung totoo wala ka talagang tiwala sakin. "
"Hindi totoo yan Lexis! "
"Edi ano ang totoo Prince? Sige nga isang tanong at isang totoong sagot lang Prince. May nangyari naba sa inyo ni Lester?"
"A-a-anong pingsasabi MO? Syempre walang nangyari samin"
"SINUNGALING" hindi na napigilan tumulo ang mga luha ko. Kasabay nito ang pag bato ko sa lamesa ng mga larawan nila ni Lester na magkatabing hubad na natutulog sa iisang kama.
-------------------------------
"Hey Lex ayos ka lang ba?" tanong ni Trev sakin. Kasalukuyan kaming nasa meeting patungkol sa isang charity event na ang sponsor ay isang malaki at kilalang kompanya. Gusto nila akong kuhain na guest speaker. They want me to share my life story sa mga bata.
"sorry medyo hindi lang maganda yung gising ko. Sige tuloy lang tayo sa meeting. " lately ang daming gumugulo sa utak ko simula nung makita ko ulit si Prince parang gumulo nanaman ang lahat. May mga pagkakataon nanaman na bigla siyang sumasagi sa utak ko at kahit sa mga panaginip ko.
Hindi ito tama. Hindi rin maganda na may ganito parin siyang epekto sakin. Masyadong malalim ang sugat at matagal ang proseso ng paghilom, hindi pwedeng ang kahinaan ko ulit yung maging dahilan para mabuhay ulit yung sakit.
"okay lang po ba sa inyo yun Sir. Lexis? "
"Hoyyyy Lexis?" pag tawag ni Trev sakin.
"Yeah! Sure tuloy na natin." sagot ko sa kanilang natataranta pa .
"sigurado ka Lex?" nagdududang tanong ni Trev sakin pero ngumiti lang ako dito.
"Okay po Sir. Lexis, bali ang dinner meeting niyo po ay mamayang 7:00 PM po. Papa sundo nalang po namin kayo sa company driver na siyang magdadala sa inyo sa restaurant po. Maraming salamat po sa pag payag. " hindi naman ako nakasagot sa staff nung company na nakipag meeting samin tumayo na to at maayos na nag paalam samin.
"sigurado ka ba na ayos ka lang?" nagdududang tanong ni Trevor sakin.
"sorry di ko kasi narinig yung sinabi niya kaya napa oo nalang ako kanina." sagot ko dito napakamot nalang ako sa batok ko.
"gusto ka daw muna maka usap nung boss niya ng personal para mapag usapan yung tungkol sa charity event nayun. " seryosong sagot nito sakin.
"hala Trev. Help me. Alam mo naman na ayaw kong madyadong nakikipag usap sa ibang tao. Pwede bang ikaw nalang muna ang pumunta. Please, please, please. "
BINABASA MO ANG
CRAZY BAD PRINCE (S2) - bxb
Romance" S2 of Crazy Bad Prince. New season, New characters , more drama. I know medyo cliche ito pero diba why not? Mas masakit mas masaya. I know na-miss niyo din sila kaya bakit hindi natin subukan ulit. " - Veron So 🌹