CHAPTER - 7

128 7 10
                                    

(A/N): Actually matagal na tong naka Draft parang 8 months ago ko pa to natapos. Natatakot lang akong masaktan ng malala si Lexis since okay naman sila sa unang season. Sorry na at natagalan pero buhay pa ko hahaha.

• LEXIS •

5 years ago..

"Depression"

Gulat na napatingin sila sa Doctor pagka tapos nitong sabihin na may depression ako. Nandito si Mitch kasama ang boyfriend nitong si Rocky. Hawak hawak ni Mitch ang isang kamay ko habang nakahiga ako sa hospital bed at marahan itong minamasahe. Para bang sinasabi nito na wag kang mag-alala nandito lang kami.

"Based on what you have observed, it only shows signs of depression. You told me that he's been in a relationship breakdown, has no appetite, and can't sleep. I must say that this has caused him a lot, and this matter needs attention. I will recommend a psychiatrist to help him with his mental state."  After mag salita ng Doctor ay agad din itong umalis para mag check ng iba pang pasyente. Naramdaman ko naman na mas humigpit ang pag hawak sakin ni Mitch.

"Gago! Gago siya! Nasan ba yung tarantadong yun kailangan niyang harapin si Lexis at panindigan ang kalokohan niya at sisiguraduhing ko ding makakatikim siya sakin ng malala!" Ramdam sa boses ni Rocky ang gigil sa kaibigan niya.

"Ano ba! Tumigil ka nga diyan, hindi yun ang importante ngayon. Wala na kong pakialam sa kaibigan mong gago! Pero si Lexis, hindi natin siya pwedeng pabayaan." Humahagulgol na iyak ni Mitch. Lumapit naman si Rocky dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Pag nakita ko talaga yung lalaking yun puputulan ko talaga ng pag-aari niya yun ng mag tanda! Pati ang my love ko umiiyak gago siya!"

I am currently looking at the light from the ceiling. Wala akong gustong maramdaman, or should I say, I am wishing to end this life. Maybe it's me, I'm the one to blame at hindi siya or sila. Maybe if I understand him better or love him more then this won't happen. Kaso nag kulang ako. Kasalanan ko to kaya mas pinili niyang sumama sa iba.

Am I not enough reason to make him stay? He told me he loved me; no, he promised na paulit-ulit niya kong pipiliin. Pero siguro hindi ako kapili-pili. Tuloy tuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Gustong sumabog ng puso ko, gustong sumigaw ng utak ko pero para akong pipe.

"Alam ko iniisip mo Lex, please don't blame yourself. Napaka buti mong tao at marami kaming nag-mamahal sayo. Di ka namin iiwan huh. Wag mo kaming iiwan, di ko na kayang mangyari ulit sayo yung nangyari dati." Alam kong sobrang nag-aalala si Mitch sakin ngayon, dahil sa lahat ng taong nakilala ko siya lang yung kaibigan na kapatid nadin ang turing sakin. Nasasaktan akong makita siya ng ganito ng dahil sakin pero tang I*a ang sakit sakit kasi talaga.

Sana nga natuluyan nalang ako sa Bus! Sa dami ng nawala bakit nakaligtas pa ko! Edi sana hindi ko nararamdaman to! Nag-mahal lang naman ako, di naman ako masamang tao pero bakit ako nanaman yung bunot ngayon. Hanggang ngayon paulit ulit na tumatakbo sa utak ko yung huling narinig kong usapan nila sa cellphone. Pati utak ko nabibingi na! Gusto ko ng sumabog parang mababaliw na ko at di ko na makontrol ang emosyon ko.

"Ayoko na siyang makita. Please ilayo niyo ko sa kanya! Ayoko na sa kanya! Ayoko na parang awa niyo na! Please! Please!" Sigaw ko na nag pagulat sa kanila. Hindi ko makontrol yung katawan ko. Nag wawala na ko. Naramdaman ko na niyakap ako ng mahigpit ni Mitch naririnig kong may sinasabi siya pero di ko naiintindihan. Sunod ko nalang nakita na tumakbo si Rocky palabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRAZY BAD PRINCE (S2) - bxbTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon