Epitome

44 3 2
                                    

Deki's Point of view.

Kapag maganda ka mahal ka ng lahat, pero kapag pangit lalaitin ka lang nila.

Ang saklap ng world noh? Ako si Deyanara Killani Monsiga ang babaeng nag mula sa pamilyang mahilig sa Itim. Mula sa kanunununuan ko ay Itim na ang lagi naming suot. Ang sabi ni lola ko ay may lahi daw kaming mangkukulam, pero di naman yun totoo.

At Oo, muka akong mangkukulam, mahilig kasi si Lola sa mga mang- kukulam kaya noong 9 years old ako ay sinusuotan niya ako ng mga wirdong damit at may mga kung ano-ano din siyang sinasabing salita na nanggaling pa yata sa ibang planeta.

9 years old ako noong iwan ako ni Mama at si Papa naman ay sumama na sa mga engkanto. So nai-stuck ako sa wirdong mangkukulam kuno kong lola. Noong 13 years old naman ako ay sinundo na ni San pedro si Lola, At alam ko namang may kaunti akong kasalanan sa mabilisang pag panaw niya, Mahilig kasi akong mag uwi ng mga ahas noon sa bahay, Eh sa malay ko bang hindi pala sila friends nung mga alaga kong ahas, at ayun natuklaw si Lola , na tigok at nakipag party kay san pedro.

"Deki! Lintek na batang to!" Hindi ko iminulat ang mga mata ko at nag kunwari pa akong humihilik. panira naman si gurang.

"Deyanara! Ika'y bumangon na dyan. malele-late na kayo ni Kumpadre sa barko!" Mas nilakasan ko pa yung hilik ko habang walang tigil si gurang sa kaka-sigaw sa labas.

"Anak ka ng tatay mo! Ikaw ba'y walang tenga ha! bumangon ka na sabi dyan" narinig ko ang nakakakilabot niyang mga hakbang. Kung tunay talagang may lahi akong mangkukulam, siguro matagal ng palaka si gurang.

"Isa Deki, pagkabilang kong--"

"Sampu nakatago na kayo" Bulong ko at wala pang isang minuto ay may tumalsik na sa muka kong matigas na bagay.

"Aray ko po!" Napa balikwas ako ng bangon bago ay masamang tinignan si Gurang. "Ano bang problema mo!?" Inis na tanong ko pero sumimangot lang si Gurang at sasapakin sana ako ng mabilis akong nakailag.

"Nakakahiya kang bata ka! Bumangon kana nga diyan at halos dalawang Oras nang nag hihintay si Kumpadre sa baba!" Nanalilisik ang matang lintanya niya. Bwisit si Gurang, kung pwede nga lang buhayin si Lola matagal ko nang ginawa para hindi ko na masilayan ang nakakalokong muka ng matandang gurang na ito.

"Wala naman akong sinabing sasama ako sa panot na iyon ah"

"Kesyo sa ayaw o ayaw mo sumama, lalayas kana dito sa tahanan ko at doon kana sa maynila mag-tatrabaho" Nanlalaki ang matang umiling-iling ako.

"Hindi! Ayoko!"

"Aiyst, Wag na matigas ang ulo at ayusin mo na yang sarili mo" Magdadabog pa sana ako kay Gurang ng mabilis na nag laho ang matanda. Bwiset! Walangyang life.

Sino si Gurang? Siya ang kumupkop sakin matapos mamatay ni Lola, Kaibigan siya ni Lola at medyo hawig niya si Santa-Clouse. Matanda na din si gurang nag tataka nga ako kung anong agimat ang gamit nya at hindi pa sya sinusundo ni kamatayan.

"Deki!"

"Kaines! Oo na po! Eto na!" Bwisit!


No choice. Kahit ayaw ko ay pilit nalang akong maligo at ayusin ang sarili ko.


"Dyosmiyo! Anong klaseng suot yan!?" Muka nang apple si gurang dahil sa pamumula ng kaniyang muka. Maayos naman yung suot ko, as usual itim parin dahil wala naman ako ibang damit kung hindi yung mga biniling saya ni lola na puro itim atsaka naka belo din akong itim, sabi ni lola dapat isuot ko ito sa tuwing lalabas ako. kaya minsan hinahagisan ako ng bawang ng mga tao pag nakikita ako, mas muka pa nga silang manananggal kesa sakin.


Trapped With The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon