Chapter 1

374 13 1
                                    


01: Nanny


Deki's Point of view.



"ANONG nangyayari?" Isang nakakatakot na boses mula sa kung saan ang narinig sa buong palasyo. Grabe naman yun, may mikropono kaya ngalangala nya? dibale si gurang nga umaabot sa kabilang baryo yung boses.



"Tangina, Ryder yung kakambal mo paalisin mo na!"



"Putangina mo ka, julius! sabi ng hindi ko yan kilala!"




"Mag dasal na tayo, Ayoko makulam. Oh panginoon..."




"Shut up assholes! Can't you all see need na ata icpr si nico!"




"tsk, Fucking quiet!" 





Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang tumigil lahat at nag si tahimik dahil sa sigaw nung lalaki. Grabe naman si kuya pa main character, pero infernes gwapo sya. Sya lang ata yung nag iisang kalmado dito sa loob ng palasyo. yung syam na lalaki kasi bigla nalang nag kagulo akala mo nakakita ng multo. 




"Mamita's here" sabi ulit ni mr. seryoso. Konti nalang mafafall na ako dito, type ko pa naman yung mga ganan ang vibes, pero medyo turn off kasi pula buhok nya medyo nagiging hawig nya tuloy yung alaga kong manok dati na ginawang tinola ng kapit bahay namin. 




Parang may anghel na dumaan dahil bigla silang naging seryoso lahat at mga akala mo'y sundalo na nag si pwesto sa isang gilid. 




"What happened here?" Kagaya ng boses kanina ay sobrang nakakakilabot yung boses na yun. Pag tingin ko sa hagdan ay may matanda na siguro kaedad ni gurang ang nag lalakad palapit sa pwesto namin. 




"Mamita, may mangkukulam na dinala si Ryder" sabi nung isang lalaki na kulay brown ang buhok at may kung anong bakal na naka sabit sa ilong nya, Kamuka nya tuloy yung toro ni Kuya berting. 




"Fuck off, Julius!" Sigaw naman nung lalaking blonde ang kulay ng buhok, tapos ay may tattoo pa sya sa braso nya na parang dragon. Tinaas nya yung gitnang daliri nya bago ay masamang tumingin doon sa tinawag nyang julius.




"Ryder, watch your words" may owtoridad yung boses nung matanda. Napatitig ako sa muka nung matandang babae at grabe naman mag pala si lord. Kahit may katandaan na mahahalata mo parin ang angkin nitong kagandahan, mukang wala atang panget sa palasyong ito. Baka ako lang?



"And who might be you?" Shuta, english pa. Buti nalang kahit papaano nakikinig ako sa tinuturo nung teachers ko sa elementary.



"I'm gowd, payn, and okey and Tengk you" Confidence ko pang sinabi yun. Iba talaga kapag top 1 sa school. Muka syang nagulat sa sinabi ko, sa totoo lang hindi lang yung babaeng matanda ang nagulat kung hindi pati narin yung syam na lalaking naka tayo sa gilid yung isang gwapo naka hilata parin sa lapag at mukang masarap ang tulog.

Trapped With The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon