ONE SHOT

68 5 0
                                    

AKALA KO.

"Mahal kita. Kahit marami d'yan mas maganda, sexy, mabait kesa sa'yo. Hinding hindi ako magsasawang mahalin at alagaan ka araw araw. I want to be your last Sassy.."

Huling sinabi saakin ng taong pinakamamahal ko bago 'nya ako lokohin at iwan.

Ako? Andito umaasa, naghihintay, naglugmok ako simula nung mawala siya.


Hindi makaahon hindi ko alam kung kakayanin ko pa. It's been a 2yrs simula nung naghiwalay kami. Pero ako nandito padin napag iwanan ako. He's happy with her beloved girlfriend while i'm suffering. Tch. I'm so pathetic.

Kaya eto ako ngayon nahihirapan akong magpapasok ng bago sa buhay ko. Kasi bakit? Lolokohin lang din naman nila ako e diba? Sasaktan lang din nila ako in the end. Iiwan lang din nila ako gaya ng lalaking akala ko ay pag lalaanan ko na ng buong buhay ko.

"Sas, please give me a chance? I will prove you na hindi lahat katulad nung gag*ng ex mo na 'yon na lolokohin ka lang please?"

Bumalik ako sa reyalidad ng biglang lumapit at magsalita si Nathan.

"Nate sorry, hindi pa talaga ako handa ulit, alam mo naman yung past ko diba? Nahihirapan pa ko. Sorry.."

Mag dadalawang buwan na rin simula nung manligaw sakin si Nathan. 'Nung una hindi naman talaga ako pumayag na ligawan 'nya ako. Actually ayoko talaga kasi sabi ko sa kan'ya ayokong makasakit kase nga sabi ko hindi pa ko handa pero sabi 'nya wala na daw akong magagawa kahit ayaw ko daw dahil pursigido daw s'yang ligawan at hintayin ako.

Naiinis ako sa sarili ko kase ang hirap na. Ang hirap na ulit magtiwala, magmahal kaya kahit isang tao lang gumawa saken non iniisip ko na uulit ulitin lang din nilang gagawin saken yon. Eto, eto ang epekto sakin ng isang beses lang na panloloko. To the point na kahit hindi ko pa naman alam yung mangyayari uunahan ko na agad.

Am i selfish? Siguro nga oo. Pero nasaktan lang naman ah, niloko lang naman ako! Gin*go lang naman ako! Ngayon sabihin nyo maiiwasan ko bang hindi isipin yon?!

"Sorry Sas, naiintindihan ko at iintindihin ko. Sige mauna na muna ako hindi na muna kita maihahatid. Ingat ka.." Sabi 'nya sabay alis.

Shit! Nasaktan ko si Nate. Nasaktan ko yung taong walang ibang ginawa kun'di ang intindihin, pasiyahin, at unawain ako.

-------

Magdadalawang linggo na din akong iniiwasan ni Nate simula nung huli naming pag uusap. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa tuwing dinadaanan 'nya lang ako sa campus.

Maaga akong pumasok para sana kausapin si Nate pero ayun at umiiwas na naman s'ya. Naninibago ako kase hindi naman s'ya ganyan saken at sa tingin ko nasanay na ako na lagi 'nya akong kinukulit. Sa totoo lang ideal man si Nate. Pogi,  matangkad, mabango higit sa lahat mabait. This past few weeks feel ko may nag iiba saken kase sa tuwing nakikita kong may kasama s'yang ibang babae....actually hindi 'nya kasama nilalapitan s'ya at nagpapacute na kunware magtatanong. Tss, that style! Di ko alam pero naiinis ako sobra tapos naiiyak ako. Aaccck! I don't know why.

"Nate" tawag ko isang araw nung maabutan kong nakaupo s'ya mag isa sa bench.

Tumingin sa bigla sa wrist watch at biglang sabing "What the? Malalate na ko. Hey, Sas. Una na ko!."

Hinawakan ko s'ya bigla sa kamay. "NATE PLEASE SORRY! NGAYON KO LANG NAREALIZE LAHAT SIMULA NUNG INIIWASAN MO KO. SORRY, KASE NAGING MAKASARILI AKO. SORRY, KASE HINDI MAN LANG KITA KAYANG PAGBIGYAN AT PAPASUKIN SA PUSO KO! AKALA KO KASI LAHAT NG TAONG DADATING SA BUHAY KO AY LOLOKOHIN LANG AKO. E, KALA KO LAHAT SASAKTAN AT PAPAIKUTIN LANG DIN AKO AKALA KO PAREHO KALANG DIN NYA AKALA KO HINDI KO NA ULIT KAYA MAGMAHAL PERO NATE...HANDA NA ULIT AKO MAGMAHAL NATE.." Tuloy tuloy kong sabi habang umiiyak.

Nakatingin lang lang siya sa akin. Nabibigla.

"I LOVE YOU SAS. I REALLY LOVE YOU. I CAN'T PROMISE NA HINDI TAYO MAG AAWAY O HINDI TAYO MAGKAKA PROBLEMA PERO I WILL PROMISE TO YOU NA HINDING HINDI KITA IIWAN EVEN IF IT'S REALLY HARD. I'LL STAY WITH YOU SAS NO MATTER WHAT HAPPENED!" Sabi 'nya sabay yakap sakin.

That day. I promise my self na mamahalin at iingatan ko ang bawat sandali na kasama ko si Nate. Nate is worth for my love. Nate is the meaning of love for me. He's the man i want to spend my life with.

-----

"HAPPY 5TH ANNIVERSARY LOVE."

Today is our 5th anniversary day. Limang taon na simula nung sinagot ko si Nate at masasabi kong I made a right decision. I'm happy everytime I'm with him.

"HAPPY 5TH ANNIVERSARY TO US LOVE!" Sabi ko den kay Nate.

Nandito kame ngayon sa Tagaytay nag celebrate ng anniversary namin since may bahay pala dito si Nate na ipinamana sa kanya ng Daddy nya bago ito mawala.

"I love you Sassy! I may not be your first but i promise na ako na ang magiging huli mo Sas. I'm really inlove with you since day one. I love you Sas."

Ni minsan hindi ko inakalang mararamdaman at mararanasan ko pa ulit to. 'Yung sumaya at magmahal ulit ng walang takot. Kase "AKALA KO" hindi ko na kaya kase "AKALA KO" mauulit lang ulet pag nagmahal ako. "AKALA KO" makukulong na ako sa sakit ng nakaraan ko. Pero hindi ko inakalang may isang NATE na magpapabago lahat ng inaakala ko.



  ~END~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AKALA KO (ONE SHOT)Where stories live. Discover now