Photo not mine. Credits to the owner.“Ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko." Sabay halik ko sa kaniyang noo na agad na nakapag pangiti sa kaniya nang pag kay tamis.
“Ikaw talaga! Ang galing galing mong mambola hanggang ngayon no?" Pero nakangiti pa din at namumula ang mukha.
“Totoo naman kasi mahal ko, napaka swerte ko nga sayo eh. May maganda na akong girlfriend, supportive pa! Oh saan pa ba ako diba? Maghahanap pa ba ako ng iba? "
Pabiro niyang kinurot ang tagiliran ko kaya pabiro din akong umaray at tumawa. Gustong gusto ko talagang nakikitang natutuwa ang mahal ko.
Mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko sa tuwing nakangiti at masiya na ako ang dahilan.
“Hindi nga?"
“Oo nga po mahal. Di ka ba naniniwala sa akin?"
“Hindi." Tumawa naman siya at ako ay umaktong parang nasaktan.
“Ang sakit naman nun mahal. Di ka naniniwala sa akin?" Nag puppy eyes pa ako na lalo naman niyang ikinatuwa. At kinurot ang ilong ko.
“Pero hindi nga mahal. Tanong ko lang sayo ha paano kung... Di pala tayo para sa isa't isa?"
“Edi pipilitin natin."
Hinampas naman niya ako sanhi para mapa aray ako.
“Hindi nga! Sumagot ka nang maayos." Medyo naiinis niya ng turan.
“Eh bakit kasi ganiyan mga tanong mo?!" Naiirita ko na ding sabi.
“Eh basta! Sumagot ka na lang!"
“Bakit may balak ka na bang ipagpalit ako? At sino naman yan ha?!"
“Bahala ka na nga diyan! Humanap ka nang kausap mo! Ruzthine Cole!"
Paalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niyan at mas inilapit sa akin. Nakita ko naman sa reaksiyon niya ang gulat sa aking ginawa.
“Ano ba?! Lumayo ka naman sa akin ng kaunti." Mariing sabi niya.
“Paano kung ayoko?" Sabay taas ng kilay at mas nang asar pa.
“Isa."
“Dalawa." Ginaya ko pa siya sa pagbibilang na mas ikinasimangot ng mukha niya.
“Sagutin mo na kasi tanong ko!" Impit na inis niya sa akin. Alam kong nagpipigil na lang siya na sigawan ako.
Sumeryoso na ako dahil ayoko ng magalit ang mahal ko. Gusto ko parati na lang siyang masaya at nakangiti.
“Kung hindi man maging tayo hanggang dulo?... Magpapasalamat pa din ako kasi nakilala kita, pinaramdam mo sa akin yung pagmamahal na mayroon ka. At higit sa lahat sinuportahan mo ako at minahal mo ako ng buong buo kahit na ganoon mga naging past ko." Sabay kuha sa kamay niya at hinalikan iyon.
Nakita ko naman na napangiti na siya sa naging sagot ko. Kaya ako naman ang nagtanong.
“Eh ikaw? Ano gagawin mo?" At pinagtaasan siya ng kilay.
“Ako? Di ko alam e. Parang di ko na makikita yung sarili ko na magmamahal pa ako ng ibang lalaki bukod sayo at kay papa. Kasi thankful na ako sayo, dahil dumating ka sa buhay ko. Binigyan mo nang kulay yung dating madilim at walang kabuhay buhay. Pinaramdam mo sa akin yung iba't ibang emosyon na sa iisang tao ko lang mararanasan, at sayo yun. Basta kahit na hindi tayo para sa isa't isa mahal na mahal pa din kita, walang magbabago dun kahit na di ako makapag asawa kasi di ko nga makita sarili ko na hindi ikaw ang kasama. Makita ka lang na masaya, masaya na din ako para sayo." Pagkatapos nun ay ngumiti siya nang pagkay tamis. At hinalikan siya sa noo at nagpatuloy sa pagsayaw sa tugtog na kami lang ang may alam.
Naramdaman ko na lang na pumatak na ang luha ko sa mga sinabi niya. Agad ko naman na pinalis iyon at binasa ang pangalan niya Ajiana Samara Lopez. Napakagandang pangalan talaga, tulad niya napakaganda. Napakagandang pakinggan.
“Mahal? Tara na?"
Lumipat ang tingin ko sa babaeng nasa likuran ko agad akong tumayo at humalik sa kaniyang noo.
“Naghihintay na sila mama at papa sa restaurant kasama ang mga bata?"
“Sige susunod na ako sa kotse."
“Okay. I love you."
“I love you too"
Pagka alis ay binalingan ko ang puntod ng babaeng unang minahal ko... It's been 4 years simula ng iwan niya ako. Ang sakit isipin na sa isang iglap mawawala yung taong pinakamamahal mo. Yung taong nandiyan sayo at tinaggap ka nang buo kahit na wasak na wasak ka noon. Naniwala sa kakayahan mo at di ka binitawan hanggang dulo.
May mga tao kasi na panandalian lang talaga. Yung magbibigay aral lang sayo. Mga panandaliang saya, kilig , sakit at iba't ibanh emosyon na pwede mong maramdamdaman pag kasama mo siya.
Mayroong mga taong panandalian lang talaga ang nararamdaman at mayroon namang hanggang sa dulo nakatanim pa din sa puso't isip mo, at di mo na maalis dahil sa naging parte na nang buhay mo.
Pero sabi nga nila people come and go. Nagpapasalamat pa din ako na may isang katulad niya na nagmahal sa akin kahit sa maikling panahon. It's been 4 years since that accident happened.
Yung gabing huling nagsayaw kami sa restaurant na paborito naming kainan at matapos ang uspan namin noon. Ay nakatanggap ako ng balita mula sa pamilya niya na wala na daw si Ajiana.
Gumuho yung mundo ko nun, di ko alam gagawin ko at sinisi ko yung sarili ko dahil kung sana naihatid ko siya sa bahay nila sana di siya na aksidente.
Pero wala akong magawa nun dahil nakatanggap din ako nang emergency galing sa pamilya ko, kaya sinabi niyang wag ko na siya ihatid at mas kailangan ako sa bahay.
Hindi ko alam na iyon na pala ang huli namin pag uusap, yun na pala yung huling mahahawakan at mahahagkan ang kaniyang noo. Yun na din pala ang huling beses na makikita ko siyang masaya at nakangiting matamis ng dahil sa akin.
Pero sa paglipas ng panahon natutunan ko nang patawarin ang sarili ko. Ayun din ang sinabi nang mga magulang ni Ajiana na wag ko sisihin ang sarili ko, dahil wala namang may gusto ng mga nangyari.
Ngayon ay kasal na ako sa babaeng iniibig ko ngayon at may dalawa na kaming anak. Namumuhay ng masaya at malusog. Talaga ngang hindi ako pinabayaan ni Ajiana, tinupad niya yung sinabi niyang magiging masaya ako.
Miss na miss na kita mahal Ajiana Samara. Ang Guardian Angel ko. Gabayan mo sana ako, ang pamilya ko at ang pamilya mo. Palagi ka pa ring nasa puso't isip namin.
Hinihiling ko na sana sa susunod na magkita ulit tayo sa kabilang buhay o di kaya naman ay reincarnation natin, sana doon maging masaya na tayong magkasama at tayo na ang magkatuluyan mahal ko.
Nagdasal na ako ng huli at muling hinalikan ang puntod kasabay ng pag ihip ng hangin. Napangiti na ako at tuluyan nang umalis.
“Let's go? Sorry natagalan ako mahal."
“Okay lang mahal."
Hinalikan ko ang kamay niya at hinawakan hanggang sa maka alis na kami.
Ito na ang bagong buhay ko. Ito na ang bagong mahal at pagkaka ingatan ko.
Alam ko na masaya ka na mahal kung nasaan ka man ngayon. At alam kong nakikita mo na akong masaya. Salamat ulit at dumating ang isang tulad mo sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
LAST DANCE (ONE SHOT STORY) |COMPLETED|
LosoweMay mga tao kasi na panandalian lang talaga. Yung magbibigay aral lang sayo. Mga panandaliang saya, kilig , sakit at iba't ibang emosyon na pwede mong maramdamdaman pag kasama mo siya. Mayroong mga taong panandalian lang talaga ang nararamdaman at...