C H A P T E R : 4 My first kiss

291 40 2
                                    

PRINCESS P.O.V

"Ang malas naman ng araw ko ngayon""Ang tagal kong inalagaan tong labi ko na hindi madampian ng labi ng kung sino lang tapos ngayon! Wala na !

"Nababoy na Lips ko!!

" Ang Nakakainis pa! Babae""ang nakakuha ng first kiss ko!

" Diko alam,,.kung maiiyak ako na ewan.

" Sabi ko sa sarili ko, makikipag kiss lang ako sa taong mahal ko," pero wala na, hindi na matutupad yun."

" Buti na lang talaga kami lang tao kanina, " laking pasasalamat ko kasi walang nakakita sa nangyari samin sa banyo." Kung bakit kasi Paharang harang siya sa pintuan ng CR.

" Kakainis ka! Luna... " Ang Babaeng nagnakaw ng una kong halik!

" Kadiri talaga."

" Taena " Hindi ko Napigilang magmura kahit marami akong nakakasalubong na ibang students.

" Paulit ulit kong pinunasan ang labi ko. " Kinuskos ko pa ng panyo tong labi ko para lang mabura yung halik na yun pero kahit anong gawin ko wala na!! Nakuha na niya yung unang halik ko na dapat para kay Eunwoo my labs lang.

" Hoy Babaeng tigre" bakit para kang tindera sa palengke na mukhang nalugi dyan?" Salubong niya pagkapasok ko ng classroom." Hindi ko siya pinansin dahil alam kong iinisin lang ako nitong bestfriend kong si Via.

"Bigyan kita chokolate " oh kainin mo para kahit konti mabawasan yang stress mo." Ano na naman ba problema mo girl? Tanong niya.

" Pero diko pa din siya pinansin." Kahit sabihin ko din naman sa kanya" hindi na niya maibabalik yung virginity ng labi ko!" Sumubsob na lang ako sa table ko.

"Tsk. Bruha kausapin Moko!

"umayos ako ng Upo " Wala nga ang kulit mo Via " pero May tanong ako."

"Ano naman yon".

"Ano una mong naramdaman Via ng una kang halikan sa labi ng boyfriend mo?"

" Syempre ang Sarap, Parang May naramdaman akong kuryente"at paroparo sa tummy ko! Sabi niya na parang kinikilig pa.

"Yung akin ba? Ano naramdaman ko?

" Tsk ano pa edi nandidiri ako! Kainis! Babae pa talaga ang naging First kiss ko at di kona mapapalitan yun.! Di kona maipagmamalaki pa! Sumubsob na lang ulet ako dito sa lamesa ko.

"Andito na si Sir Edgar kaya umayos Kana dyan gagi ka!"

"kainis naman kasi eh.

"Umayos na ulet ako ng upo, pero pumapasok parin sa isipan ko yung nangyari kanina, " isa pa hindi ko napigilang sampalin yung Luna na yun dahil pakiramdam ko gusto pa niya akong halikan.

" kakainis Kasi bakit siya pa? Kung alam ko lang nagpahalik nako dati." Kainis!

" Natapos na ang klase namin ng wala akong ginawa , " pero para akong lantang gulay ngayon.

" Pano na pag nagka-boyfriend ulet ako? Pag nagmahal nako ng totoo? Hindi kona maibibigay sa kanya yung first kiss ko". Kainis! 2 years nakong single." May mga nanliligaw sakin pero wala talaga akong magustuhan sa kanila." Saka baka tulad lang sila ng ex ko na di lang ako pumayag magpahalik kasi di pako ready' iniwan ako at ipinagpalit sa mukhang pusit." Kapal ng mukha niya."

" Princess tignan mo, yung sassy girls magkakasama!" Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko yung tinuturo ni Via, tsk Grupo ni Luna," " bigla akong umiwas ng tingin, ayokong makita yung mukha ng Luna na yon!.

" Kung Bakit naman kasi tong si Via " gustong gusto manuod ng Banda nila". Ako kasi di mahilig sa Music kaya pag May perform sila di ako nanonood kahit dito sa school." ! Saka ang ingay lalo na pag sumisigaw yung mga students habang pinapanood sila ". Pero pag naaawa naman ako kay Via " dahil wala siyang kasama " no choice kung di sumama sa kanya at manood na din.

" Pero hindi ko talaga maikakaila na sikat yung grupo nila Luna." Kaya pag May event sa school ang ingay lalo na pagsila na yung nasa stage." Halos lahat ata ng student pwera sakin nanunuod sa kanila." Mapa babae o lalaki andaming humahanga sa galing nila.

"Hayts kakainis! Sira ang buong araw ko dahil kay Luna.!

"Nakauwi nako." Oh andito Kana pala." Kumain Kana tawagin mo muna yung kapatid mo sa taas " salubong ni mama saka ako niyakap"pagkatapos ko Magmano." Halatang kakatapos nya lang magluto."

" Pabagsak akong naupo sa sofa" saka nahiga. Nakita kong nakatingin lang sakin si mama na pansinin nya siguro na hindi ako okay."

" Masama ba pakiramdam mo anak?" Mukhang di ka okay."

" Hindi po masama pakiramdam ko ma", ang dami kasing ginawa sa school eh" punta nako sa room ko mah" magbibihis lang ako at tatawagin kona din si precious" paalam ko". Saka umakyat na ng hagdan papuntang kwarto.

" Pagkatapos ko magbihis lumabas nako.

"Kumatok ako ng paulit ulit sa pintuan ng kapatid ko." Precious kain na daw! Sigaw ko paniguradong di ako maririnig nun kasi nagpapa tugtog na naman siya ng mga kanta ng Sb19. Tsk!

" Dalawa lang kaming magkapatid, grade 12 student pa lang siya. " Ako naman 2nd year college kumuha ng business ads.

"May kaya kami sa buhay." May sarili kaming kumpanya Dito sa Pilipinas pero di kalakihan kagaya ng sa iba. " Nasa Italy naman si dad ng limang buwan dahil May kailangan siyang asikasuhin."

" Precious!! Kakain na daw ano ba!! Sigaw ko ulet. Etong kapatid ko na to mana kay mama mahilig sa music." Pero sa ganda lang ako ang nagmana kay mama."

" Napaka bingi " bahala nga sya!!

" Bumababa nako at nagpunta ng kusina." Naka ayos na yung pagkain sa mesa katulong ni mama si aling Maritess kasambahay namin. " Nagsandok nako ng pagkain, si mama naman ay naupo na din para kumain.

"Bakit di moko tinawag? Kakain na pala?

" Tinawag kita " bingi ka lang!! Bat dimo kasi hinaan Yung patugtog mo?" Sabay subo ng pagkain.

" Madalas talaga magpatugtog ng makakas tong kapatid ko " parahes sila ni mama " kaso lang si mama tuwing Sabado lang nag papatugtog sa sala ", si precious kasi araw-araw lalo na pag nasa kwarto na.

" Ate magboyfriend Kana kaya ulet para naman mabawasan yang pagiging mainitin ng ulo mo." Kulang ka lang sa bebetaym." Gusto mo ireto na kita sa aso ng kapitbahay."

" Pwede ba tigilan Moko panget" baka mabatukan kita."

"Bahala ka nga ." ate nga pala ka-batch mo yung Sikat na grupo ng Sassy girls diba?

"Hmm? Bakit mo natanong."?

" Napanood ko sila ng isang beses" ang astig nila tapos kinanta nila yung request kong songs," Buti talaga sinama ako ng friend ko sa gig nila , kaso ang hirap nila lapitan.

" Puro Kanta na naman nasa isip mo! Tsk buti na lang talaga ako walang hilig dyan baka matulad pako sayo."

"Diko na kinausap si precious at tinapos kona yung pagkain ko saka umakyat na ulet ng kwarto." Nagpahinga muna ako saglit bago mag toothbrush at mag halfbath. Ilang sandali lang ng matapos ako at nahiga na.

" pumasok na naman isip ko yung kanina! Pakshet naman! Bigla akong bumangon at naupo sa kama.

"Ano ba! Bat naalala ko na naman yung halik na yon? Bakit hanggang ngayon Ramdam na ramdam ko pa din kung gaano kalambot yung labi niya.

" Parang gusto kong Sumigaw!

" Di sinasadyang kiss lang yon!! Sigaw ko.

"Oo di sadyang kiss Lang yon!! Sigaw naman ni precious sa labas ng kwarto ko." Naiwan ko palang Naka bukas yung pinto ng kwarto ko kaya narinig niya yung sigaw ko. Lalo na saktong papasok pa lang siya ng kwarto nya.

" Ate mukhang ninakawan ka ng halik ah?" Natatawang sabi niya bago tuluyang makapasok ng kwarto nya." Lakas talaga mang-inis ng kapatid ko.

"Kainis.

" Dapat kalimutan ko na lang yung nangyari. " Parang masamang panaginip lang," balewala lang... Parang di sinasadyang kiss lang nagkakaganito nako".

" Panaginip lang yon!. "Sige simula ngayon burado na lahat. " Dahil aksidente lang yun saka babae si Luna walang malisya at saka wala pa talaga akong first kiss.!

" Pangungumbinsi ko sa sarili ko."

Humiga na ulet ako saka pinilit na pumikit para makatulog." Simula bukas diko na ulet iisipin yung nangyari.

🆃🅷🅴 🅶🅸🆁🅻 🅷🅰🆃🅴 🅻🅾🆅🅴 🅶🆇🅶Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon