"PAUBAYA" CHAPTER 5

140 6 0
                                    


A/N: THIS IS THE 'LAST CHAPTER' OF SHORT STORY, ENJOY READING!

---

PAUBAYA


"Oh babe, buti naman at nag paramdam kana!" Masaya kong salubong sa boyfriend ko na si Jack.


"Sorry Ash."


"Why? Para saan?"


"I'm sorry Ash.. sorry."


"Hey, what happened? Are you okay?"


"Bumalik na siya, Ash. Nakausap ko siya kahapon."


"Kaya ka ba hindi nag paparamdam kasi kasama mo siya?"


Ang babaeng iniwan siya noon.


"Ash, hindi sa ganon."


"Masaya kaba sa kanya?"


"Of course!"
"Oh"
"Ash sorry."


"Jack.. Stop!"
"Alam ko namang babalik siya eh. Babalik ang babaeng tunay mo na minamahal."


"Ash."


"Alam ko namang pansamantala lang ako sa tabi mo. Iiwan mo din ako kapag dumating na siya and now nangyari na nga."


"Pero Ash, sabihin mo lang kung ayaw mo akong mawala."


"What? Para san pa? At anong dahilan!?"


"Ikaw!"


"Hah, ako? Kaya mo ba nasasabi yan kasi ayaw mo akong mawala sa tabi mo? Kasi ako ang kailangan mo pero SIYA ang MAHAL MO Jack!"


"Ayaw kitang saktan Ash."


"Pero sinasaktan mo na ako Jack! Hindi mo ba nakikita? Ang sakit sakit na! Durog na durog na ko ng dahil sayo."


"Minahal naman kita eh."


"Mahal? No! Nasasabi mo lang yan kasi ako yung kasama mo nung mga panahon na wala siya.. Siya talaga ang Mahal mo Jack,"
"So please.. tama na."


"What?"


"Sana hindi ka niya ulit saktan. Dahil sa oras na mangyari yun. Wala ng Ash na sasalo ulit sayo. Tandaan mo yan Jack."


Ako yung nandun sa tabi niya noong mga panahon na lugmok na lugmok siya dahil iniwanan siya ng pinaka mamahal niya pero wala eh hindi niya ako kayang mahalin tulad ng pag mamahal niya sa First love niya.


Ika nga nila, First Love never dies. Hays


Kaya simula ngayon...


"Pina-Paubaya na kita."


End of Story 5

---

>THANK YOU FOR READING

Soleil_Empyrean

Don't Forget to Vote and Comment!

SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon