"Sigurado na ba kayo sa desisyon nyo?" tanong ni MArcus sa bagong kasal na sina Zach at Jada habang nagkakape sa cafeteria ng hotel.
"Oo pre, gusto ko munang patunayan sa mga magulang ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, na mali sila ng akal." sagot ni Zach sa kaibigan.
"Pero kasal na kayo ni Jada, hindi ba't yun naman ang gusto mo para hindi na kayo mapaghiwalay ng mama mo?" singit ni Santi
"Oo nga, pero kilala ko si mama. Hindi sya basta titigil ng ganun nalang. Alam ko, may pinaplano sya." ani Zach
Wala ng magawa ang mga kaibigan kundi ang mapabuntong-hininga na lang. Kahit pa matalik nilang kaibigan si Zach at halos magkakapatid na ang turingan nila ay pagdating sa pgdedesisiyon hindi nila ito pwedeng panghimasukan.
Kampante naman sila lalo na't si Jada ang kasam nito/ Simula kasi g makilala ito ng binata ay malaki ang pinagbago nito. Ang dating happy-go-lucky at playboy na si Zach ay biglang nagkaroon ng paninindigan at hindi lang yan, hindi na rin ito marunong tumingin sa ibang babae. Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang natitirang anim na casanova na pagpalanuhan ang kasal ng dalawa.
"Oo nga pala,mamayanag alas-sais ng gabi ang lapag ng chopper. Pano ba yan, mukhang matatagalan bago tayo uli magkita." pagbabago ni Levi ng usapan
"Basta Jada, Zach, facebook facebook nalang tayo ha. Tsaka i-follow nyo narin ako sa twitter, follow back ko kayo." biro ni Apollo
"Sige ba, paki-tag nalang samin mga pictures ha." nakangiting sagot i Zach
"Sana naman ang susunod na mabablitaan namin ay yung magkakaroon na kami ng inaanak." sabat ni Jeremy
Sa narinig, ang nananahimik na si Jada ay pinamulahan ng mukha. Bumalik sa ala-ala nya ang mga nangyari sa kanila ni Zach kagabi. Hanggang ngayon, hindi sya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Naroong konting magkadampi lang ang mga balat nila ni Zach ay bigla nalang syang kikilabutan. Tila nahihiya sya at naiilang. Siguro ganun talaga ang nararamdaman ng mga bagong kasal.
"Ikaw talaga, wag mo ngang pine-pressure si Mareng Jada, tignan mo nga namumula na oh." puna ni Bricks. Awtomatiko namang napahawak si Jada sa sariling pisngi.
"Wag kayong mag-alala, malapit na." sagot ni Zach na may pilyong ngiti sabay akbay sa asawa.
- FAST FORWARD -
"Oh hayan, pagpasensyahan nyo na itong maliit na kubo, yan lang ang maireregalo namin sa inyong mag-asawa." ani Tata Pinyong habang pinagmamasdan nila Zach at Jada ang kabuuan ng bahay.
Pagmamay-ari ito nila Tata Pinyong at katabi lang ito ng kanilang bahay. Sakto kasing kaaalis lang ng dating nangungupahan dito kaya naman napag-desisyunan ng matandang mag-asawa na ipaubaya na ito sa dalawa.
Para narin kasi nilang anak ang mga ito. Isang bahay n tma alamang para sa nag-uumpisang bumuo ng pamilya. May maliit na sala, isang kwarto at kusina na may lamesa para sa dalawa.
"Alam kong maliit lang itokumpara sa tinutuluyan nyo sa Maynila pero sana tanggapin nyo na bilang regalo namin sa inyong kasal." segund pa ni Nana Trining
"Naku, sobra-sobra na nga ho ito." sagot ni Jada
"Hindi naman na kayo iba sa amin, at natutuwa kami ni Trining na sa kabila ng hirap ng buhay dito sa aming lugar ay napili nyo pa ring manatili dito." ani Tata Pinyong
"Sobrang laki na po ng naitulong nyo sa amin ni Jada, salamat po talaga Nana at Tata Pinyong." sincere na sabi Zach
"Wala iyon, basta't ang payo ko sa inyo ay palaging magmahalan at mag-unawaan. At kahit anong mangyari ay wag nyong iiwan ang isa't isa. Sya nga pala, ano na bang plano nyo ngayon?" tanong ni Nana Trining
BINABASA MO ANG
AGP CONTINUATION [Another Chapter of Their Lives]
General FictionContinuation of The Seven Casanova Series Book 1 : Ang Gutuming Prinsesa - Zachary Adriano A l l R i g h t s R e s e r v e d >>AkiyamaMioChan082412