JADA'S POV
Naramdaman kong huminto na yung sinasakyan namin at bumukas ang pinto..
Dahil sa wala akong makita, wala akong idea kung san nila ko dinala.
Hindi kaya sa isang abandonadong warehouse na puro daga at ipis?
Waaaahh.. Ayoko, takot ako sa daga.
"Baba na!" sabi ng isa
Kumilos na ako pababa ng sasakyan habang nag-iisip kung pano makakatakas.
Wala akong maisip na paraan. Apat sila at ang lalaki ng katawan.
Ano bang gagawin ko? Sana naman masundan ako ni Zach dito.
Mahal nya naman ako di ba? Di nya ako pababayaan..
Kasi ako.. *huk* MAHAL KO SYA.
Kahit na payatot yun mahal ko yun.
Hinding-hindi ko sya ipagpapalit sa abs ni Jacob ng Twilight o kahit na sa simpatikong si Harry Potter.
Kahit pa makipag-divorce si Prince William sa asawa nyang si Kate Middleton para ligawan ako kay Zach pa rin ako.
Kahit na pag niyayakap ko sya natutusok ako ng mga buto nya, titiisin ko.
Inalalayan ako ng apat habang naglalakad hanggang sa pumasok kami sa isang elevator.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil naramdaman ko ang pag-angat nito.
Teka, hindi kaya dadalhin nila ako sa isang chinese na bumibili ng kidney o kung ano mang parte ng katawan?!
Waaaahh!! Di kaya sila yung sindikato na nangingidnap para manguha ng lamang loob ng bata?
Teka, di ako bata!
Pero kahit gusto kong manlaban kailangan kong mag-relax. Kailangan kong kumalma para makaisip ng magandang plano.
At para mapaniwala silang mahina ako.
Huminto na ang elevator at bumukas ang pinto.
Nagsimula uli akong akayin ng apat na rugrats papunta sa kung saan.
Hanggang sa naramdaman kong huminto kami at may binuksan na pinto.
Pinaupo nila ako sa isang malambot na.. na.. kama?!
Waaaahhh!!
Di kaya dito na nila isasagawa ang mga plano nila sa akin?
Paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko yung sinabi nila sa akin.
'Siguradong mamaya, sasaya ka sa mga mangyayari..'
'Siguradong mamaya, sasaya ka sa mga mangyayari..'
'Siguradong mamaya, sasaya ka sa mga mangyayari.."
m(__ __)m
Natigil lang ang pag-eemote ko ng tanggalin nila ang pagkakatali sa kamay ko..
"Oh, pwede mo ng tanggalin yang takip sa mata mo."
sabi ng isa pagkatapos kalasin yung tali.
Agad kong tinanggal yung blindfold ko. Oras na makita ko mukha ng apat na 'to, tatandaan ko.
Ultimo nunal, kulugo at peklat di ko palalagpasin.
Kukuha ako ng hibla ng buhok nila at oras na makalabas ako dito, ipapakulam ko sila.
Nang sa wakas natanggal ko na ang napakahigpit na piring..
BINABASA MO ANG
AGP CONTINUATION [Another Chapter of Their Lives]
General FictionContinuation of The Seven Casanova Series Book 1 : Ang Gutuming Prinsesa - Zachary Adriano A l l R i g h t s R e s e r v e d >>AkiyamaMioChan082412