Ophelia's POV
Nakakakaba talaga ang nangyari kagabi pero may masaya din namang nangyari kaso lang meron parin sakin yung curiosity kung anu ba talagang meron sa lugar na yun napakamisterious kasi at feeling ko tinatawag ako dun at may nangangailangan hays pabayaan ko na ba yun ?
"uyyy mukhang malalim ang iniisip mo ha " sabi ni Nicole sakin
Iniisip mo ba yung----
"Masaya kaba na nakita natin ulit si Mony" pabigla kong sabi sakanya para ilihis yung usapan
Nabigla si Nicole sa tanung ko at halatang flustered siya hanggang ngayon ata gusto pa niya si mony
"Uyy Ophelia naaalala mo pa kung pano natin nakilala si mony" pag ibang tanung ni Nicole
Ahm yung sa senior high kaklase natin siya pero nung grumaduate na tayo wala na hindi na natin siya nakita tugon ko sakanya
"Ahy naalala ko diba dati Nicole ikaw pa yung nakatitig sakanya lagi para siyang matutunaw" paasar na sabi ni Joshua
Hindi naman secret na gusto ni Nicole si mony kasi halatang halata naming sakanya pag nandyan siya hindi siya masyadong nag sasalita pero pag masaya na ganun parang ayaw matapos nung sandali na yun
Habang inaasar pa ni Joshua si Nicole tungkol kay mony sumagi nanaman sa isip ko yung pintuan nakakacurious talaga ehhh
Sa gitna ng pag iisip ko narinig ko yung boses ni mony
"Guys tara kain tayo lunch" pag yayaya ni mony
Nakita ko na parang gusto niyang makalapit kay Nicole kasi palapit siya ng palapit pero mukhang nahihiya kaya yun itunulak ko nalang
Parehas silang itinatago yung feelings ehh hays
pag ka tulak ko kay nicole yun natumba siya pero nasalo naman siya ni mony
at nakapag eye contact sila tas parehas silang nahihiya kaya biglang tumahik yung paligid
"Tara na guys tamana yang landian portion niyo ha" sabi ni Joshua sabay tawa
Ahy wait kung mag lulunch sila walang maiiwan dito pwede kong puntahan yung door para malaman ko na kung anu meron dun
Kaya sabi ko na hindi nalang muna ako sasama may importante kasi akong gagawin sabi ko
"Ahy cge pero kumain ka ha" sabi ni Nicole
Nicole's POV
Anu kayang problema ni ophelia bakit kaya hindi siya sasama yun talaga kj minsan
Pero hays nandito si mony at siguro gusto ni Ophelia na mag kasama kami ni mony pero andito din pala si Joshua pa third wheel lang peg
Habang nandun kami nila mony at Joshua sa reatuarant patuloy lang sa pag sasalita si Joshua ng mga jokes kahit yung iba hindi nakakatawa
Maya maya biglang may tumawag kay Joshua---- nag iba bigla ang ihip ng hangin at bigla siyang nag seryoso kaya napatigil kami ni mony sa pagtawa
"Guys aalis na ko may kailangan akong puntahan cge na bye" sabi niya habang nag mamadaling umalis
Hindi pa kami nakakapag salita ni mony ay nandun na agad siya sa may pintuan
Kaya naiwan kami ni mony sa restaurant naging awkward dun walang gustong magstart ng conversation
Pero meron akong napansin na bagong bukas na arcade at gusto kong pumunta dun dahil wala naman na akong shift kaya sabi ko kay mony tara laro tayo sa arcade oh mukhang masaya
"Wow cge" sabi din naman niya kaya after namin kumain pumunta kami agad dun sa arcade
........
Ophelia's POV
After nila Nicole umalis ay pumunta ako dun sa may hallway pinaalis ko muna yung mga dumadaan na mga nurses at doctors at tumuloy na ako
Nung malapit na ako dun
nagulat ako na lumabas dun mula mysterious door si Dr. celestina at Dr. Ranzeil
nakafully gear sila na para bang may virus or may patient na may nakakahawang sakit ang nandun kaya nagtago muna ako
"Palala ng palala ang kondisyon niya mas maganda nalang na hayaan nalang natin na mamatay siya total wala narin siyang pag asang mabuhay at ang mga magulang niya ay kinalimutan na siya malaki pa ang utang niya dito sa hospital at ito narin siguro yung tamang gawin para makaganti sa pamilya Takano" sabi ni dr ranzeil
sobra akong natakot sa narinig ko hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ng mga doctor confirm may tinatago nga sila dun na patient at parang may malalang kondisyon
hindi muna ako tumuloy dun sa pintuan dahil natakot ako sa narinig ko kaya lumabas muna ako sa hospital at umuwi na din sa bahay ko para makapag isip isip muna
....
![](https://img.wattpad.com/cover/271489052-288-k183646.jpg)
YOU ARE READING
Gloomy Night Under the Moonlight
RandomPagmamahalan at pagkakaibigan dalawang bagay na mahirap panghawakan at madaling mapakawalan. Anu kaya ang dapat gawin kung tadhana at oras na ang kalaban? Tuluyan na bang bibitaw o lalaban padin? Isang grupo ng magkakaklase na sabay sabay hinarap...