Prologue

2 1 0
                                    

"ANONG KLASENG MANSION 'to? Bakit madilim?" nakakalula ang laki ng mansion na kinatatayuan ko ngayon ang hirap lang, walang masyadong ilaw. Bakit kaya ganun?

"Hello?" napangiwi naman ako ng nag echo ang boses ko. Shit!

"Um may tao po ba rito?"

tanong ko habang nag-e-echo pa rin ang boses ko. Isinarado ko naman ang pinto saka humakbang ng kaunti. Nang tuluyan na akong nasa gitna ng mansion napamangha ako sapagkat makikita mo talaga na mayaman ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Unang tingin mo palang, makikita mo na ang may karangyaang tingnan na hagdanan saka ang pader may nakasabit na mga paintings. Naglakad-lakad pa ako ng sa hindi sinasadya ay naihulog ko ang isang picture frame.

"Naku po!"

nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang yumuko para pulutin ang nahulog na picture frame. Napangiwi naman ako ng nabasag ang panghuling dulo nito. Pinunasan ko ang cover ng frame dahil napuno iyon ng alikabok. Umawang naman ang labi ko nang makita kung sino ang nasa picture.

"Ay ang gwapo naman ng lalaking 'to"

pinagpapantasyahan ko pa ang kakisigan at kagwapuhan ng lalaking nasa frame ng may nagsalita sa likuran.

"Ay kabayong palaka!"

nagulat naman ako ng makita ko ang matandang babae na siya mismong kumausap sa akin para magsilbing katulong sa mansion na ito sa loob ng tatlong araw. Inayawan ko ka pa ito noong una ako nitong kinausap pero hindi talaga ito tumigil sa kakasunod sa akin kahit saan ako magpunta hangga't hindi ako papayag sa alok nito.

"Huwag mong hawakan yan"

may bahid na pagbibigay babala ang boses nito.

"Bakit ho?"

tanong ko habang ibinalik ang picture frame sa mesa kung saan ko ito mismo naihulog.

"Basta kahit anong bagay na makikita mo sa loob mismo ng mansion na ito, huwag na huwag mo itong hahawakan"

nagtaka naman ako sa sinabi nito saka bahagyang tumango. Umalis na rin ang matanda kaya pumunta ako sa kusina. Nang dahil sa medyo may kadaliman ang loob ng kusina ay may naapakan ako. Inaninag ko pa ng maigi kung ano ang naapakan ko nang gumalaw ang isang pader saka iyon bumukas.

"Tangena nakakatakot yon ah!"

nanginginig ang labi na sambit ko. Kinikilabutan ako sa natuklasan ngayon pero hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko dahil lumapit pa rin ako doon. Bahagya naman akong sumilip kung anong laman doon pero natakpan ko ang ilong ko ng nakalanghap ako ng masangsang na amoy.

"Ack! Punyeta ang baho!"

agad akong lumayo don. Gulat at nanginginig akong humakbang paatras at nakaramdam ako ng matinding takot ng may nakita ako sa loob non nang isang pares na mata, pulang mata. Isa lang naman ang alam ko kung anong klaseng nilalang ang magkakaroon ng ganong pulang mata. Bampira!

Napalunok ako sa takot ng nagsalita ito.

"Who the hell are you? And why are you here?"

dala na rin siguro ng kaba at matinding takot kaya bigla nalang umikot at nagdilim ang paningin ko saka naman ako nawalan ng malay.

Ms. Author:
-First time kung magsulat ng story na about vampires stuffs woshoo kailangan ko pang magsearch at magkalap ng information all about sa mga vampires and yeah sana magustuhan niyo ang story na ito. Alam ko namang common na sa lahat ang mga story na kagaya nito pero I will do my very best para pasayahin, pakiligin, paiyakin at painlove-in kayo sa story na ito. Enjoy reading mwah! 💓

Hell of nightWhere stories live. Discover now