ROSE's POINT OF VIEW
NAGISING AKO SA ISANG di-pamilyar na silid. Kahit papaano ay may ilaw ito. Tumagilid ako nang nakita ko ang matandang babae na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan.
"Nawalan ka nang malay kanina" wika nito. Bubukas na sana ang bibig ko para sabihin ko dito ang nakita ko kanina nang may nagsalita.
"Buti naman at nagising ka na Cassidy" narinig ko ang baritonong boses ng isang lalaki. Hinanap ko naman ito kung saan nanggaling ang boses na iyon nang may nakita akong lalaki na nakahilig sa hamba ng pinto.
"Sinong Cassidy?" tanong ko. Napaisip naman ako na ang sosyal ng pangalan ng matanda kung ito ang tinawag nitong Cassidy.
Gaga, kakasabi nga lang diba na buti at nagising ka na Cassidy, edi ikaw ang ibig sabihin niyan! Sigaw naman ng utak ko.
"Rose ang pangalan ko hindi Cassidy" wika ko nang sinabi nitong ako nga ang tinawag nito sa pangalang 'yon.
"Hindi ako maaaring magkamali pero ikaw talaga si Cassidy" umirap lang ako saka tumayo na. Nagtanong naman sa akin ang matanda kung maayos na ba ang pakiramdam ko, pagtango lang ang itinugon ko dito.
Nang binuksan ko ang pintuan napamangha ako sa kabuuang laki ng pangalawang palapag ng bahay.
"Grabe ang laki talaga ng bahay na 'to" sambit ko.
"Yeah" napalingon naman ako sa lalaki na nasa likuran ko. Umirap lang ako dito saka bumaba na nang hagdanan. Umupo na muna ako sa sofa na nandoon sa sala nang kinausap ako ng matanda.
"Kung may problema ka dito, tawagan mo lang ako ha" wika nito.
"Ano pong pangalan niyo, Nay?" tanong ko dito.
"Ang pangalan ko ay Flor" tugon nito. Tumango lang ako.
"Sinabi ni Master na pwede ka na raw magsimulang magtrabaho" wika ni Manang Flor. Nangunot naman ang noo ko.
"Sino pong Master?" tanong ko dito.
"Yong tumawag sa'yo kaninang Cassidy" napasinghap naman ako.
"Ay siya pala yong Master dito?" napangiwi ako nang maalala ko ang pag-irap ko dito kanina. Jusko ang taray ko non! Nakita kong tumango si Manang Flor saka nagpaalam sa akin na may bibilhin pa raw ito sa palengke. Bumuntong huminga naman ako nang ako nalang ang naiwan sa sala.
"Maglilinis na nga lang ako ang daming alikabok sa mansion na to eh" wika ko saka hinanap ang feather duster, walis at dustpan. Nang nahanap ko na ang tatlong 'yon sinimulan ko nang linisin ang sala.
Una kong pinunasan ang inakala kong mga paintings noong nakapasok ako dito kanina pero picture pala yon ng sa tingin ko ay magkakapamilya. Kinuha ko ang unang nakasabit sa pader at nakita ko ang isang matandang lalaki na may nakasulat na 'Señor' sa ibaba ng litrato nito.
"Hmm sino naman kaya tong Señor na to?" tanong ko sa hangin habang kinuha na ang katabi nitong picture frame. Ang nasa litrato naman ay isang matandang babae na may nakasulat rin sa baba na 'Señora'.
"Tss ano to? Mga royalty? Ganun?" napailing naman ako sa naisip. Saka nagpatuloy sa pagpunas ng mga picture frame na katulad nang nauna may nakasulat sa baba ng litrato nito hanggang sa napunta ako sa pinakahuling picture frame.
"Tangena ang daming pictures dito present yata ang whole generation ng pamilyang ito dito eh" wika ko na nagpunas pa nang pawis sa noo saka ko naman pinunasan ang panghuling litrato. Napangiti naman ako nang kahawig nito ang nasa picture frame na naihulog ko kanina.
"Ang gwapo talaga ng lalaking 'to ano kayang pangalan nito!" nakangiti kong wika habang nakaharap sa picture. Na-excite naman ako nang maalala ang nauna ng mga pictures dito na may mga pangalang nakasulat sa pang-ibabang bahagi ng litrato kaya yon ang sinunod kong pinunasan.
"Daemon Ryker Sullivan"
"Pati pangalan ng lalaking 'to, gwapo rin pakinggan" pinagpantasyahan ko yon ng may nagsalita sa likuran ko.
"What are you doing?" tanong nito saka marahang tiningnan ang litrato na hinahawakan ko. Simula kanina hindi ko pa nakita ang mukha nito dahil nakatayo ito lage sa bandang madilim maski ngayon hindi ko nakikita ang mukha nito.
"Magpakita ka nga sa akin" sambit ko.
"Inuutusan mo ba ako?" malamig na tanong dito. Ang suplado ng isang to!
"H-hindi. Gusto ko lang naman makita ang mukha mo lage ka kasing nakatayo sa dilim" wika ko. Hindi naman ito nagsalita kaya kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko saka in-on ang flashlight nun.
"Damn! What are you doing?" tinakpan nito ang mukha na nasisilawan ng flashlight. "Turn off that fucking flashlight of yours!" Utos nito na malamig ang boses. Napangiwi naman ako saka in-off ang flashlight.
"Sorry gusto ko lang naman kasi makita ang mukha mo" paghingi ko nang pasensiya dito. Kaya pala hindi ko na ito narinig na nagsalita dahil umalis na pala ito. Pfft!
Binilisan ko na ang pagpunas ng huling litrato saka doon naman sa may sala naglinis. Todo lipat ako sa mabibigat na sofa para malinis ang ilalim non dahil napupuno talaga ito ng alikabok. Habang nagwawalis ako ay lage rin akong nababahing.
"Punyeta bakit ba kasi napupuno ng alikabok ang bahay na ito?" inis kong tinapon sa trashbin ang mga alikabok na nawalis ko.
"Malaki nga pero maalikabok naman!" napasimangot ako ng may nagsalita.
"Puro ka reklamo" wika nito. Isa pa tong lalaking 'to eh siya kaya palinisin ko dito! Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglinis ng sala. Bubuksan ko na sana ang bintana ng sumigaw itong asungot na kasama ko.
"Don't open the windows" wika nito. Tangena kaya nga diba bubuksan ang mga bintana para hindi madilim?! Sigaw ng utak ko.
"Okay" kinuha ko na ang trashbin saka tinapos na ang paglinis ng sala.
"Ano ba yan gabi na pala! Jusko, sala palang nalinis ko" nakahilig sa pader na wika ko habang hawak-hawak ang feather duster.
"Nasaan na kaya si Manang Flor?" tanong ko sa hangin habang iniisip kung ano na ang nangyari sa matanda. Naghikab naman ako kaya pumunta na ako sa magiging silid ko na itinuro sa akin kanina ni Manang Flor bago ito nagpaalam na umalis.
"Ang ganda ng pagkaka-welcome ko sa mansion na to" wika ko nang nakaupo na ako sa sakto lang na para sa akin na kama. Ilang sandali pa ang hinintay ko bago ako nilamon ng antok.
Good night, Cassidy
Gusto kong magmulat ng mata para tingnan kung sino ang nagsabi non nang hindi ko kayang buksan iyon dahil sa matinding antok.
Sino kaya yon?