Hell of Night:Part 2

1 1 0
                                        

ROSE's POV

NAGISING AKO NANG tumunog ang alarm ko na sinet ko sa cellphone. Kinapa ko yon sa ilalim nang unan saka pinindot ang stop para patigilin ito sa kakatunog. Papikit-pikit pa ang mga mata ko habang tiningnan ang oras.

4:00 a.m.

Nagulat naman ako kung bakit 4:00 a.m. tumunog ang alarm niya.

"Pota 5:00 a.m. ko 'to sinet kagabi ah" napaisip naman ako kung sino ang nagbago nun pero walang pumasok sa isip ko lalo na't may password naman ang cellphone ko.

Tss ano yun manghuhula?

Inis akong bumangon at inayos ang kama na tinulugan ko saka pumunta sa banyo para maligo.

Isinuot ko na ang uniform na ibinigay sa akin ni Manang Flor. Dark magenta ang kulay nun saka may puting ribbon sa gitna.

"Hay naku ngayon pa sana ako magsisimulang magtrabaho ngunit pinalinis na ako kahapon. Pag yang amo kong yan makita ko pagmumukha nun, dudungisan ko talaga ng uling" inis kong tinali ang buhok ko saka lumabas na nang silid.

Sa tuwing malalampasan ko ang litrato ng nagngangalang Daemon sa pader na iyon ay napapahinto talaga ako saglit.

"Makikita ko kaya to sa personal?" tanong ko sa hangin habang nakatingin sa litrato nito. Napailing nalang ako sa naisip saka nagtuloy na sa paglalakad. Napaigtad naman ako ng may nagsalita sa likuran ko. Ang master kong suplado!

"Good thing you're awake" wika nito.

"Ang aga niyo naman po nagising" sambit ko nang nakaharap na ako dito.

"Hindi ako natulog" nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Ako ba ang pinagloloko mo? Paano mo naman nagawa ang hindi matulog?" tanong ko dito habang hawak-hawak ang walis.

"Nakasanayan ko na yon" pfft nagbibiro ba 'to?

"Buti at buhay ka pa hanggang ngayon kung hindi ka naman pala madalas matulog" tugon ko.

"Huwag mo akong pagsalitaan nang ganiyan dahil hindi mo pa ako kilala, Cassidy"  naningkit naman ang mga mata ko sa narinig na tinawag nito sa akin.

"Sinabi nang hindi ako si Cassidy eh! Rose ang pangalan ko, Rose! Mahirap bang memoryahin ang pangalan ko ha? Master?" Note the sarcasm sa last word.

"Whatever! Gawin mo na ang mga tungkulin mo dito" Punyeta para na rin akong nagsasalita nang mag-isa dahil wala namang mukhang ihaharap sa akin itong master kong ubod ng suplado.

Malapit nang magpakita ang haring-araw nang natapos kong linisin ang isang kwarto na katabi ng isang mesa na may napupunong litrato nang nagngangalang Daemon.
Hindi kaya't ang supladong iyon si Daemon?

"Magandang umaga, Cassidy" bati ni Manang Flor.

"Pati ikaw Nanay Flor? Hindi nga po ako si Cassidy." wika ko. Umiling naman si Manang Flor. "Teyka po, Nay. Ngayon lang po kayo nakabalik?" tanong ko dito. Tumango naman ito.

"Umuwi lang ako sa amin" sagot nito. Nagsalubong naman ang kilay ko.

"Ang sabi niyo po sa akin, wala po kayong bahay so saan po kayo tumuloy?" nakita ko namang may bahid na gulat sa mukha ng matanda.

"Meron, Hija hindi ko lang sinabi sa'yo noon" nagtaka man pero tumango nalang ako. Nakita kong pumasok si Manang Flor sa kusina kaya agad akong sumunod dito.

"Manang Flor matagal na po ba kayo dito?" tanong ko sa matanda habang naglalagay ito ng mga ingredients sa cabinet.

"Matagal na, Anak" tugon nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hell of nightWhere stories live. Discover now