KALAYAAN

5 0 0
                                    

— K A L A Y A A N  —

Ito yung hindi ko nararanasan,
Palagi lang nakakulong sa tahanan
Habang pinagmamasdan ang ibang kabataan
Kasama ang mga kaibigan

Masakit para sakin na hindi maranasan maging malaya,
Pero wala naman akong magagawa
Kasi sila yung laging tama

Pagod na ako sa ganitong proseso
Hindi ko nakakamit, ang kalayaang gusto ko
Hindi pa ba sapat ang mga masasakit na salita?
At kailangan nyo pa akong pahirapan ng sobra?

Pinipilit kong maging masaya
Kahit na alam ko na sa ano mang oras ay babagsak ang aking mga luha,
Kakayanin ko, ang pangaabuso
Kahit na masakit ay lalaban ako


ariamagunthe_

TULAWhere stories live. Discover now