ONE~
New Start :)
----------------------------------------------Good morning! Hays umaaraw na. Ilang araw ng umuulan dahil sa nagdaang bagyo.
Another day, another day of work din -_-
Nakahiga pa din ako sa kama ko, kahit na umaaraw na, nakakatamad pa rin kumilos.
"Deeeeeng!", nagulat ako sa tawag ng nanay ko mula sa baba ng bahay namin.Nasa second floor kasi ang kwarto ko. Takte ayan na si nanay, nanggigising na. Yari na naman ako nito.
"Gising na ko 'nay! Pababa naaa!"
Kumilos na ko agad at inayos ko na yung mga gamit ko pati yung susuotin ko.
Kumakain muna kasi ako ng breakfast bago maligo sa umaga dahil, ewan ko kung ako lang ba pero pag di kasi ako kumakain before ako maligo is nasusuka ako. Ako lang ba? parang nawi-wirduhan din ako sa sarili ko hahaahaha
"Hmmmm sinangag at sunny side up egg na malsado paaa. Sherep naman nito 'nay haha"
"Nako ang dami kasi nating bahaw kagabi, sayang naman kaya sinangag ko na", sagot naman ni nanay.
Nakaayos na ko and I'm ready to go. "Naaay alis na ko", nagmadali na ko maglakad at baka maipit na naman ako sa traffic.
Jusko grabe na din talaga ang traffic ngayon kahit san ka magpunta, kahit agahan mo pa ng bonggang-bongga mala-late at mala-late ka pa rin haaaays *buntong-hininga*
Saktong-sakto lang yung dating ko sa trabaho. Isa nga pala akong Senior Sales Consultant. Soon to be a Store Supervisor ng isang sikat na apparel Brand. Claim it Deng! Law of attraction lang yan HAHAHA
"Ms. Haydee pa-void po"
"Hello mam, what can I do for you po?"
"Mam Haydee pa-open po ng kaha"
"May return item po tayo mam"
"Mam Haydee nandyan na naman yung masungit na customer natin"
"Mam Dee maga-out na po ako"
Another day of routine na naman. I am already in training na to be a Supervisor. Kaya huling-huli din ako umuuwi kasabay nung mga guards namin sa store.
Habang gumagawa ako ng Daily Sales Report, nagulat ako sa ring ng telepono sa gilid ko.
"Good Evening! Welcome to ***** ********* Mall. This is Haydee. How may I help you?"
"Hi Ms. Haydee! This is Carla from HR, please report tomorrow morning at 10am in our main office regarding for your promotion. Goodluck!"
"Noted Ms. Carla. Thank you po"
Super excited at kinakabahan ako at the same time. This is it!
Lord please! Bigay mo na sakin 'to! Tulungan mo po akong wag ma-mental block T^T*** TOMORROW ***
Naglalakad na ko papuntang main office nami. Wala kong pang taxi papasok ng BGC, so lakad siszt. Napa-aga ako ng sobra 9:15am pa lang. Excited yarn?
So ayun, I'm taking my time walking at the sidewalks of Bonifacio Global City.
Mukha lang akong petiks pero kinakalma ko na yung sarili ko kasi sobrang kinakabahan na ako. Then nung malapit-lapit na ako sa building ng office namin.
I saw someone familiar.
Makakasalubong ko sya. And suddenly I recognized who he was. SHIT! Sya nga yata!
O______O
BINABASA MO ANG
When We Collide
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.