TWO

2 1 0
                                    

TWO~
First Day
------------------------------------------------------

MONDAY...

Syet! Syet! Shemay! Late na ko. Ang layo pa naman ng store ko mula sa bahay namin.

Nakakaloka ka Deng! First day of being a Store Supervisor. SUPERVISOR!

Jusko LATE ako! TTT^TTT

Pagdating ko sa R******* Mall E****, haggard na haggard ako. Humulas na yung make-up ko -_-

"Hello po! Good morning po. Sorry late ako."

"Okay lang po mam. Saan po ba kayo nakatira? Traffic din po kasi talaga papunta dito eh.", sabi sakin nung isang babae na nandoon din sa office. Sa palagay ko is SSC sya. Based on her name tag, she's Amy.

"Sa ******** pa ako. Oo traffic nga. Humulas na lahat ng dapat humulas sakin.", pangiti-ngiti lang ako nyan pero haggardo versoza na talaga ako.

"Ang layo nyo pa pala mam. Grabe. Bakitt po di muna kayo magrent ng apartment malapit dito?", tanong nya sakin.

"Yun nga ang balak ko. Pero baka kahit boarding house na lang muna. Baka mailipat na naman ako kung saang store eh."

"Kung gusto mo mam, may space pa sa boarding house namin. Mura lang din ang renta.", aya nya sakin.

"Sige tignan ko muna. Malapit lang ba dito sa Mall yan?", baka kasi need ko pa sumakay para makarating dito sa Mall.

Gusto ko sana yung mga walking distance lang para tipid hehehe. Oo na, supervisor na ako at above minimum ang sahod pero may pinag-iipunan kasi ako enebe.

"Oo mam. Isang trike lang mam. If maaga-aga ka mam, pwede mo ding lakarin lang.", okaaay! Perfect! Isa na alang ang tanong... Magkano?

"Magkano renta nyo dun?", hays sana mura lang.

"1k lang mam. Pero common CR tayo dun. Malaki naman ang CR at malinis. Napakabait pa nung landlady", laking tuwa ko dun sa sinabi nya sakin.

Kaya sabi ko sa kanya na samahan nya ko sa kanila mamaya after work. Mage-early out na lang kami mamaya para medyo maaga-aga pa din ako makakauwi sa amin.

Excited na din ako kasi in 24 years of my existence ngayon lang ako magiging independent at titira malayo sa parents ko.

Okay naman ang first day ko sa bago kong store. Mababait naman sila lahat at nagco-comply naman sila sa mga sinasabi at pinapakisuyo ko sa kanila.

And si Amy talaga ang nakasundo ko agad. Click kami agad kaya sure ako na magiging okay din ang pagtira ko sa boarding house nila.

Sana lang mababait din yung mga kasama namin dun hehe.

Out na namin. Sumakay kami ng trike at ako na ang nagbayad ng pamasahe namin. Nakakahiya naman din kasi at mura lang din naman.

Ilang sandali lang nandun na kami sa boarding house nila.

And isa lang masasabi ko, wow. Malinis at napakalaki nung bahay. Though luma na ang bahay na mukhang nirenovate na lang. Pininturahan ng puti ang buong bahay sa labas at capiz pa lahat ng mga bintana.

Mula sa gate, bago ka makapasok makikita mo na meron syang space sa gitna ng bahay na nagsisilbing bakuran at probably pwedeng magpark ng mga dalawang sedan na kotse dun na magkasunod. Then ang bahay naman is parang dalawang malaking bahay na pahaba and nasa dulo na nagconnect yung dalawang bahay. In short, pinaliligiran nung bahay yung parking area or garden. Sana magets nyo haha. Basta nakapa-letter U yung shape ng bahay.

When We CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon