THREE

2 0 0
                                    

THREE~

-----------------------------------------------

WEDNESDAY naaaaa~

RESTDAY!!!
LIPAT BAHAY DAY!!!

Sinamahan ako ng nanay ko at ng kapatid kong bunso na si Hailee, sa paglilipat ko sa boarding house.

Para alam din nila kung saan ako pupuntahan in case of emergency. Kinausap din ni nanay ko si Manang Ayay.

Di ko na alam kung ano pinag-usapan nila pero baka binilin lang ako ng nanay ko kay Manang dahil first time ko lang malalayo sa kanila and kahit na 24 years old na ko at may stable na trabaho ay baby pa din kami ng mga magulang namin.

Mabilisan ko lang din ipinakilala si Amy kila nanay at Haylee dahil may pasok sya today sa store.

Tinulungan lang nila akong ayusin yung kwarto ko. Sa second floor ang kwarto ko, unang-una mong madadaan pag-akyat mo sa 2nd flr. ng female quarters.

May ready made na naman na kama sa loob and may mga drawer sa ilalim ng kama. which is nice dahil na-maximize yung space nung kwarto. Okay naman yung luwag ng kwarto.

Hindi sya sobrang laki at hindi rin naman sobrang liit. Imagine na lang yung studio type na apartment, maliit lang ng konti dun and less the CR and the kitchen sink.

Saktong pang isang tao lang talaga. Imagine nyo na lang yung parang mini-apartment na may common cr and everything. Pag-akyat mo ng hagdan may hallway sa 2nd flr papunta sa mga rooms.

Nung okay na yung kwarto ko, nagbilin lang ng marami si nanay sakin at umuwi na din sila ng kapatid ko.

Parang nalungkot tuloy ako ng very light :(
Wala ng manggigising sakin sa umaga. Wala ng masarap na almusal. Wala ng mag-aasikaso sakin akin dito. Ako na lang sa sarili ko.

Ako na lahat.

Nakatulog yata ako ng matagal. Pagdilat ko madilim na sa labas ng bintana sa paanan ng kama ko.

Nasa corner kasi ang kama ko. Against the wall yung isang side and yung may side na may headrest.

Bumangon na ko para isindi ang ilaw.

Nang biglang...

*tok-tok-tok* (Author's Note: Tunog ng katok yan ulit. Okay? *_* hahahaha)

"Haydee? Nandyan ka ba?", Si Amy. Kakauwi nya lang siguro. Grabe mukhang napahaba nga ang tulog ko.

"Bakit? Baklang toh! Nagulat ako sa'yo.", sabi ko habang binubuksan ko ang pinto.

"Kain tayo. Dali na. Kumain ka na ba? May karinderia dyan sa malapit na nagtitinda ng masarap na ulam at crispy sisig.", pakarinig ko pa lang ng sisig, kumalam na agad yung sikmura ko.

"Sige. Di pa din ako kumakain. Nakatulog ako pagkauwi nila nanay kanina eh. Bihis lang ako. Wait lang. Hintayin mo na ko."

Nagpalit na lang ng pangbahay na shorts at t-shirt. Nakapantalon pa din kasi ako. Kung ano yung suot ko kanina nung umalis kami sa bahay hanggang pagdating namin dito, yun pa din ang suot ko.

Tumingin lang ako saglit sa salamin at lumabas na ko ng kwarto.

"TARA NA"

* KARINDERIA *

"Nako Haydee. Sabi ko sayo ang sarap ng ulam nila dito. Halos lahat kami sa boarding house dito na kumakain."

Sinilip ko muna yung mga ulam na meron sila.

When We CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon