FOUR

0 0 0
                                    

FOUR~
New Home
---------------------------------------------------

"Kain ka.", aya sakin ni Manang.

"Hindi na po. Madami na din po akong nakain kanina. Salamat po.", sagot ko kay Manang habang tuloy-tuloy na naglalakad palabas ng dining area na pakiramdam ko biglang lumiit.

Nangingiwi talaga ang mukha ko sa sobraaaaang.... Hays! Ewan! Di ko alam. Ang gusto ko na lang makaalis sa lugar na 'to kahit pa sobrang babait ng mga tao dito. Nakakaiyak T^T

"Nga pala Haydee, si Marco pala. Pamangkin ko. Makakasama nyo na din sya dito sa Boarding House.", pahabol ni Manang sakin.

Nahiya naman ako kay Manang kung di ako sasagot o tatango man lang.

"Ahh. Ganun po ba?" Bumaling ako ng konti sa gawi nya pero di ako nakatingin sa kanya. "Hi!", tinaas ko ng konti yung kamay ko. Syet masyado akong halata na apektado pa rin ako sa kanyaaa~

"Sige po Manang, una na po ako.", nagmadali na kong umakyat sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ko, binagsak ko agad ang sarili ko sa kama ko.

Jusko halos di na ako makahinga sa eksenang yun ah. Nakakaloka of all places???
NAPAKALAKI NG PILIPINAS!!! BAKIT NAGKITA PA DIN KAMI???
AT MAKAKASAMA KO PA SYA DITO SA BOARDING HOUSE TTT^TTT


* NEXT DAY *

Another day na naman. Grabe panaginip ko kagabi. Nagkita daw kami ulit. and worst boardmate ko pa sya. Grabe talaga. Ganun siguro talaga pag bago ka sa isang lugar kung ano-ano napapanaginipan mo.

Kilos na Deng! Trabaho na tayo! Aja!

Sa store na lang ako maga-almusal. Maaga pa naman. Hindi ko pala makakasabay si Amy ngayon, closing pala sya today.

Pababa na ko ng 2nd floor ng female quarters nang makita ko si Che na papalabas na din. Papasok na din sya ng work nila ni Poli (Beks).

"Che!!", tawag ko sa kanya. "Papasok ka na?"

Huminto sya at nginitian ako.

"Oo. Sana nga nakaayos na yung baklita kong kasabay kundi mala-late na naman kami nito.", sagot nya habang inaayos yung kung ano man sa shoulder bag nya.

Paglabas namin ng female quarters, nasa labas na si Beks at naghihintay kay Che.

"Haydeeeeee!", bati sakin ni Beks. "Nakita mo na yung bagong boarder ni Manang? Yung pamangkin nya? Emeged bakla! Ensherep.", excited na kwento ni Beks sakin.

OMG! So hindi ako nananaginip???

Jusko baka naman hindi naman sya yun at nagha-hallucinate lang ako sa pagod ko kahapon kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.

"Hi! Good morning.", bati ng isang pamilyar na boses sa likod namin.

Napalingon kaming tatlo sa bumati sa amin.

^_____^/



O_________O

OH MY F******* GOSH!
THIS IS NOT TRUE. Bakit to nandito?




"Hi Fafa Marco!!!", bati ni Beks sa taong yun.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Di ko maigalaw yung katawan ko. DENG! Kumilos ka!

He still looks the same. That same badboyish smile na talaga namang mai-inlove ka.

"Beb?", hinawakan ako sa braso ni Che. "Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo ah? Hahahaha", biro nya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When We CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon