Chapter 6. Panick Attack

100 4 1
                                    

Gilliane's POV

Sigurado ka bang wala kang kasalanan? Cause last time I check meron.

That words keep on taunting me. Gusto ko siyang sundan at tanungin kong anong kasalanan ko. Dahil kahit anong pilit kong alalahanin,wala talaga.

Parte ba siya ng childhood ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa maalala? Oo. I don't remember anything from my childhood. Mga kalaro, o nakakaaway dahil sa mga laruan, pamamasyal sa park kasama ang buong pamilya like a normal family will do. Pero wala talaga. Ughh! I really hate my life.

I saw him talking to my cousins na parang walang nangyari. He's really good at hiding his emotions.

I wish I have that ability to hide my feelings for him. Alam kong mahirap but I need to. Lalo pa ngayon at sigurado na akong hindi niya ako magugustuhan. Yeah. Tama ang mga pinsan ko. I should be smarter this time. Isip muna bago ang puso.

Josh's POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I know this is not the right time for her to know. Patay ako kay tito Gary pag nalaman niya na I gave her a hint. Ang tanga ko talaga.

I got a peek of her behind me. At nakita kong hindi pa siya gumagalaw sa kung saan ko siya iniwan. I can see that she's shock and confuse. Good. I want her to suffer like that. Gusto kong pahirapan siya gamit ang utak niya. Gaya na lang ng paghihirap ko sa pag-iisip kong anong mali sa akin at bakit kailangang mawalan kami ng magulang ng ganoong kaaga.

"Beer?" Alok sa akin ni Isaac. Agad ko naman itong tinanggap at lumagok ng tatlong beses.

"You should hang out with us more often." Ani Jeric. "The girls really get along well."

Napaisip ako. Tinignan kong mabuti ang kapatid ko na nakikipagkwentuhan kina Kim. She's really having fun with them. I want her to be like that always. Kahit pa palagi kong makakasama ang taong pinakaayaw kong makasama.

"Why not? Mukhang nageenjoy naman ang kapatid ko.'' Wala sa sarili kong sagot.

Well mukhang matatagalan pa bago ko maisagawa ang plano ko. I will just let my sister enjoy this.

Soon enough, nakita ko si Jake, Elija's and Gilliane's older brother. Tinanguhan niya ang mga pinsan niya. At nang tumingin siya sa akin ay parang galit na hindi ko maintindihan.

"Where's Gi?" Tanong nito, at ang mga mata niya ay nakatingin pa rin sa akin.

"Baka nasa kwarto lang kuya nagpapalit. Natapunan kasi yung damit niya ng sauce ng spaghetti kanina." Sagot ni Ayen. Pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

"Hey kuya. Stop that." Saway ni Elijah. Pansin na rin niya ang masamang tingin ng kuya niya sa akin. Ano kayang problema ng isang to?

"I saw you talking to her kanina sa gazeebo. What did you do or say to her at bigla na lang siyang nawala?" Pag-aakusa niya. So napansin pala niya yun. Kailangan ko na talagang mag-ingat.

"In the first place siya yung lumapit sa akin at nakipag-usap. And wala akong ginawa or sinabi sa kanyang masama. Tinanong lang niya kung hindi ako nag-eenjoy dahil nag-iisa ako doon." Paliwanag ko.

Ngumisi ito. Tsaka tumalikod at pumasok sa loob ng resort.

*********

Pagkatapos naming kumain at mag-inuman ay nagset-up kami ng upuan sa tabi ng swimming pool. Doon kami masayang nag-iinuman habang nagkukwentuhan. Aaminin ko. Masaya talagang kasama ang mga Montenegro. Kaya mas lalong umigting ang galit ko dahil ang taong sumira sa buhay ko, sa buhay namin ng kapatid ko ay sobrang saya at kumpleto ang pamilya.

After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon