"I have tea"
"Hindi ako nainom ng tea 'no"
"Gaga, hindi yun ibig sabihin ko, ibig sabihin ng ganon, I have kwento" tawa ako nang tawa sa sinabi ni Keith. Akala niya hindi ko alam na hindi siya nainom ng tea. At dahil tawa ako nang tawa sa feedback niya sa akin bigla na lang niyang tinaas yung middle finger niya.
"Panget" sabi ko sa kanya habang papunta sa upuan ko. "Ito na nga kasi yung kwento ko, narinig ko sa kabilang section na wala si Sir Ralph" nang narinig niya yung kwento ko bigla na lang lumiwanag mata siya.
Kasi sa campus na 'to, everytime na absent ang mga profs, nagiging vacant yung mga students o 'di kaya pupunta kami sa ibang prof muna, ayun ay kung nabilinan ng prof na absent.
"Yes, tama ka yang naiisip mo, pwede tayong mag-lunch ng maaga!" sabi ko sa kanya. Buti na lang maaga kami ngayon kasi gutom na gutom na ako.
"Alam ko na kung saan tayo kakain" sabi ni keith na kunware pa na nagiisip.
"Oo sa unliwings, kahit 'di mo na sabin alam ko na diyan tayo kakain" kinuha na namin ang1 mga gamit namin at nagsimula na maglakad paalis. Nang nasa pintuan na ķami hinarang kami ni Sir Albert. Sinenyasan niya kami na bumalik sa mga upuan namin at dumiretso na siya sa unahan.
"Good day! class, sorry to tell you that Sir Ralph is not feeling well today"
after i-announce ni Sir Albert yun medyo naging maingay yung room."But-" lahat ay nanahimik pati kami ni Keith, dahil masama kutob namin sa susunod niyang sasabihin.
"But class, Sir Ralph also told to take care of you, while he's absent" kita sa mga mukha ng classmates ko na medyo nadismaya sila. Sino ba naman ang ayaw ng bacant 'di ba.
"All of you, go to room 1 sa class ng A1 at exactly 10:45, see you" lumabas na si Sir after niyang iannounce na sa class niya kami mag s-stay.
3 minutes na lang before mag 10:45 kaya nag-umpisa na kaming lahat maglakad papunta sa room 1. Andito kami ngayon ni Keith sa pinakadulo na pila dahil ang bagal ng gaga maglakad.
"Bakit ba ang bagal mo maglakad?" tanong ko sa kanya.
"Iniisip ko kasi kung anong section ng mga crush ko"
"Wow, ayan pa talaga naisip mo ah, akala ko pa naman about sa lunch natin, sayang talaga"
"Oo nga e, pagkain na nga naging bato pa"
Nag-aantay kami ngayon sa labas ng room ng A1 dahil inaayos pa raw ni Sir Albert yung seating arrangement dahil nga raw 2 classes yung tuturuan niya ngayon.
"Wait lang keith, magccr muna ako mabilis lang, i-reserve mo ako ng seat" tumakbo na agad ako after ko magpaaalam sa kanya, sa totoo lang, kanina ko pa gusto magcr kaso iniiisip ko baka mawalan ako ng upuan. Sino ba naman gusto umupo sa lapag 'di ba.
After 3 minutes tumakbo na ulit ako pabalik sa room ng A1, sa kasamaang palad hindi ko na talaga sila naabutan sa labas. So, ang ginawa ko na lang ay pumunta sa pinto para malaman ni Sir na andito pa ako.
"Good morning! Sir"
"Good morning, Louie"
Yeah, my name is Cafey Louie Castañeda. Pero bakit Louie tawag sa akin ni Sir, pwede naman Cafey. Hinanap agad ng mga mata ko si Keith. Nakita ko na si Keith na nakaway sa akin, pero sa kasamaang palad hindi kami seatmate dahil ang seating arrangement ngayon ay magkatabi ang isang student sa A1 and A2 which is kami.
"Louie you can seat over there" sabay turo sa medyo likod na upuan. Naglakad na ako papunta sa side na yun nang nagsalita ulit si Sir, "I think Mr. Lim is just late today, so you can pick first which side of the seat yo--"
"Good morning, Louie" ano ba 'to si Sir, paulit-ulit. Kaya nilingon ko siya para mag good morning din pero nagkamali pala ako dahil ibang Louie ang binati niya.
