"OMG, naging roommate natin yung mga crush ko, tsaka alam mo ba na ngayon ko lang napansin na pareho pala kayo ni Louie ng second name"
Tinignan ko lang si Keith ng masama at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa second class namin. Katatapos lang ng class namin kay Sir Albert, and ang masasabi ko sa buong class session na yun ay nakakabadtrip.
Paano ba naman, itong "seatmate" ko kasi bigla nalang akong inagawan ng upuan. Hindi naman nakakagalit kung sasabihan niya ako na sakanya nalang yung side na yun, pero wala, bigla na lang niyang hinila, dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Alam mo, wala akong pake, pakyu siya." Kitang kita ko sa mukha ng kausap ko na tawang tawa siya sa nangyare sa akin. "Magsama kayo, mga demonyo"
"Okay lang yan, maganda ka pa rin naman e"
"Alam ko" ako? syempre maganda ako 'no. Pati ba naman sarili ko id-down ko.
"Oo nga pala, crush mo mga yun? ang panget naman ng taste mo" sabi ko sa kanya, lumingon siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin.
"Wow, hiyang hiya, e yung ex mo nga dati mas immature pa sa immature e"
biglang sabi niya sa akin. Hindi ko nagawang mainis kasi agree naman ako sa sinabi niya. Isa sa pinaka panget na desisyon na nagawa ko yun.
"Kapal"
"Oh bakit?"
"Wala, tama ka naman e. Wag ka na nga maingay, bata pa ako nung time na yun" sabi ko sa kanya. Hindi namin namalayan na andito na ulit kami sa room namin para sa second class namin.
"Good day! Class, so for today's lesson we will talk about your talents, at para mashowcase niyo ang mga talento na meron kayo, magkakaroon tayo ng performance task. By pair ang task na 'to.."
Nang marining namin ni Keith yung salitang "by pair" nagkatinginan kami agad dahil alam na namin na kami na yun.
"After I discuss our lesson about Arts, I-aannounce ko ang magiging ka-pair niyo..."
Nagkatinginan ulit kami ni Keith dahil imposible na maging magkagrupo kami dahil sabi niya isang babae at isang lalaki. Hindi pa raw niya naayos yung listahan, pero sana medyo kaclose ko yung makakagrupo ko.
Nagstart na si Sir Marck magdiscuss muna about Arts then after daw nun sasabihin na niya agad yung list para mabigyan niya raw kami ng time by pair para pagusapan ang gagawin namin para sa performance task namin sa kanya.
Habang nagtuturo si Sir bigla na lang may nag-ring na cellphone, hindi namalayan ni Sir na sa kanya yun kaya sinabihan siya ng isa naming classmate na may natawag sa kanya. Agad agad naman siyang pumunta rito at sumenyas sa amin na sasagutin lang niya yung tawag.
Pagkabalik ni Sir sa loob ng room, bigla siyang lumabas ulit. Hindi nalang namin muna pinansin ang paglabas ni Sir dahil abala ang lahat sa kaiiisip kung anong talent ang ipapakita nila.
Habang wala si Sir napaisip din ako kung ano ang gagawin ko. Wala akong alam na gawin, kaya ngayon pa lang nahihiya na ako sa magiging kapartner ko.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam talent ko, wala akong specific na gawain na alam kong magaling ako. Ang hirap pag alam mo na marami ka namang kayang gawin pero kahit isa doon ay walang ang eexcel, In short, hindi ko alam talent ko.
Napansin na namin pumasok na ulit si Sir na nagmamadali kaya lahat ay bumalik na sa kanya kanyang upuan nila.
"Hi class, sorry sa kanina. By the way Miss Madeleine is the the who called me a while ago. Absent siya for today kaya binilin niya muna sa akin yung class niya..."
Nagpaalam si Sir na susunduin muna raw niya yung class na pinabilin sa kanya ni Miss. Nagumpisa na rin mag-ingay yung klase dahil nga sa pagiisip pa rin ng mga talents nila.
Nang dumating na si Sir, sinabi niya sa amin na yung section na binilin sa kanya ni Miss Madeleine ay section A1.
Kung minamalas ka nga naman...
Nagsimula na mag-ingay yung classroom dahil nga crush daw nila yung napuntahan naming class kanina.
"Omg, Cl narinig mo ba yun?" bigla naman nitong singit ni Keith sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagumpisa na akong makinig kay Sir. Pinapasok na niya yung mga students ng class A1 at nagsimula na silang maghanap ng mga bakanteng upuan. Buti na lang at meron pang mga vacant na seats.
"Pre, dito ka sa tabi namin" sabi nung isang tropa nung lalaki kanina. Siya yung nakita namin ni Keith sa may Unliwings. Nang matapos na ang lahat makahanap ng kanya kanyang upuan, itinuloy na rin ni Sir yung lesson namin kanina.
Matapos ang isang oras, humingi muna si Sir ng limang minuto para ayusin yung groupings para sa performance task namin.
"Class, for this performace task pala, Miss Madeleine and I came up with a plan where yung section niyo (A2) and A1 ay magiging t-team up. Since by pair tayo, ang magiging groupings niyo ay isang students from A1 and A2, gets?"
Lahat kami nagulat kasi, hindi naman kami super close ng section namin sa section A1, bakit ba nila naisip yun?. Hindi ko na hinihiling na sana close ko uung magiging partner ko, since wala naman akong kaclose sa A1. Ang wish ko na lang, sana wala rin siyang talent para same kami.
Nagumpisa na si Sir magbangit ng langalan ng mga magkakagrupo. Pansin ko na yung iba masaya sa maging makakagrupo nila, siguro friendly lang talaga sila.
"Miss Cafey Louie Castañeda and..."
Nang binaggit na pangalan ko ngumiti ako kay Sir. Sabi niya kapag daw narinig namin ang mga pangalan namin tumayo kami para raw malaman ng bawat isa kung sino ang kakausapin mamaya. Nakinig ako ng mabuti kasabay ng pagdadasal na sana okay ang magiging kapartner ko.
"Mr. Tower Louie Lim"
Nang makita ko kung sino yung tumayo, nawala ang mga ngiti na meron ako kanina. Tumayo na rin yung "partner" ko.
Kung minamalas ka nga naman.
