"Cl, bilisan mo naman mag-ayos ng mga gamit mo diyan please"
"Sandali lang naman kasi 'di ba"
Katatapos lang ng 2nd class namin for this day, and ito ako ngayon, minamadali ng kaibigan ko dahil meron daw siyang ipapakita sa akin.
"Alam mo wala na yun dun, ang bagal bagal mo kasi"
Napatingin ako sa kanya bigla, at dahil mukha na siyang naiinis, mas binagalan ko pa ang mga galaw ko. Nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at nilagay lahat ng mga natitirang gamit ko sa bag ko.
"Ayan na, tara na" bigla niya akong hinila palabas ng classroom.
"Hoy gaga! pag may nasira sa mga gamit ko, ipapalit ko yang mga gamit mo" sumunod na lang ako sakanya, dahil wala naman din akong magagawa.
Ewan ko kung saan atalaga pupunta ngayon, basta ang sabi lang niya may ipapakita siya sa akin. Pero nakakakutob ako na pupunta kami ngayon para makita niya yung mga new "crushes" niya. Everyday naman iba iba ang mga crush niya, lahat na lang ata dito crush niya, well 'di mo rin naman siya masisisi kasi karamihan dito sa school may itsura, mukhang ipis, chos.
"Nakikita mo ba yung dalawang lalaking yun?"
Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa may unli wings, wait UNLI WINGS, ganon na ba ako kalutang at hindi ko namalayan na sa labas pala kami ng campus makadadating.
"Bakit tayo naabot dito?" sabi ko sa kanya, liningon niya ako saglit at bumalik ang tingin niya sa dalawang lalaking nakaupo.
"Alam mo Cl, ang oa mo ang lapit lang ng campus natin dito 'no, tsaka ayun na nga, nakikita mo na yung mga yun?" sinundan ko yung direksyon kung saan siya nakatingin.
"Ang alam ko tatlo sila e, bakit kaya silang dalawa lang magkasama ngayon" kausap niya ngayon sarili niya. Minsan talaga ewan ko na rin sa babaeng 'to e. Liningon ko siya at sinabihang "baliw"
Umabot ng 30 minutes bago ko namalayan na ang tagal na naming nakatayo. Nakwento na niya ata yung buhay ng dalawang yun sa akin. Nagtataka nga siya bakit daw hindi ko alam, e lahat daw sa campus alam yun. Well, sorry hindi ako chismosa, chos.
Wala lang talaga akong pakialam sa buhay ng iba."Tsaka alam mo ba na sabi ng iba silang tatlo raw ay 'di lang mukha meron, pati utak"
"Okay, lahat naman ng tao may mukha 'no, tsaka lahat may utak. Kaya walang special sa kanila." sabi ko sa kanya, tama naman 'di ba, nasa tao yun kung paano niya gagamitin at papaganahin.
"Alam mo ang dami mo nang sina-"
"Alam mo ikaw ang madaming sinasabi, halos 30 minutes na tayong nakatayo dito, hindi man lang ba tayo kakain?" hindi ko na siya pinatapos sa pag-sasalita. Tutal lunch na rin naman namin, at andito na rin lang naman kami, edi rito nalang kami kumain.
"Hala weh? ang tagal na rin pala. Sige wait, punta muna akong restroom"
Naiwan akong nakatayo rito malapit sa entrance. At dahil sikat itong kainan na 'to padami nang padami na ang mga tao. Budget friendly din kasi yung mga bilihin tsaka malapit lang sa mga campus kaya dinadayo talaga siya ng mga estudyante.
Siguro madaming nakapila ngayon sa restroom kaya ang tagal ni Keith, Habang nag-aantay ako sa kanya, marami akong naririnig about sa mga kinukwento niya kanina.
"Sabi na nga ba, tamang tama lang punta natin ngayon dito, kasi andito sila"
"Ang dami ng tao dumagdag pa kayo" bulong ko sa sarili ko. Kaya pala dumadami rin ang mga tao ay dahil sa kanila, ganon ba sila talaga kasikat?
"Tru ka diyan sis, grabee ang pogi ni Jian at Cony"
"Mukhang hindi naman" bulong ko ulit sa sarili ko.
"Next time balik tayo ulit tayo rito,para sa kanila"
"Wag na, hindi kayo welcome rito" Ang tagal naman ni Keith nababaliw na ako dito. Kinakausap ko na rin sarili ko.
Halos sila lahat ang usapan dito sa kainan na 'to. Simula pagpasok at paglabas ng mga estudyante, sila pa rin.
"You know what, you're right."
"What?" Napalingon ako sa direksyon kung saan galing yung nagsalita. Sino ba 'to?
"Sabi ko, you're right kanina, wala namang special sa mga yan"
"Chismoso ka 'no? Sino ka ba?" Nakatayo siya sa tabi ko ngayon, kanina pa kaya siya diyan. Hindi siya nagsalita. Napansin ko na nakatingin siya sa dalawang lalaki na kanina pa pinaguusapan. Ah okay confirm.
"Pati ikaw? crush mo rin ang mga yun?" sabi ko sa kanya, hindi kami close'no, curious lang ako kaya ko siya kinausap.
"Wait, what? ano ba tingin mo sa akin?" liningon niya ako at ngumisi.
"Panget?" diretsong sabi ko sa kanya. Nakita ko na bigla na lang nag-iba mood niya. Nagsasabi lang naman ng totoo yung tao e. Tsaka sino ba siya?
Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa comfort room para sunduin si Keith. Ganon ba talaga kahaba pila? Halos abutin na niya ng 20 minutes.
Pagkapasok ko sa cr, nakita ko na nakaharap ang gaga sa salamin at nag-aayos.
"Gaga ka, wala naman palang pila dito. Mga 20 minutes ka ng andito sa cr, fyi!"
"Ito naman, nag-aayos lang naman ako dito e, malay m-" hinila ko saglit buhok niya at binulungan siya ng "panget".
Tumakbo na agad ako palabas ng cr dahil alam ko na hahabulin niya ako.
"Hoy antayin mo ako"sabi niya. Habang naglalakad na ako, napansin ko na lang wala na siya sa likod ko kaya binalikan ko siya.
"Hoy, bakit ka ba nakatayo diyan?hahanap na ako ng upuan para nakapag-order na tayo. Sino ba tinitignan mo?" pagtataka kong tanong sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa lugar kung saan siya nakatingin. Pagtingin ko, nakita ko yung dalawang lalaki na may kasama ng isa pa.
"Sabi sayo tatlo sila, siguro nahuli lang yung isa" sabi niya sa akin, nakatingin pa rin ako sa table ng mga lalaki na yun. Mukhang pamilyar sa akin yung isa, siguro nakita ko na siya dito, sa dami ba namang napunta dito.
"CL tignan mo nakatingin sila sa atin" Nagulat ako ng bigla na lang napatingin sa direksyon namin yung mga lalaki. Halatang pinagtatawanan nila yung isa kasi siya lang yung mukhang seryoso.
"Ayan yung isang member nila?!"
"Oo, siya si Louie, alam mo ba na siya ang top 1 sa buong batch natin?"
Bigla kong naalala yung nakausap ko kanina. Siya ba yun? hindi ako sigurado kaya niligon ko ulit. Pagkalingon ko, napansin ko na ang sama ng tingin sa akin. Confirm siya nga yun, pero bakit ang sama ng tingin niya sa akin.
"Tara na nga Keith sa iba nalang tayo kumain"