"HAPPY 19th BIRTHDAY Princesses!!!"
Smiled. Thank you! Hindi kami princesa ng kasilyo ha. Hindi ko mabigkas ang aking sasabihin dahil sa nagmamadali ako, naiwan ko kasi ang susi ng motor ko ililibre kasi ako ni Jezz ang bakla kong best friend dahil birthday ko ngayon. Namin pala!
"Nasan na 'yon?!" hinalungkat ko ang kabinet dahil hindi ko mahanap ang susi ko. Sa safety box.Wala. Sa ilalim ng higaan ko. Wala.
"Dali-an mo na bes baka mag bago ang isip ko" Jezz said.
"Grabi naman" sabi ko. Hay. Nandito lang pala sa school bag ko. "Nandito na baks" at pinakita ko ang susi ng motor
"O siya ikaw lang ha wag na yung mga kapatid mo, wala na akong budget" and he chuckled. Kuripot ang yaman-yaman nila.
"Ibenta mo nalang kasi Jezz isa mong kotse, para malibre mo rin kami birthday din naman namin ah" sabi ni Artemis o Tres
"Oo nga hindi lang naman si Uno ang may birthday" sabi ni Aubri o Duce .
Triplets kami sa mga walang nakaka- alam.Ashley Reign Hearn
Aubri Paz Hearn at
Artemis Que Hearn and now is our birthday. Lima kami magkakapatid pinaka matanda si kuya Mark Brent 24 years old na siya at ang bunso namin na si Prince Bryle 14 years old na siya pero mas childish pa si Aurora."Duh, hindi tayo close tsee" biro pa ni Baks Jezz.
"Sige lang bye nalang ingat sa kabilang buhay" sabi ni Aubri at hinalikan ako sa pisngi "Ingat Sissy" .
"I will" sabi ko
"Ingat Reign" sabi ni Artemis.
"Ehem. Parang nababago na ang isip ko" sabi ni Jezz
"Oh dali na nga" sabi ko at kinaladkad siya palabas ng bahay naming gawa sa kahoy pero hanggang second floor naman.
"O hija San kayo pupunta?" sabi ni mama
"Hi tita ililibre ko lang si Reign" sabi ni Jezz
"Sila Aubri at Artemis hindi?" Tanong ni mama
"Tita kinupit ko lang 'to grounded ako ngayon kaya bawal ATM ko" bulong niya Kay mama.
Totoo naman grabi kasi kung makahanap ng papable nya daw, waglas ng waglas ng pera, eh pera lang naman habul sa kanya."Oh Baka magalit niyan si Percy" sabi ni mama.
"Hindi ah Kay ate ako nangupit" sabi niya na. Alam kong mudos niya lang yan kay mama pero hindi uto-uto si mama di ko nga alam kung bakit parang may power siya nalalaman niya yung iniisip mo eh sabi niya ang tricks daw no'n base on emotion. Ewan.
"Oh panu Reign yung hinanda namin?" Tanong ni mama.
"Ma, hindi lang ako ang may birthday tsaka hindi naman kami mag gagabi 9:00AM palang mga around 6pm na kami uwi bye" sabi ko at hinalikan ang pisngi niya.
PUMUNTA kami sa pinaka malapit na mall at kumain sa korean restaurant pagkatapos ay pumuta kami sa sinehan ang pinapanuod namin ay comedy na may halong Romance. Pagkatapos pumunta kaming Arcade at pinaka last nag window shopping dahil walang ng budget si babakleta pang dinner nalang daw namin ang pera niya.
"Bes Bagay ba saakin?" Tanong niya. Tumango ako kahit hindi ko pa nakikita.
Nakita ko kasi crush ko si Liam.
"Bes anong tinitingana- Oh my god" sabi niya. "Kinilig ka ba?"
"Tara na baks" sabi ko at hinila siya papuntang Ice cream parlor.