Pagkauwi ko tumakbo agad ako sa kwarto namin wala pa naman sina Aubri at Atremis, mamaya pa siguro sila uuwi, pati sila kuya at Bryle. At Si papa naman nandon siguro sa firm nila, kaya ako lang dito medyo nahirapan din naman ako pag unlock ng bahay dahil nagmamadali ako para hindi maabutan. Alas sinco na pala malapit na sila Aubri umuwi baka hindi ako matuloy sa binabalak ko, kasi for sure alam nila kung bakit ako tatakas. Pagka pasok ko sa kwarto ko hinanap ko agad ang susi ko.
Nahanap ko ito sa may taas ng cabinet, kaya pag kakuha ko n'on nagpalit agad ako ng uniform. Sinuot ko ang itim kong sweatpants at plain black t-shirt, at tumakbo papuntang pinarkan ko ng motor ko. In-start ko agad at binuksan ang gate tapos ni-lock ko din ulit ang bahay kahit hindi na naka close ang gate dahil alam ko, nararamdaman ko na pauwi na sila. Tapos pinaharurot ko na ang motor ko.
"Wooooo," sigaw ko.
Grabi nakalimutan kong mag helmet, muntikan pa naman na akong mabangga. Tsk.tsk. Nakalimutan ko pang itali ang buhok ko kaya ayon bumabara siya sa mata ko at nakakain ko pa.
Pero may napansin lang ako may sumusunod sa aking Red Ferrari. Kaya mas binilisan ko pa ang pagmamaneho at inihinto sa medyo nalang ang mga sasakyan. Ang tanga ko nakalimutan kong magdala ng pang self-defense, hindi naman siguro 'to naka dala ng kutsilyo o baril ang sumusunod sa akin pero susunod pa siya kung wala rin naman siyang balak patayin ako.
Presko akong sumandal sa motor ko at nag cross arm, habang hinihintay ang pag parada ng kotseng sumusunod.
Ng pumarada na umayos ako ng tayo at naka pamulsang lumapit sa mga halaman. Naramdaman kong bumaba ang nagd-drive ng kotseng 'yon kaya lumingon ako. Bakas sa mukha ko ang gulat ng makita ang lalaki. Siya 'yon, saan ko nga ba 'to nakita basta siya 'yong Xyle.
"Hi--."
"Bakit mo ako sinusundan?" Magsasalita sana siya pero inunhan ko.
Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at nag salita "Hi, Miss?" Kinunot niya ang noo niya.
"Miss it is," sabi ko.
"Okay Miss it is, it's pleased to meet you again," sabi niya at yumuko pa ng bahagya para akong prinsesa at siya ang prinsi-- hindi siya ang kawal.
"It's please stay away from my sight," Pambabanat ko sa kanya.
Mas lumawak ang ngiti niya "Bakit ang bilis bilis mo naman mag patakbo, hindi tuloy kita maabutan kanina, it's like someome chasing you." Saad niya.
"Bakit mo ako sinusundan?" pambabalewala ko sa mga sinabi niya.
"Hmm, gusto lang kitang makilala hindi ko pa nakuwa ang pangalan mo," sabi niya at ngumiti. "At hindi ka rin nagt-text sa binigay kong number sa'yo, i mean nandiyan na nga naka save sa phone mo." Ani Xyle.
"I deleted," simple kong sabi. Pero hindi ko talaga siya na delete nakalimutan ko lang.
"Oh, here's my card," sabi niya "kung gusto mo kabisaduhin mo nalang."
"Mahina ako sa ganyan."
"Oh, ito abutin mo nalang," Saad niya.
"I don't want to," seryoso kong sabi.
"Okay, kukunin mo o kukunin ko ang pangalan mo? You choose," Sabi niya.
"My name is.... Rei." Sabi ko.
"Oh, it's like a boy name," sabi niya at tumango-tango "But it's pretty." Saad niya pa. Namula naman ang pisngi ko and i press my lips to stop smiling.
I cleared my throat "Thanks," i said.
"Welcome..... can we proceed our discussion in the near coffe shop? My treat." Sabi niya pa.