Warning➪ May patayan scene dito. SPG!
================>>☠︎︎
"XYLE!" Tawag ko sa kanya. At kinawayan ko pa siya. "Pautang." Dagdag ko pa.
Bigla silang lahat lumingon sa akin kahit na 'yong mayabang nilang monster este master. Grabi ang lamig. Malamig na nga ang panahon dahil parang tila uulan ang lalamig pa ng turok nila. Ngumiti ako sa kanilang lahat at kumaway.
"Who are you?" Tanong nung master nila. Bakit kasi hindi nila sinasabi pangalan neto. Tsk.
"Rei," pakilaka ko. "Xyle, pautang." Binalingan ko si Xyle na gulat na gulat dahil nakita ako rito.
"H-how much?" Tanong niya pero hindi pa rin gumagalaw dahil na sa'kin lang ang paningin.
"500." Sabi ko at ngumiti.
"Who's that Xyle?" Tanong nung master nila at naka tingin lang din sa'kin. "Wait, you look familiar." Sabi pa niya at tila nag-iisip.
"Siya boss 'yong sa madilim na nasiraan." Singit nung isa
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ng anim. Sabay sabay pa ang pagkakasabi. Wow parang pinagpraktisan.
"Wala na akong gas eh," sabi ko at ngumiti na naman.
"Na naman?" Naiinis na tanong ni Monster.
"Na naman!" Pangga-gaya ko sa boses niya. Tila napikon naman siya kaya dinagdagan ko ang sasabihin ko "Bigyan mo nalang ako aalis na ako." Sabi ko.
"No." Matigas na sabi nung monster, argh monster talaga parang mangangain umaapoy ang mata.
"Dali na, gutom na rin ako." Pagpapa-awa ko sa kanila at hinimas pa ang tiyan ko. "Tapos malayo-layo pa ang biyahe ko sa west pa ang uwian ko." Sabi ko at ngumuso.
"Rei, hatid na muna kita." Singit ni Xyle sa mga sinasabi ko.
"May motor nga ako." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Parang ayaw talaga nila ako dito. Pout.
"Nasaan?" Nang-aasar na tanong ng mga kasamahan niya. Yung apat pa sa kanila si Orange, White, Silver at Blue.
Hinawakan ko sa kwelyo 'yong tinawag nilang Hans na tumago ng motor ko. Mahal kaya 'yo ilang buwan kong tiniis ang gutom, dahil sa baon ko 'yan lagi sa school.
"Nasan?" Pinandilatan ko siya ng mata. Ayan kasi panakot ko sa mga kapatid ko pag hindi nila ako sineseryoso. Tila natakot naman ang kaharap ko kaya tinuro niya ang parte ng madilim. Diba alam ko na kanina kung nasa'n. Pagtingin ko doon wala na, oh ayan tinago pala nila sa kabilang dulo.
Binitawan ko siya at tinakbo ang motor ko. Nakita ko na si Ley. 'Yong yung pinangalan ko kasi mayroon naman noon sa pangalan ko, kaya. In-start ko 'yon kasi may kunti pa namang naiwan sa gas sa motor ko. At pinunta sa harapan ng mga gags.
"Ooh, ha." Pagyayabang ko. Ano kasi 'toh KAWASAKI NINJA 400. Kabisado ko pa 'yong details niya.
Engine: 399 cc (24.3 cu-in) liquid-cooled 4-stroke 8-valve DOHC parallel-twin.
Weight: 168kg (370lb) (wet).
Tubes: Front: 110/70-17 (tubeless); Rear: 150/60-17 (tubeless).
Bore/stroke: 70.0mm × 51.8mm (2.8 in × 2.0 in).
Seat height: 785mm (30.9 in).
Fuel capacity: 14 L (3.1 imp gal; 3.7 US gal.Oha! Kabisado ko. Minemorize ko 'yon eh kahit mahirap ako sa memorize ganon ko kamahal 'yong motor ko. Mahal din kasi 'yong bili ko no'n. Hindi nga ako nagpapahiram no'n kahit sa kela Aubri, Art, kuya, at mama si papa kasi may kotse na naman na siya. Brand new 'yon pinag-ipunan niya.