Kabanata 4
Annoyed
Nakakainis! Pinigilan ko ang sariling habulin ito't sabunutan dahil sa panggigigil ko sa sinabi nito bago lang. Sarap kalbuhin ang mahaba niyang natural na inaalagaang buhok. Maayos na maayos iyon pero mas kahabaan ang buhok ko. Itim naman ang kulay ng sa kaniya.
I shrugged while staring at her back. She was running to the kitchen. Maybe Uncail and Aintín are there.
Marahas akong bumuntong hininga at ibinaling na lamang ang atensiyon sa silid kong ngayon ay nagkalat. Napapikit ako at tumungo sa loob. Isinara ko na rin mismo ang pinto.
I did not bother to defend myself because I know they wouldn't believe me. It would always be me who always do mistakes even though, I'm not.
Napailing na lamang ako at iginala ang tingin sa silid ko. Tahimik akong naglinis. Tinawagan ko pa ang royal maids para sa walis tingting at dustpan. Hindi kasi tiles ang nasa paanan kundi semento at ang kalat ay hindi madadala ng tambo. Wala namang kaso kaya hinayaan ko na lang na ganoon.
Ipinusod ko ang buhok nang walang gamit na tintas.
Napalabi ako at inunang ayusin ang kama kong nasa kaliwang bahagi. Napabuntong hininga ako nang makitang hindi naman napunit ang tela.
Minsan, hindi ko alam kung ano'ng trip ng mga pinsan kong iyon.
Matagal ko nang nahahalata na ayaw nila sa akin. Pinapakita at pinaparamdam nila iyon sa akin, sa ibang paraan. Katulad na lang sa silid ko ngayong nagkalat ang mga gamit. Nakakaasar.
Mabaho na rin sa loob. Nagpapasalamat pa akong hindi iyon galing sa patay na hayop. Pinakaayaw ko pa naman ng gano'n.
Napaangat ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito at iniluwa iyon ng isa sa mga royal maids. Napatigil pa ito nang makita ako sa sitwasyon ko ngayon na naglilinis. Iginala pa ang paningin sa nangyari sa silid ko.
I heaved a sigh before walking towards her to get the sweep and the dustpan.
"Do you want to tell something?" bungad ko sa kaniya.
"Uh... uh- I...I would gladly help you, Princess, if you want," she smiled a little.
Kumurapkurap ako na parang nag-iisip. Gusto kong tulungan niya ako dahil kailangan ko pang gamutin ang sugat ko ngayong nararamdaman ko na ang hapdi. Ayaw kong ma inpeksiyon iyon bago ko pa gagamutin.
"Hm... That's a nice suggestion but I'm a bit bored..." I trailed off. "So, I guess I want you to help me clean my room but somehow, I changed my mind." Napalabi ako, "I want to clean it all by myself and don't you ever spill anything to Athair and the others, 'kay?" dagdag kong nakangiti.
Nag-aalangan pa ito sa sinabi ko pero hindi rin naman nagsalita dahil pinilit ko siyang huwag na akong tulungan dahil talagang nasa mood ako na maglinis. Matagal-tagal na rin kasi simula nang nagagawa ko pa ito.
"I should let myself enjoy for a moment. Saka ko na lang lalagyan ng gamot ang sugat ko 'pag tapos na ako sa ginagawa ko ngayon." Bulong ko sa sarili.
Ngumiti ako. Hindi ko naman ni-lock ang silid ko dahil alam kong mapapagalitan ako kapag gagawin ko iyon.
Hindi gano'n kalawak ang silid ko sa loob at malayong-malayo sa ibang mga silid pareho kina Athair. Nasa pinakababang bahagi ng palasyo ang silid ko.
Katulad pa rin noon ang estilo pagdating ko dito. Napagplanuhan ko lang ayusin para maganda naman tingnan sa mata at naiinis ako ngayon dahil ito ang ginawa ng pinsan ko sa silid ko.
YOU ARE READING
Beyond Her Freedom (Law Of Attraction: Freedom)
Romance"Her freedom became a sudden risk after being attached with him." Came from a tragedy years ago. Antoinette Aurelia Jacqueline O'Ceallaigh force herself to forget all of her happy memories. She was caged and locked by her own father, forcing her t...