Chapter 1

1.4K 10 1
                                    


"I love you Leo."

Kumislap ang mga mata ni Leo nang marinig nito ang tugon ko. Pagkatapos ay yinakap ako nito ng sobrang higpit.

"God, I missed you so much."

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nito, pero hinayaan ko lang ito at gumanti pa ako ng yakap rito. We just stood there in the middle of the leaves tunnel, hugging each other. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ngunit paminsan-minsan ay pinapaulanan ni Leo ng halik ang leeg ko at balikat ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumayo ito at tinitigang mabuti ang buong mukha ko na animo'y minememorya ang bawat parte niyon.

I blushed.

"I can't wait to tell everyone that you are mine." Usal nito.

Natigilan ako. I bowed my head down in guilt.

"Leo..." I uttered.

He pulled my chin up and made me look at his eyes. He looked at me questioningly.

"Can we... can we not tell others about our relationship yet?" Nag-iwas ako ng tingin. I felt remorseful. Ayokong makita ang ekspresyon sa mukha nito ngayon. I don't wanna spoil this moment, but this was something that we must discuss sooner or later.

Sobrang mahal ko si Leo kaya ayaw ko na nang dahil sa akin ay magkaroon ito ng problema sa trabaho, sa pamilya, at sa mga taong nakakakilala sa kanya. Andaming what ifs sa utak ko. Nega na kung nega, pero hindi ko talaga maiwasan ang mag-alala.

"Why?" Tanong nito. Walang panunumbat na mababanaag sa mata o boses nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay magagalit ito sa akin. He just seemed to be confused.

"I'm not ready to tell everyone, yet." I fidgeted.

"Hindi ka ba excited na sabihin sa iba na pag-aari mo ako? Kasi ako Xi, I think I'd be the happiest if I could finally claim in front of everyone that you are mine." He looked sincere. Jusko, bakit antamis ng dila nito ngayon?

Binalot ng init ang puso ko.

"Hindi iyon..." Mataman akong tinignan nito.

"Is it about the people around me?"

Nakatingin ako sa baba habang yumuyuko. I silently admitted.

"I'd be honest with you. I know there would be problems once we announce to everyone our relationship. I also know we cannot have everyone's blessings. But, I am ready Xi and you have to trust me. I will not do something that would make you regret choosing me."

Yumuko ako.

Pagkatapos no'n ay walang nagsalita sa amin. Binalot kami ng katahimikan.

Shortly after, Leo sighed in indulgence.

"Are you sure about this?"

Tumingin ako rito at tumango.

"Fine, but, our friends should at least know about us. That's my condition." Anito. "Especially, Jeffrey." He added.

Napangiti ako atsaka tumango.

"And you have to promise me..." Nagtataka akong tumingin rito.

"We'll tell everyone ready ka na. And, please make it soon."

Our gazes locked. And then I nodded my head in response.

"Let's go inside. I promised Stanley I would bring you back. He was crying hard when you suddenly left, you know?"

Apologetic akong tumingin rito. "Napanood ko kasi yung interview." Reklamo ko rito.

He pinched my nose.

"And you were jealous?" Tanong nito habang abot-tenga ang ngiti. Pati ang mga mata nito'y kumikislap. Halatang natutuwa ito sa kaalamang iyon.

Inirapan ko ito. Ngunit natigilan ako nang may mapansin akong kakaiba sa mukha nito.

"Anong nangyari dito?" Tanong ko rito sabay hawak sa sugat at pasa gilid ng labi nito. Bahagyang napangiwi ito. Napakunot ako ng noo.

"Wala 'yan."

Tinignan ko ito ng masama. Hindi ko ito iimikin kung hindi nito sasabihin sa 'kin ang rason kung bakit siya may pasa.

Leo guessed what I was thinking so he reluctantly admitted, "I fought with Jeffrey..." Para itong batang umaamin sa kasalanan nito.

I looked at him expressionlessly and waited for him to finish his words. He stared at me for a few seconds before sighing in resignation. "When I heard he has your car, sinugod ko siya sa office niya. I was already jealous of him pagkatapos dumagdag pa iyon. Pero hindi ako ang unang sumuntok, ha? Siya! I was just mad, nanggigigil ako, pero siya,nanuntok siya." Sumbong nito. He sounded like a kid who got bullied.

I rolled my eyes.

"Lagyan natin ng ointment 'yan. Pwedeng gamitin 'yong ointment na ginagamit ko dito sa sugat ko." Saad ko rito at hinila ko ito papasok sa loob. Malawak ang ngiting nagpatianod ito sa akin.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay agad kong nakita si Stanley.

"Kuya!" Mabilis nitong inangat ang mga maliliit nitong kamay sa direksyon ko at nagpipilit kumawala sa karga ni Kathy. Mabilis akong lumapit rito at kinarga ito. Pagkakarga ko rito ay yumakap ito sa leeg ko ng sobrang higpit. Ramdam ko ang takot nito na baka umalis na naman ako. My heart twinged.

Napatingin ako kay Leo at natagpuan ko itong nakatingin lang sa anak nito, wari'y may iniisip.

Kapagkuwan ay nagsalita ito. "Stanley, Dad will borrow Kuya for a while. Gagamutin lang niya itong sugat ni daddy, okay?"

"I don't like." Tugon ng bata sabay talikod sa daddy niya. Pagkatapos ay mahigpit itong yumakap sa leeg ko.

Lahat kami ay nabigla sa tinuran nito.

Wala na akong nagawa kundi kunin ang ointment sa bag habang bitbit si Stanley at hinayaan na lang si Leo na gamutin nito ang sugat niyang mag-isa. Nakasimangot na kinuha ni Leo ang ointment at nagtungo sa powder room para doon magpahid ng ointment.

Hanggang sa magtakip-silim ayaw bumitaw sa akin ni Stanley. Kahit noong kumakain kami ay gusto nitong nakakalong sa akin. Kapag maglalaro ay gusto nito ay nasa tabi lang ako. Kaunting layo ko lang ay gumagapang na ito papalapit sa akin. Si Leo ay kanina pa gustong ihiwalay ang anak nito sa akin, pero kapag ginagawa nito iyon ay nagwawala ang bata. Wala kaming magawa kundi pagbigyan muna ito.

Kahit noong dumating si Tita Melinda ay walang magawa sa sitwasyon namin. Kaya ang nangyari kinagabihan ay sa kwarto na ni Stanley ako nahiga at matiyagang binasahan ito ng bedtime stories. Balak kong umakyat na lang mamaya sa guest room kapag himbing na himbing na ito sa pagtulog.

Ang kaso ay nakakailang libro na ako ay hindi pa rin ito natutulog. Nakailang beses nang pabalik-balik si Leo sa kwarto ng anak nito para silipin kung tulog na ba si Stanley o hindi pa. Minsan nga ay tumulong na ito sa pagpapatulog, pero mas lalong nagiging maligalig ang bata. Kaya pinalabas ko na lang muna ito. Mukhang malala ang tantrums si Stanley ngayon.

"You have to sleep now buddy, it's already past your sleeping time."

Umiling ito.

"Kuya will get mad." I said sternly and added, "Stanley is not being a good boy."

He pouted.

"I'll read you this last book, but you must sleep now, okay? I will stay here until you fall asleep. And when you wake up tomorrow, I will be greeting you good morning and then I would give you a big kiss." Sabi ko rito.

"Promise?"

I smiled and nodded my head while saying, "I promise."

Afterward, he nodded his head reluctantly.

Napangiti ako.

Please be mine. (BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon