FOUR

88 2 0
                                    

Kit

Habang nakatanaw ako sa kanya mula sa ilang metro naming layo, nararamdaman kong gusto ko siya pero naiisip ko rin ang mga kapalit nito.

Bigla akong napatapak sa preno ng bigla rin siyang lumingon sa direksyon ko. Napansin niya kaya ako?

Kumalma ang puso ko ng makitang lumingon rin siya sa kabila para tumawid pala. Hays.

Nang makatawid na siya sa kabilang bahagi ng kalsada ay mabagal pa rin ang pag abante ng sasakyan ko. Natanaw kong dumiretso siya sa kabilang kalsada na. Doon siguro ang daan papuntang bahay niya. Sayang at hindi ko na siya masusundan.

Nang mawala siya sa paningin ko. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko.

Habang nasa byahe ako pauwi sa bahay ay naisip ko na alamin kung saan siya nakatira.

Pagdating ko sa unit ko, naligo at nagpalit lang ako ng damit pagtapos ay umupo sa harap ng study table ko. Binuksan ko ang laptop at nagdirect ako sa facebook at para matignan kung ano ang ginawa niya ngayong araw. Nag-dial na rin ako ng food delivery dahil mukang hindi na ako makakaluto.

Bukas babalikan ko siya. Kailangan ko malaman kung saan siya nakatira.

"Cliff." Tawag ko sa assistant ko. "What do you do when you like someone?" Napatingin ang lalaki kong assistant.

"Sir?"

Napaahon ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair ko.

"I mean," napatingin ako sa ibang direksyon sa hiya. "This is my first time.. you know, to feel this." Nang ibalik ko sa kanya ang tingin ko bahagya siyang ngumiti.

Clifford is my secretary/assistant. He knows me well pagdating sa trabaho. He is also confident kapag nakikipag usap sa akin.

"Crush lang po ba or first love na?" Mabilis niyang tanong sa akin sabay lumapit ng bahagya. Propesyunal pa rin ang kilos.

Nanliit ang mga mata ko sa itinanong niya. "The first time I saw her, I felt something that I need her. I saw her in a slow motion and I -"

"And you heard your heart beat?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Bahagya pang umangat ang isang kilay.

Napairap na lang ako sa kawalan.

"Well Boss, bigyan mo siya ng mga bagay na magpapasaya sa kanya. Usually, ang babae gusto nila ng surprises. Flowers, chocolates, dates."

"You think magugustuhan niya? She's too simple." Sabi ko sabay ikot ng swivel chair ko paharap sa malawak na siyudad.

"You want me to investigate, Sir Germany?"

"Just locate her address and I will do the rest." I know this is my expertise but my mind doesn't work. It was full of her, and I don't know what is the next step to do.

After signing some documents, I put my pen down and gently leaned my back to swivel chair. As I close my eyes, this only girl plays on my mind. Her beautiful and shy smile, her innocent face are keep running in my busy mind. 

I raised my self from seating and immediately grab my things. 9PM na pala. Wala na gaanong tao sa building. I didn't notice the time.

I beeped my car once and stopped while holding the door of my car.

Nangangati ang mga paa ko na puntahan si Chalsea.

I feel like I really need her near me. It feels like incomplete.

I rushed myself driving going to her location. Kahit mahaba ang byahe okay lang. Basta ang alam ko kailangan ko siyang makita.

Okay na ko sa makita ko lang siya...

Para akong bumalik sa pagiging bata, na nagkaroon bigla ng pangarap.

I suddenly remembered the first time I went here. I smirk. How funny that I don't want to go here because of the distance pero ngayon, gabi-gabi yata akong nandito.

Napailing na lang ako sa naisip.

Past 10PM when I arrived sa charity.

Nakita kong nakabukas ang maliit na bahagi ng gate. Naroon din ang guard, nakatayo habang naninigarilyo.

I don't know what into me, I just found myself nakatayo sa harap ng guard.

"Good evening po." Nagulat pa si kuya guard sa pagtawag ko sa kanya.

"Good evening po, Sir! Ano po iyon?" Agad niyang naitapon ang kanyang sigarilyo. Siguro sa gulat.

"Ahm. Nandito ako last time dahil sa isang event niyo.." Napakamot ako sa ulo dahil sa naisip na rason. "Medjo stress po kasi sa trabaho. Gusto ko lang sana makita ulit ang mga bata.." Hindi ako makatingin sa security guard ng maayos. Parang ang bobo ko sa rason ko.

"Ganon po ba, Sir? Sarado na po kasi kami ngayon, Sir. Tulog na rin po ang mga bata. Bukas po ng umaga ay pwede niyo po sila mabisita." Mukha namang naniwala sa akin ang guwardiya.

"Kahit ang Superior po?" Gusto ko lang naman malaman kung nanjan pa si Chalzea. Bakit kagabi ay ganitong oras ko na rin siya nakita?

"Maaga po natutulog ang Superior, Sir. Pero meron pong mga volunteer na nag aasikaso po ng mga dumating na supplies." Sabi niya sabay turo sa loob ng bahay.

Nandoon kaya si Chalzea sa mga volunteer?

"May dala po ba kayo na for donation, Sir?

Napatingin ako sa security guard sa sinabi niya.

"Wala po eh." Gusto ko na lang matawa sa mga pinag gagawa ko dito. Pero kailangan kong maging disente dahil nakasuot pa ako ng polo.

Tumanaw pa kong muli sa loob ngunit wala akong makitang tao na lumalabas.

Nagpaalam na ako sa guard at bumalik sa aking sasakyan.

Napaungol na lang ako sa pagod ng makarating sa aking unit. Mas ramdam ko ang pagod ng araw kapag hindi ko nakita si Chalzea.

Kinabukasan, nagplano akong sundin ang sinabi ni Cliff.

"Cliff." Tawag ko sa aking assistant habang naglalagay sa aking table ng mga papel.

"Yes, Sir?" Mabilis na sagot naman niya.

"Padala ka ng flowers and cake sa address na ito. At wag mo na lagyan ng pangalan." Sabi ko sabay abot sa kanya ng isang maliit na papel at  debit card.

Pagkabasa sa papel ay bahagya siyang napatingin sa akin at pumihit na palabas ng opisina ko.

His Memories (His Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon