Kit
Miss ko na siya at two weeks ko na siyang hindi nakikita pero araw-araw akong nagpapadala sa kanyang bahay ng bulaklak at pagkain.
Nagkaroon kasi ako ng isang business meeting with Carlo. Their company buy a bankrupt hotel sa Singapore and they choose our company as their security agency.
As the moment we landed at the airport, nagpahatid ako sa bahay ni Chalzea.
I want to see her. I'm so bored without her.
I ask the driver to dropped me and leave. Mag grab car na lang ako siguro mamaya.
Since its 7am siguro naman ay hindi pa siya lumalabas. Tumayo ako sa tindahan sa tawid nila at nagtingin kung ano ang pwedeng makain doon.
"Miss." Tawag ko babaeng tindera doon.
Paglingon niya ay sandali siyang napatigil at ngumiti.
"Ano po yun?" Sabi niya. Sa tingin ko nasa 16 years old lang siya.
Hindi ako ngumiti pabalik sa kanya.
"May pwede po ba kayong almusal dyan?" Sanay naman ako kumain sa mga ganito dahil nung college days, tambay din kami sa ganito sa labas ng university.
"Ano-"
"Nina, palmolive purple nga."
Napatingin ako sa babaeng bigla na lang.. sumingit. Biglang tumigil ata ang aking mundo ng makita kung sino ang babaeng iyon.
Chalzea.
Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Chalzea.." I whispered.
Walang emosyon siyang napatingin sa akin. Pero ng makita ang mukha ko ay napaatras siya at mabilis siyang nag iwas ng tingin.
Nang makuha ang binibili ay mabilis na lumakad pero nahawakan ko ang kanyang braso.
"Ano ba?" Angil niya sa akin sabay piglas ng kanyang braso.
"I just want to see you and to.. talk to you. Kahit sandali lang.." Please..
"Ikaw yung manyakis doon sa charity event di ba?" At natanggal na niya ang kamay ko.
Pero wait.
What??
Manyakis daw?
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Wala na akong oras." Maglalakad na sana muli siya ng hawakan ko muli.
Kunot noo niya akong nilingon.
"Bakit ba?" Angil niya muli sa akin.
Napabuga ako ng hangin bago nagsalita.
"Natatanggap mo ba yung mga pinapadala ko?" Tinanong ko siya just to open a conversation. Alam ko naman na natatanggap niya.
Lalong kumunot ang kanyang noo at tumaas pa ang isang kilay.
Wrong move ata.
"Ikaw nagpapadala non?" Masungit ulit niyang sabi. "Ikaw pala yung stalker sa charity?" Dagdag pa niya.
Stalker?
Pucha.
Manyakis tapos stalker?
Kumunot na rin ang noo ko sa narinig.
"Alam mo tigilan mo na ko. Wala kang mapapala sa akin." Sabi niya at sinubukang pumiglas ulit.
"Gusto kong magpakita talaga sayo kaya lang hindi ko alam kung paano." Sabi ko at sandali siyang tumigil sa pag alis ng kamay ko.
BINABASA MO ANG
His Memories (His Series#2)
Romans"I can't remember her." After he saved her life, all his memories of her got faded.