Kabanata 1

54 2 0
                                    


Perfect

"Saraaaap!"

"Masarap ba?"

"Saraaaap!"

"Paano kung ganito ang kikitain mo sa loob ng isang linggo. Masarap ba?"

"Saraaaaap!"

Hmm... oo naman. Masarap nga 'yun. Eto lang ang gagawin tapos kikita ako ng ganon kalaki! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita na no minors allowed dito.

I should grab this opportunity right? Besides income din ito habang nag-aaral ako. Naalala ko yung sinabi ng lalaki kanina.

"Madami kayong kikitain. May mga looks naman kayo."

Napapikit na lang ako ng mariin. Magandang oportunidad 'to. Malaki ang kikitain ko! At pwede pa akong maging milyonarya katulad ng sinasabi ng nasa speaker!

"Kung nag-aaral ka extra income, pandagdag baon. Kung may negosyo ka, pwede mong gawing part time. At kung tambay ka, gawin mong full time! Hindi na masama ang dalawang libo sa isang linggo diba? At lalaki pa 'yan ng lalaki hanggang sa daang libo na ang kikitain mo sa isang linggo lamang!"

I sighed. How inviting.

Habang nakaupo sa upuan ang atensyon ko lamang ay nasa sinasabi ng nasa harapan. Maraming tao, siguro'y intiresado din sila kagaya ko. Kung gan'on ba naman kalaki. But I still don't get it. What should I do to make my profit higher as what they said.

Pinakita sa screen ang mga naging milyonaryo dito. Hawak ang isang malaking tseke at naka-imprenta roon ang kanilang pangalan at ang kanilang kinita. Meron silang kanya-kanyang magagarang kotse. They also travelled without paying any expenses. That's what they said.

Kanina ay pinakita ang mga before and after ng mga taong gumamit ng kanilang produkto. Even famous actor, actresses, Kpop and athlete is their endorser. The speaker is so proud as he show us how succesful he is. Sabi niya dati siyang gan'to, ganyan. And because of this. He can now buy whatever he want. Meron na siyang magarang sasakyan. Pinakita niya pa nga sa amin ang susi ng kotse niya. His parents is so proud at him. Nakabili na rin siya ng sarili niyang condo. Napapa-aral niya ang mga kapatid niya. At ang nag-invite sa kanya ay isang drop out!

Yeah.

Say it.

Networking.

Kung saan nauso ang katagang. "Open minded ka ba?"

Malakas ang tunog ng palakpakan ng mga tao sa loob ng silid. They are so alive. They find it so inviting, so interesting.

Narinig ko na dati ito sa mga kaklase ko ngunit kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng interes. I want to focus, only to my studies. Iyon ang dapat kahit sabihin pa nilang, hindi ito nakaka-abala.

"Andami kong nabili nang dahil dito! Katulad niyo rin ako, nakaupo din ako dati nakikinig at puro pagdududa ang nasa utak. Pero dahil determinado at positibo ako triny ko ito. At yun! Hindi nga ako nagkamali. Nakabili ako ng sasakyan, dati hindi pa ako napapansin ng mga babae pero ngayon tignan niyo naman sila na ang humahabol sa akin. Like "Hi babe!"

Nagsitawanan ang mga tao sa sinabi niya. Actually natatawa na din ako kasi parang comedy bar itong pinasukan ko. Ikwinekwento nila ang buhay nila bago ito tapos ngayon hindi naman siguro sa pagmamayabang pero may ipinagmamayabang na sila. They are just proud of themselves because they are showing us that their decision was right.

Bumuntong hininga ako. Kahit maganda, kasali pa rin ako sa mga nagdududa.

Kinalabit ako ni Renzo na siyang isa sa hinila ko nang may baklang lumapit sa akin at hinikayat ako rito. Katabi niya si Maddie na nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa harapan. Hindi ko alam kung interesado ba siya o hindi, hindi ko kasi mabasa ang ekspresyon niya. Katabi naman ni Maddie si Thor na naglalaro sa kanyang cellphone at naka-earphones. Tignan mo! Pinagbawalan na nga kanina! Sa aming apat na magkakaibigan siya ang naligaw sa amin. Mayaman eh!

Until the sun diesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon