Kabanata 2

10 3 1
                                    


Someday we'll know that we really aren't meant to be.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa lyrics ng isang kanta. Kanina ko pa 'to tinitignan at tangina hindi ko mawari baby! Sigurado ako maiintindihan to ng isang pilipinong nagpapakoreana.

"Ate, may nakita kang papel na nilaro ni Rhys?" Napatingin ako kay Ali na nasa pintuan ng kwarto niya. Sumipsip ako sa aking kape. Sabi na nga ba. Tinaas ko ang papel at winagayway.

"Korean to?" tanong ko.

Malaki ang ngiting lumapit siya sa akin at kinuha ang papel ng walang sinasabi bago bumalik sa kwarto niya. Bago niya pa tuluyang naisasara ay sinigawan ko siya.

"Ayos ayusin mo sarili mo Ali ah! Namatay si Heneral Luna. Maraming namatay!! Blackpink o kalayaan. Pinoy o korean?! Mamili ka!!!" sabay hampas ko sa mesa at ginaya si pareng Luna ngunit ang pagdabog lang ang nakuha ko.

Hindi ko siya masisisi. I mean mga kabataan ngayon ay lulong dyan. Kesho astig daw. Pre! Mas astig maging makabayan.

Mapuri nga hypebeast mamaya.

"Ano nanaman yan Aga. Ang aga aga."

Ngumiti ako kay Papa. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya. His grayish hair na laging kinukulayan ng itim para daw gwapo siya ay nakikita pa rin. Nauna talaga akong nagising. Si Papa kasi laging maaga, sunod si Mama.

Umupo siya sa tabi ko.

"Sumisigaw ka nanaman."

Kumuha ako ng mug at sinalinan ng mainit na tubig. I use to make him coffee. Si Mama ayaw niya akong pinagtitimpla ng kape niya, ang arte kasi. Si Papa kasi tamang buhos lang ng itim na kape. Pagkatapos kong gawin ang kape niya ay umupo ulit ako sa upuan.

Bago ko pa man mabuksan ang labi ko para sa sasabihin ay naunahan niya ako.

"Nakapasa ka daw sa scholarship." Lumaki ang mata ko sa kanya. Tangina paano niya nalaman?! Si Maddie lang ang nakaka-alam. At ulit. Bago ko pa matanong ay sinagot niya ako.

"Sinabi sa akin ni Rhys. Hinintay niya pa ako, o hindi ko alam kung hinintay nga niya ako dahil naggigitara siya." Iniunat niya ang kanyang kamay. "Matanda na ata ako. Hindi pa naman halata diba?" Sabay pakita sa akin ng mukha niya. His wrinkles is obvious!

Hindi pa nga ako nakakamove-on sa unang sinabi niya ay binuhusan na ako ng tubig sa tanong niya.

Okay si Rhys. Hindi nicheck ni Mama yung sulat, sigurado ako doon. Baka nabasa ni henyo.

"Pa, anong masasabi mo don?"

I mean, nakapasa ako. Dapat niyakap niya ako sabay sabing.. I'm proud of you anak. Mana ka talaga sa akin. Ikaw ang mag-aangat sa kahirapan natin. Malaki ang ngiting tumingin siya sa akin.

"Alin, sa kagwapuhan ko?"

Kung iniisip niyong lagi na nga lang siyang nagkakape ay hindi man lang siya nerbyusin sa sinasabi niya. Oh well Dumaan na yan sa isip ko.

"Nan Lee University? Baka kilala ni Ali ang may ari niyan. Ali!" tawag niya sa kapatid ko.

Bumukas ang pintuan ng kwarto niya at lumabas.

"Pa?"

"Kilala mo 'tong Nan Lee University?"

Nilaklak ko ang natitirang kape sa aking baso. Oo. Inisip ko din maglayas dati. Kung iniisip ni Mama na namumuhay kami ng normal. Well well well mother, you're wrong.

"Nan Lee. Ano yan pa, tambalang NamLee. Nam Jo hyuk at Lee Sung Kyung. Nagbreak na sila." muli kong narinig ang pagsara ng kanyang pinto. Nilapag ko ang mug at tumingin kay Papa.

Until the sun diesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon