♡Chapter 2

2 0 0
                                    

Anfelisa's POV

"Ti... tigil muna tayo sa pagtakbo" hingal kong sabi sa kanya

"Sige, dito muna tayo pahinga. Pero saglit lang tayo dito" -Huxley

------------- 6 Minutes later... -----------

"Sa palagay ko pwede na tayo ulit makatakbo, medyo umayos na pakiramdam ko" sabi ko

"Talaga ba? Kung gusto mo maglakad-lakad nalang tayo para hindi ka madaling mapagod" -Huxley

Ngumiti nalang ako sa kanya at agad akong tumayo

Habang kami'y naglalakad ay meron kaming nakita na 2 malaking lalaki at...

Meron silang dalang kutsilyo

"Aba, aba tingnan mo nga naman tong nakita natin haha!" Boy 1

"Swerte natin brad, nakita na natin sila" Boy 2

Hindi ko alam ang gagawin dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon

"Bigay mo na sakin yang babae mo kung ayaw mong mamatay ka din ngayon" Boy 2

"Hayaan niyo na si Lisa, ayaw namin ng gulo ngayon" -Huxley

"Hahahaha, hayaan? Bakit naman? Iyan ang utos ng Uncle mo sa amin diba?" Boy 1

Hindi ko na malayan na umatake na pala ang dalawang lalaki

Umiiwas lamang si Huxley sa kanila..

Wala akong ginawa kundi umiyak lamang ako

Hindi ako sanay sa mga ito..

"Lisa!!! Takbo!" -Huxley

Natauhan ako sa sigaw ni Huxley pero nang tatakbo na sana ako ay may biglang nakaramdam ako ng sakit sa aking tiyan

Huli ko nang nalaman na nasaksak na pala ako ng kutsilyo

Nandilim ang aking paningin at ang huli ko nalang nakita ay hinahawak ng dalawang lalaki si Huxley at...

--------------------------------------------------

Huxley's POV

"Lisa! Lisa!" Wala akong ginawa kundi nagwawala at sumigaw lamang kay Lisa

"Easy Peasy lang naman pala patayin yang babae na yan HAHAHA" Boy 1

"Tumahimik ka diyan!" Boy 2

At sinuntok niya ako

"Please, maawa kayo! Huwag niyong paki-alaman ang buhay ni Lisa" sabi ko

Tumawa nalang silang dalawa samantala ako ay nakatulala lamang sa katawan ni Lisa na meron nang dugo at kumakalat na ito sa iba't ibang parte ng katawan niya

Pero may napansin akong kakaiba sa katawa niya..

"Hahahah---" samantala ang dalawang lalaki ay naputol ang kanilang mga tawa nang na nakita din nila na parang may kakaiba sa katawan ni Lisa

"Hala!Bakit nagkaganyan?" Sabay nilang sabi

Unti-unting lumiliwanag ang katawan ni Lisa sa parang merong may mangyayari sa kanyang katawan

Merong may lumabas na kaluluwa mula sa katawan ni Lisa.. at alam ko kung ano ang susunod na mangyayari

Ng biglang...

May liwanag na mula sa ibabaw ng ulap at pumunta ito sa katawan ni Lisa na tila bang para siyang na kuryente.

Unting-unti lumipad ang katawan ni Lisa at binuksan niya ang kanyang mga mata.

Chasing AnfelisaWhere stories live. Discover now