BU: LVL3

45.6K 534 19
                                    

BU: LVL3

 

 

FINA’S POV

 

 

“Hindi lang talaga ako makapaniwala na may ganung lalaki sa mundo!!” galit na galit si Fina na nagkukwento kay Harvey habang nagsa-shower ang binata. “Imagine pati personal kong buhay pinapakialaman! Duh!! Mapera lang sya! Yun lang ang meron sya!!”

“Honey, relax! Ganyan talaga ang mayayamang tao. Malakas ang loob manakot na magpabagsak ng ibang tao.” Lumabas si Harvey na nakatapi lang ng towel. “Magpahinga ka muna tsaka ka maghanap ng bagong trabaho.” Lumapit ito sa dalaga na nakahiga at kinuha ang kamay nito at hinalikan. “Mabuti pa alisin na natin yang init ng ulo mo. Hayaan mo namang this time paligayahin kita.” Mabilis na hinalikan ni Harvey si Fina hanggang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.

“Wait hon!” Bahagya nyang itinulak si Harvey at napatigil ito sa paghalik. “Bakit hindi mo na lang kaya ako pakasalan para naman legal na natin ‘tong magawa?” Mabilis namang inalis ni Fina ang towel na nakatapi kay Harvey at hinawakan ang unang bagay na bumungad sa kanya. “Para pareho na nating magawa ang gusto natin.” Hinalikan nya ang binata habang patuloy ang paglalaro ng kanyang kamay sa kabuuan ni Harvey.

Napahiga na si Harvey at unti-unti nang nakakaramdam ng init sa katawan ngunit nagawa nya pa ring pigilan si Fina. Kinuha nya ang kamay nito na nagbibigay ng kaligayahan sa kanya. “Honey, alam mo naman ang sitwasyon natin di ba? Nung may trabaho ka pa nga hindi na natin magawang magpakasal, paano pa ngayong wala kang trabaho? Hindi naman pwedeng ako lang ang magtatrabaho hindi ba?” Nawalan ng gana si Fina at humiga na lang sa tabi ni Harvey. “Darating din naman tayo dyan. Nakapagintay nga ako ng matagal hindi ba? Ano ba naman yung ilan pang taon?” Hinalikan nya ang dalaga sa noo at bumangon na ito para magbihis.

“Bakit hindi mo na lang kaya ako bigyan ng trabaho sa resto?” Umupo ito sa kama habang pinagmamasdang magbihis ang nobyo.

“Alam mo namang hindi pwede yun. Hindi pwede ang magkakilala sa trabaho. Paano na lang kapag kinasal tayo? Eh di magkamag-anak pa tayo. Ayaw ng ganun ng mga may ari para maiwasan ang pagiging bias.” Nalungkot ulit si Fina sa sinabi ng noby. Hindi na sya nagsalita dahil problemado sya. Nilapitan naman sya ni Harvey at muling hinalikan ngunit hindi nya ito hinahalikan pabalik. Bumaba ang halik ni Harvey sa leeg ni Fina. Mabilis nyang ipinasok ang kamay sa loob ng blouse ng dalaga at hinawakan ang dibdib nito. Napapapikit na si Fina sa ginagawa ni Harvey ngunit umiwas ito. “Wala ako sa mood. Mabuti pa umalis ka na at baka mahuli ka pa sa dinner na yan.” Sabi nito habang inaayos ang sarili.

Hindi na alam ni Harvey ang gagawin. “Sumama ka na lang sa’kin.” Napatingin lang sa kanya ang binata. “May mga bigating tao na pupunta sa event. Malay mo makakilala ka dun ng mayaman at magandang employers. For sure magstandout ka agad. Ipapakilala din kita sa mga kakilala ko kapag may nakita tayo.” Lumapit sya sa nobya at hinawakan ang kamay nito. “Mag-ayos ka na. Isasama kita sa dinner, but I can’t promise na maeentertain kita dun ha. Pwede kang magikot-ikot at maghanap ng mga company ownders.”

Blazing Urge: Love Versus LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon