DDV12

253 9 12
                                    

Hailey's Pov:

Kringggg...kringggg...kringgggg.... (tunog ng alarm clock)

Dinilat ko ang mga mata ko ang bilis ng mga araw ngayong araw na ang kaarawan ko pero parang wala akong kabuhay buhay

Tumawag saakin kagabi si Dark na hindi raw matutuloy yung pag uwi nila dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatapos yung mission nila :(((

Pinacancel ko na lang din muna kay Timothy yung birthday party ko dahil hindi ko kaya mag saya sa ganitong sitwasyon

Lahat ng tao dito ay busy yung mga kapatid ni Dark ay wala rin dahil kasama niya ito sa mission nila sa Japan

Sobrang nakakalungkot na wala yung mga importanteng tao sa kaarawan ko

* knock! knock! *

Narinig kong katok sa pinto

Pasok! Sigaw ko kasi nasa kama pa ako at tinatamad talaga ako tumayo

" Miss ano po yung plano niyo? " Tanong ni Timothy

" Wala pasok na lang tayo sa school kahit nakapag excuse tayo pwede naman tayo pumasok " Sagot ko

Tama papasok na lang ako kesa magmukmok dito sa bahay

" Sige po miss ihahanda ko na po yung sasakyan " Sagot niya sa akin

Parang malungkot din siya nararamdaman yata ni Timothy yung pakiramdam ko

Nag asikaso na ako at naghanda papasok sa school syempre kumain na rin food is life pa rin hehe

Habang nasa byahe kami hindi ko pa rin maiwasan mag isip kung bakit ganito yung nangyayari sa amin ni Dark parang mass napapalayo kami sa isa't isa

" Hmmm Miss? " Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Timothy

" Oh? " Tanong ko

" Nandito na po tayo " Sabi niya

" Ayyy sorry masyado napalalim yung pag iisip ko " Sabi ko sa kanya

" Happy Birthday Miss and Soafsagsahkh " Bati niya sa akin at may sinabi pa siya na hindi ko masyadong narinig pero may sinabi siyang sorry? huh?

Haaays masyado lang ako maraming iniisip

Pumunta na kami ni Timothy sa classroom  at pumwesto kami dun sa lagi naming pwesto sa likuran 

Wala pa rin si Blade ilang weeks na rin sya hindi pumapasok

Hindi ko alam pero parang mas namimiss ko pa sya kesa kay Dark  :<

Oh no! Hindi pwede ito :( Alisin mo siya Hailey sa isip mo! Kausap ko sa sarili ko

" Timothy punta lang ako ng CR maghihilamos lang ako " Paalam ko kay Timothy

Sige po Miss sabi niya at akmang tatayo na sana siya. . . .

" Ako na lang Timothy ayos lang nasa dulo lang naman ng hallway baka bigla dumating prof. natin mag attendance sabihin mo nag CR lang ako " Sabi ko sa kanya

" Sige po Miss bilisan niyo na lang at tawagan niyo agad ako kapag mau kahaina hinala sa paligid mo " Timothy

" Oo saglit lang ako " Sagot ko

Lumabas na ako ng classroom at naglakad na patungo sa dulo ng hallway ng may biglang humila sa akin

" Psssssh " Bulong niya sa akin habang takip ang bibig ko

Konti konti niya akong nilakad hanggang sa may salamin at nakita ko si Blade pala

Tinanggal ko yung kamay niya at tinulak siya

DARK DE VAUGHNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon