Saka na lang

282 9 0
                                    

Let us try random thoughts into an filipino essay..

Alam mo, una palang ayoko ng maging bahagi ka ng buhay ko.  Alam ko kasing kapag nakapasok ka sa sistema ko ay maaapektuhan mo ang lahat.  Ayoko ring masaktan.  Iyon ang pinakainiiwasan ko sa lahat.  Iyong sinabi ko sa mga magulang kong hindi ako magkakagusto sa’yo,  mukhang kakainin ko na yata magmula nung pinilit kitang kilalanin. Pagsisisihan ko ba o hindi?  Hindi pa natin alam.  Wala ka pang sinasabi.  Hindi ko pa gaanong nararamdaman. Dapat na hindi ko maramdaman.

Ayoko sa’yo kasi pabago-bago ka.  Ayoko ng ganu’n na pakiramdam ko ay walang destinasyon ang lahat.  Perpeksyonista kasi ako.  Gusto ko,  tama ako palagi.  Ayokong nasasabihang nagkakamali ako. Ayokong kapag ayos na ako,  ikaw naman ang mali.

MALI- Iyon ang pinakamakasalanang salita sa bokabularyong meron ako.  Madalas nayayabangan ako sa sarili ko.  Ang repleksyon,  parang ang galing-galing ko o kaya naman ay nagmamagaling ako,  alinman sa dalawa.  Hindi ko alam,  ganyan talaga ako.  Hindi naman ako nagbago ng dumating ka.

Gusto kong maturn-off ka.  Mawala.  Hindi magparamdam.  Ngunit habang tumatagal ang pag-uusap na ginagawa natin,  isipin ko pa lang na isang araw ay magsasawa ka rin sa akin ay nakapanlulupaypay.  Parang nanghihina ako.  Hindi ko alam.  Tumagos ka na nga yata sa sistema ko ng hindi ko namamalayan.  Hinayaan kitang makapasok ng ganu’n na lang.

Pinabayaan kita.  Kaya sana,  sa oras na mahulog man ako sa’yo ay saluhin mo naman ako.  Takot kasi akong masaktan.  Di ba nga,  ayaw ko sa’yo kasi takot ako sa pwedeng mangyari sa akin kapag nagustuhan kita.
Natatakot ako.  Natatakot akong baka kapag ipinagpatuloy pa natin ito ay mahulog ako sa’yo.  Natatakot akong sa oras na sabihing kong gusto na kita ay  iba na pala ang gusto mo.  Ayokong dumating sa puntong ganu’n.  Naiiyakan kita at magmamakaawa ako sa’yo.  Kapag ba ginusto kita,  tutugon ka rin ng Oo? Kung hindi lang din ang sagot mo,  wag na lang.  Iba na lang.
Fix kasi akong tao pero hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag ginusto kita o ang mas malala pa ay minahal kita. Kapag gusto kita,  kahit iharap mo pa ang lahat ng pinaka,  ikaw lang.  Ganyan ako. May mga taong pinapangarap ang isang gaya ko kaya sa oras na kung sakali man ay lokohin mo ako,  paniguradong may sasapak sa’yo.

Inaabangan ng lahat ang love life ko kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng iba kapag nagustuhan nga kita.  Tatawa na lang siguro ako kapag nakilala kita ng sobra.

Ang tanong lamang ay kung kakayanin ko ba ang tantrums at toyo mo.  Kung kakayanin mo ba ang pagiging perpeksyunista at prangka ko.  Mukhang dito pa lamang sa mga ito ay plakado na tayong dalawa.  Hindi maaari lalong lalo na ngayong sinaktan mo ang isa sa malapit kong kaibigan at nililigawan mo pa ang kapatid ko.

Alam kong mali itong ginagawa natin.  Mali na kinakausap kita ng matagal kasi mukhang mahal ka na ng kapatid ko.  Mali itong ginagawa natin pero masaya ako dito.  Minsan,  kinikilig ako dahil gusto ko ring maranasan ang bagay na nararamdaman ng iba.  Ayoko namang umabot tayo sa puntong mamahalin mo ako o mamahalin kita.

Ayoko kasi ng one sided relationship,  gusto ko,  mutual.  Maibabalik ko,  mapaninindigan mo. Kaya ko naman kasing ibalik, nangangamba lamang ako na baka hindi mo mapanindigan.  Ayokong masaktan.  Ayokong maexperience ang umayak ng dahil sa isang lalaki na minahal ko.

Kasi kapag nagmahal ako,  alam kong kaya kong ibigay ang mga bagay na dapat ibigay.  Mapagpahalaga ako.  Maalaga.  Kaya kong gawin ang mga bagay para protektahan at pasayahin siya.  Kung tutuusin,  kaya ko siyang palayain sa oras na ayaw nya na.  Ganoon ako.  Hindi ako ang laging nauuna.  Sinanay kong maging mapagparaya at itinatago ko ang pahiging selfish at mayabang ko.  Gusto kong maging mapagpakumbaba. Gusto kong unahin ang iba bago ang sarili ko na madalas ay bigo kong gawin.

Alam mo,  sana,  hindi dumating sa puntong mahalin mo ako dahil sa panahong ito,  hindi pa ako handa para sa mga ganyang bagay.  Alam kong hindi ka pa rin handa.  Kaya sana,  kapag dumating na ang panahon,  saka na lang.  Kapag handa na ako,  saka na lang.  Kapag wala na kayong ugnayan ng kapatid ko,  saka na lang.  Kapag hilom na ang sugat na ginawa mo sa kaibigan ko,  saka na lang.  Saka na lang kapag maayos na ang lahat.  Saka na lang kapag pwede na tayo.  Kapag handa na tayong pareho at handa na sila para sa atin.

I LOVE POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon