Chapter 1

226 7 4
                                        

"Ano? Naka-score ka na ba?" deretsong tanong ni Jiv kay William. Kararating lang ng binata sa bar kung saan nila napagkasunduang magkita. Maraming tumitingin sa direksyon nila ngunit hindi ito binibigyan ng pansin ni William. Agad siyang kumuha ng bote ng beer mula sa bucket na nasa ibabaw ng mesa at tumangga siya rito.

"Gago," malutong na mura ni William habang nagpipigil ng ngiti. He wasn't the kiss and tell type of guy pero sa inaakto niya ngayon, halatang-halata naman na agad ang sagot niya sa tanong ng kaibigan.

"Tangina! Iba talaga ang kamandang mong gago ka!" natatawang sambit ni Jiv. Maya-maya ay nagpresinta na siya ng isang toast para daw sa namumulaklak na love life ni William. Napapailing naman na sumunod si William sa inaasta ng kaibigan sabay inom ng whiskey mula sa basong iniabot sa kanya.

"E nasa'n na siya ngayon?" tanong ni Jiv nang mahimasmasan sa katatawa.

"Hinatid ko na sa kanila."

"Ha? Ang bilis naman? Hindi ba iika-ika 'yon?" nakakunot ang noong tanong ni Jiv na para bang iniisip pa kung paano naglalakad ang dalaga ngayon.

"Siraulo. Hindi namin ginawa 'yon!" sigaw ni William sa kaibigan sabay batok dito. Sure, he was too forward when he kissed Aisleen multiple times a while ago but he wasn't the type of guy who would go all the way, especially when it's his first time talking to her. Kahit naman na nagmukha siyang gago kanina sa ginawa niya, iginagalang pa rin niya ito. Heck. He's even sure now that he likes her more than he had realized before. Para siyang asong ang gusto lang ay mapansin at mapagbigyan ng amo niya. That's how whipped he was right now.

"Tangina mo. Akala mo pa naman matinik ka." Napailing na lang si Jiv sabay tungga ulit sa beer. Hindi na sumagot pang muli si William. Tahimik na lang siyang umiinom ng alak, pinipilit iwaksi sa isipan niya kung paano sila napunta sa paghahalikan ni Aisleen kanina.

***

"Whose condo is this?" tanong ni Aisleen kay William nang makarating sila sa floor ng condominium building. Tiningnan lang ni William saglit ang dalaga at binuksan na nito ang pintuan ng unit.

"Papasok ka ba nang kusa o kailangan pa kitang pilitin?" tanong ni William kung kaya't tahimik na lang na sumunod si Aisleen kay William at pinagmasdan nito ang kabuuan ng unit ng binata.

Pinaupo siya nito sa sofa at para bang biglang nagbago ang aura ng dalaga matapos niyon. She looked like she was this snob and serious girl who's trying to threaten someone else through her gaze. Pinigilan ni William ang mapangiti sa nakikita niya. He has been observing her for so long but he didn't know that Aisleen was capable of doing something like this. She could easily change her reaction and expression in just a snap... and that just made him fall for her even more.

"Explain. What do you want and of all places, why did you bring me here?" deretsong tanong ni Aisleen and she crossed her arms in front of her chest. William had to gulp a couple of times and he tried his best to divert his attention somewhere else.

"William, huwag ngayon," pagpapaala niya sa sarili niya.

Mukha namang nakahalata si Aisleen dahil agad din nitong pinaghiwalay ang mga braso niya. Sinamaan pa siya nito ng tingin kaya't matinding pagpipigil ng ngiti at tawa ang ginawa niya upang hindi na lalong magalit ang dalaga sa kanya.

"I told you, I want you."

"Want? Are you freaking kidding me? I'm not some material thing that you would grab whenever you feel like it. I'm sure you're aware naman that want is different from like and even love, right? So which is which?" William was clearly enjoying this. Pigilan man ni Aisleen ang paglabas ng emosyon sa kanyang mukha, kitang-kita naman ni William ang lahat ng 'yon sa kanyang mga mata. He could easily read every emotion through her eyes and he's certain that he's going to win this little charade that they're having now.

Setting You Free (Let Me See Side Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon