Chapter 3

114 3 0
                                        

Dahan-dahang binuksan ni William ang mga mata at sinalubong siya ng liwanag. Nang subukan niyang igalaw ang mga kamay at paa, doon niya naramdaman ang sakit. Nagpalinga-linga siya sa paligid at saka niya napagtanto na nasa ospital siya.

Aisleen...

Agad na pumasok sa isipan ni William ang nobya. Tila bangugnot na nagbalik sa kanyang alaala ang mga nangyari. Masaya pa silang dalawa dahil kaarawan niya pero dahil sa kapusukan niya, naaksidente silang dalawa. It was his damn fault kung bakit umabot sila sa ganoong sitwasyon.

"A-Aisleen..." nahihirapang ani ni William. Sinubukan niyang magsalita muli ngunit tila may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. Hirap na hirap siyang magsalita at ultimo paghinga ay nagiging pasakit sa kanya.

Doon napaisip si William. Kung ganito na katindi ang hirap na nararanasan niya ngayon, paano pa kaya si Aisleen? She was the one driving before they got into an accident. If he only waited... If he was just more patient... If he only knew how to control himself, none of this would have happened. Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari and he could not do anything to change anything at all. Kahit na magsisi siya sa pagiging mapusok niya noong gabing iyon, wala na rin namang magbabago. Naaksidente na sila at malamang ay pareho silang nahihirapan ngayon.

William then decided to try a little bit harder. Sinubukan ulit niyang magsalita at tawagin ang nobya. Sinubukan din niyang igalaw ang mga braso at binti niya ngunit para bang sinimento ang mga iyon. Hindi niya maigalaw ang mga ito. No matter how much effort he exerted, it was still futile in the end.

Tangina. Hindi mapigilan ni Wiliam ang mapamura sa isip niya. He couldn't understand what was happening. Wala rin naman siyang makitang tao sa kwarto niya kaya hindi siya makahingi ng tulong.

Fuck. This can't be. Patuloy na pinipilit ni William na makagalaw ngunit wala pa ring nangyayari. Sinubukan niya ring magsalita ulit pero sa paraan ng paglabas ng tunog sa bibig niya, it was quite impossible for someone to hear him. Just when he was about to give up, the door of his room opened slowly, and a nurse came in. Hindi pa nito napansin kaagad na nagkamalay na siya. Naglakad ito papalapit sa kama niya and when she was about to check his vital signs, doon na siya napansin nito. Ang kalamadong mukha nito kanina ay biglang nakitaan ng gulat dahil sa pagkakitang gising na siya.

"Oh, you're finally awake, Sir! Hold on. I'll just make a call to your parents. They will be thrilled to hear this news!" dere-deretsong sabi ng nurse. Bago pa man niya ito matawag pabalik, nakalabas na ito ng kwarto niya.

Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang nurse kasama ang isang doktor. Sinusubukan nilang tanungin si William kung ano ang nararamdaman nito kasabay ng kanilang pagsusuri dito ngunit patuloy lang sa pag-iling si William. Nais pa rin niyang makatayo at puntahan ang nobya.

"Sir, we need you to calm down. Your parents are arriving soon," kalmadong saad ng nurse ngunit tila hindi ito pinapansin ni William. Napatingin ang nurse sa doktor at kasunod ng kanilang pagtango ay ang pagturok ng injection sa braso ni William. Pagkatapos nito, unti-unti na itong tinangay ng antok.

***

By the time William woke up again, he felt like everything's still a mess. Sure, his parents were finally beside him but he can't seem to make himself calm down. He knew he made a mistake and now, Aisleen's nowhere to be found. Gustong-gusto na niyang makita ang nobya pero hindi niya malaman kung paano.

"Oh, William! You made us worry! How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka bang kainin? Tell us, honey," dere-deretsong sabi ng mommy niya. William felt his mom's sincerity, but that wasn't his priority at the moment.

"Where's Aisleen?" mahina niyang tanong na siyang nagpatahimik sa kanyang ina. Umiwas din ito bigla ng tingin sa kanya, halatang ayaw sagutin ang kanyang tanong.

Setting You Free (Let Me See Side Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon