Chapter 2

153 6 4
                                    

Lumipas ang panahon at mas lalong tumatag ang relasyon nina William at Aisleen. If people would see them together, it was as if they were looking at the most perfect couple in town. They've got the looks, the fame, the riches, and they've got each other as well. At mas nakatulong pa ang katotohanang tanggap ng mommy ni William si Aisleen bilang girlfriend nito.

When Aisleen met William's mom, hindi makapaniwala si Aisleen sa paraan ng pagtanggap na mararanasan niya mula rito. Daig pa nga nito ang mommy niya kung maka-asikaso sa kanya. Halos lahat ay handang ibigay rito para lang maging komportable siya.

"You okay?" tanong ni William kay Aisleen nang mapansing tahimik lang ito. Kasalukuyan silang umiinom ng tsaa kasama ang mommy ng binata.

"Uh, yeah. I'm kind of sleepy lang. Late na rin kasi ako nakatulog dahil may tinapos akong paper," halos pabulong na sagot ng dalaga.

"Do you want to rest first? You can stay in my room," alok ni William na agad namang tinanggihan ng dalaga. Pero maya-maya lang, naghikab na si Aisleen at hindi ito nakalampas sa paningin ng mommy ni William.

"Hija, why don't you rest for a while? We can still talk later until tomorrow. You're staying here tonight, right?" Halatang nagulat si Aisleen dahil sa tanong na iyon. Hindi nila napag-usapan ni William na dito siya magpapalipas ng gabi. Ang alam lang niya, ipapakilala siya ng binata sa magulang nito. Pero hindi naman magawang makatanggi ni Aisleen kaya ang ending, umakyat na lang silang dalawa ni William sa kwarto nito.

***

Dalawang buwan. Dalawang buwan na wala ang mga magulang ni Aisleen. Dalawang buwan na walang ibang ginawa sina William at Aisleen kung hindi magsama at i-enjoy ang pagkakataong malaya silang gawin ang mga gusto nila. Every weekday, sa condo unit ni William natutulog si Aisleen. Kapag weekend naman ay sa bahay ng mommy ni William. At sa buong panahong 'yon, kitang-kita ni William ang kasiyahang nararamdaman ni Aisleen. Mas madalas na nakangiti o nakatawa ang dalaga at mas nakagagalaw ito nang maayos. Para bang wala ito masyadong iniisip o iniintindi.

"Pagpasensyahan mo na si Mommy, ha? She has always wanted to have a daughter kaso ako lang talaga ang naging bunga. The fact that she could bond with you and that she could take someone out for shopping or to go to the spa, it really means a lot to her," William said while they were resting in his room. They just got back from the mall dahil niyaya na naman sila ng mommy ni William na lumabas at mag-shopping dahil nabo-bore na raw ito sa bahay. Hindi naman makatanggi ang dalawa dahil minsan lang humiling ito sa kanila.

William was surprised nang bigla na lang sumiksik si Aisleen sa kanya. Mahigpit din itong yumakap na agad naman niyang ginantihan. He then placed a small kiss on her head and a smile formed on his lips.

"Ano ka ba? It's okay. Ngayon na nga lang ulit ako nakapag-shopping. My mom always chooses my clothes for me. Pagdating ko sa bahay, may paper bags na agad doon o kaya naman nakalagay na agad sa closet ko. She never asked me if I liked those or not. Basta mamahalin o sikat na brand, she would buy it for me even if I really don't like the style," Aisleen answered.

"Bagay naman lahat ng damit sa 'yo..." sagot ni William at napaangat ang tingin ni Aisleen sa binata, tila hinihintay kung anong karugtong ng sasabihin nito. Napataas naman ang kilay ni William pagkakita sa reaksyon ng dalaga.

"Bakit pakiramdam ko may kasunod 'yang sasabihin mo?" Aisleen asked and almost immediately, a smirk formed on William's lips.

"Pero mas gusto ko kapag wala kang damit," nakangisi pa ring bulong ni William. Agad naman siyang hinampas ni Aisleen na ikanatawa agad nito.

"Bwisit ka talaga kahit kailan! Puro 'yan na lang laman ng utak mo!" nanggagalaiting sermon ni Aisleen kay William. Patuloy pa rin ang paghampas ni Aisleen kay William pero hindi naman iniinda nito ang kahit na ano roon. Tawa lang siya nang tawa hanggang sa tumigil na rin si Aisleen sa paghampas sa kanya. At nang mahuli ni William ang mga kamay ni Aisleen at tinitigan niya ito sa mga mata, doon niya napagtanto kung gaano siya kaswerte na dumating ang dalaga sa buhay niya.

Setting You Free (Let Me See Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon