Prologue

23 4 17
                                    

"Oh ano? Kamusta na ang puso naten dyan? "  Pang aasar ni Zinnia


"Urghh can you just shut the fvck up. I don't want to talk about it okay? "  Naiiritang sagot ko sa kanya


"Taray ah kinakamusta ka lang nagsusungit agad.. Affected ka pa noh?"  Pang aasar niya ulit

"Zinnia please kahit sino naman siguro ang malalagay sa sitwasyon ko affected  pa din malamang " 


Parang gusto ko na siyang palabasin sa kwarto dahil sa inis na nararamdaman ko. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan baka kanina pa 'to napalayas dito .


Ayaw kong pag usapan ang nakaraan ko dahil naiinis ako. Nakakairita , ayaw kong isipin ang mga nangyari  dahil aaminin ko masakit parin talaga.


Sa ngayon parang gusto ko nalang magkulong muna sa kwarto ko para makapag isip kung paano ko ba bubuohin ulit ang sarili ko.



'Binuo kita pero hindi ko akalaing ikaw Ang sisira sa akin'



Nasabi ko nalang sa utak ko .  Hays , gusto ko na siyang kalimutan , gusto ko na siyang burahin sa puso ko pero traydor din tong puso at utak ko eh.
Kahit anong gagawin ko para kalimutan lahat ng pinagdaanan namin ayaw talaga mawala.


(>_<)



"Hoy!! Kanina pako nagsasalita dito nakikinig ka ba?"

Sa kakaisip ko hindi ko na namalayan na may kasama nga pala ako dito.

"Ha? Ano yon?" Sagot ko

"Hay Zosia , kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman pala nakikinig shuta ka!"

"Ano nga kase! Sabihin mo nalang"  sambit ko pero tinitigan nya lang ako na nakakaasar

"Ano nanaman!?" Tanong ko ulit  ng hindi siya sumagot  sa halip at nakangisi pa ito


"Siguro iniisip mo  nanaman siya noh?" Pang aasar nanaman niya.


"No!" mabilis na sagot ko at tiningnan siya ng masama


"Ayy nakapag defensive oh wag kana magsinungaling Zosia halata naman"  umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

Hindi ko siya sinagot at nagkunwari nalang ako na nag aayos ng mga gamit ko sa school. Hindi naman din niya ako kinukulit kaya nang matapos ko ng ayusin kinuha ko nalang ang cellphone ko para mag open ng mga social media acc ko. Nakita kong online siya at may fb story na pic ng niya at babae pero may takip ang mukha ng babae at may nakasulat na

'I miss this girl'

Pinagmasdan ko ang  maigi ang litrato. Kung titingnan mo ito, medjo hawig kami sa bandang noo sa girl. Yun lang kasi ang nakita sa parte ng mukha kasi nga tinakpan niya ito. Hindi na ako nagtaka na may ibang kaibigan ko ang nag chat kung ako ba daw yung nasa picture.


: *Hindi ako yan* reply ko sa kanila


[Wehh? Totoo?] Paninigurado nila


: *Hindi nga , tsaka wala naman kaming picture na ganyan*



Hindi ko na sila nireplyan . Alam ko naman kung sino ang babaeng nasa picture at nasisiguro  kong hindi ako yon. Tiningnan ko si Zinnia kung ano ang ginagawa kasi ang tahimik na niya. Nang lingonin ko siya nakaharap lang siya sa cellphone niya bago niya ako tiningnan.



"Nakita mo ba yung  fb Story ni Roxwell?" Tanong niya bago tumabi sa akin



"Oo, alam naman nating hindi ako yon"  mahinahong sambit ko


" Okay ka lang ba?" She looked at me with concerned


"Ha? Oo naman wala na sakin yon baka don talaga siya masaya kaya hayaan nalang natin siya" I smiled at her

"Sabagay , unahin mo nalang muna yung sarili mo"


"Yeah"  I whisper

Natahamik kami saglit . Sa aming magkakaibigan si Zinnia talaga ang mas  nakakaalam at nakakaintindi sa nararamdaman ko kahit hindi ko pa sasabihin sa kanya ay alam na niya kung ano ang totoo.


"Oh By the way , ano nga pala yung sinabi mo kanina ? Hindi ko narinig eh " pagbabasag ko sa katahimikan


" Eh pano nakatulala ka kasi kaya hindi mo na alam na may kasama ka pa dito at nakikipag usap sayo pero hindi ka nakikinig " inis na sambit niya

"So ano nga?"

"Ang sabi ko mamasyal tayo bukas pagkatapos ng klase"  she smiled

" Treat mo?" Pagbibiro ko sa kanya
Tinaasan niya ako ng kilay

"Hindi!"

"Haha kuripot mo Zin joke pero sige game ako wala naman akong gagawin bukas"


Pagkatapos non nagpaalam na si Zinnia na uuwi na siya kasi hinahanap  na siya nila tita. Tiningnan ko ang oras 6PM na kaya pumunta nalang ako sa banyo para maligo.


Nang matapos na akong  maligo tinawag  ako ni mommy para mag dinner na kaya pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako para Kumain. Dumeretso ako sa kwarto pagkatapos kumain at naghanda na para matulog.

>>>>>>

Kinabukasan  naghanda na ako para pumasok kaya nong natapos na ako ay sumakay  na ako sa sasakyan . Pagkarating ko sa room dumeretso na ako sa upuan ko which is sa tabi niya . Nakita kong nandon na ang bag niya pero wala siya don.

'tss kahit kailan talaga lakwatsero'

Umupo ako para magpahinga pero panay tanong ng mga kaklase namin kung ako ba daw yung nasa picture sa fb story ni Roxwell sinagot ko naman sila na hindi ako  yun . Kala nila ako kasi nga medjo hawig kami  sa noo. Nang wala ng nagtatanong ay nakapagpahinga na rin ako since wala parin naman lecturer namin. Tumingin ako sa bag niya at bumuntong hininga nalang


Hays  bumalik nanaman sa isip ko ang mga nangyari . May naramdaman akong kirot sa dibdib ko kaya umiwas nalang ako ng tingin at sakto pumasok na siya sa room kasama mga ibang kaklase namin . Kasunod non ay dumating na ang lecturer kaya napaayos kami ng upo at nakinig sa klase.

___________

A/N : FOR THOSE WHO READ MY STORY , SORRY FOR SOME GRAMMATICAL ERROR .  HOPE YOU LIKE IT <3 









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling Inlove With Her BoybestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon