Hindi na ako matutulog sa klase - Victoria Lucielle
Hindi na ako matutulog sa klase -Victoria Lucielle
Hindi na ako matutulog sa klase - Victoria Lucielle
Hindi nanaman pinalampas ni Mr. Park ang pagtulog ko sa klase niya. Nakaka-antok naman kasi talaga yung paraan niya nang pag-tuturo! At gaya nga ng sabi ko hindi ako umiinom ng dugo mula sa ibang tao kaya antukin ako, hindi gaya ng mga kaibigan ko na may mga hinaharot at may boyfriend kaya may daily supply sila.
"Faster Victoria! Malapit nang matapos ang time ko and you're just halfway done!"
"Yes Mr. Park!" Sagot ko na sinundan ng irap pagtalikod. Bwisit naman kasi, mag cut class nalang kaya ako sa susunod para makatulog nang mahimbing? Char. Ilang araw kasi kaming puyat magkakaibigan. Simula sa OPLAN pagselosin si Rus hanggang sa BBB Event ay wala pa akong matinong tulog!
Mukhang inaantok rin si Maze pero dahil napaka studious niya ay sanay siyang hindi natutulog. Si Xia naman ay may kadaldalan sa likod, mukhang naghaharutan silang dalawa kaya pala hindi inaantok ang gaga kahit kasabay ko lang siyang puyat.
Matapos ang ilang minuto na may kasabay na tawa at sermon ay natapos ko rin ang sinusulat ko sa whiteboard. Nangawit ang kamay ko dahil iisang posisyon lang akong nagsulat kaya ganalaw galaw ko ang kamay ko. "Hay sa wakas natapos rin ang subject ni Mr. Park!"
"Ang bagal mo mag-sulat 'ah? Takot ka bang mahuli?" tinawanan ako ni Xia tsaka patagong pinakita ang pangil niya. Ngumuso lang ako dahil totoo naman, may mga kaklase kaming tao at baka magulat nalang sila kapag sa isang idlap natapos ko ang sinusulat ko. "Anyway sasamahan ko lang sandali si Harry, mamaya na ako sasama sa inyo."
Binigyan ko ng nagdududang tingin si Xia pero hinayaan nalang dahil paniguradong may halong harot ang balak nang kaibigan kong 'to. "Sige sige, laters pare." tumango ako sa kanya at kay Maze naman humarap. Nginitian lang ako ni Maze bago nagmamadaling ayusin ang gamit niya.
"I have to go, too. Emergency meeting with the SC. See you later Lucy!"
Nagmamadaling lumabas si Maze ng classroom kaya naiwan ako. Wala rin naman si Azi dahil morning shift nga siya at malamang sa malamang nananaginip na siya ngayon sa bahay. Bwisit sana all tulog na!
"So anong gagawin ko?"
Shit ngayon ko lang na-realize na naka depende ang gagawin ko sa gagawin ng mga kaibigan ko. Para kaming quadruplets na hindi mo mapaghihiwalay ever since bata pa kami. Now that you mentioned it, magkakaibigan na kami kahit sa dati naming school sa Europe. Galing kami sa University sa Europe specialized for Vampires.
However, pinadala si Azi dito from Europe dahil nag tayo ang Lola niya nang Univ dito sa Pilipinas at sa kanya pinapa asikaso. She's expected to manage this University like it's just a piece of cake, na para lang siyang nagtayo nang small business at pinapa bantay lang sa apo niya. Well, pagdating kay Mamu wala kaming magagawa kung hindi sumunod and long story short sumunod kami kay Azi para hindi kami magka hiwa-hiwalay.
The flight and other expenses needed ay covered na nang family ni Azi, ang kailangan lang namin gawin bilang mga kaibigan niya ay suportahan siya at pumasok sa Eastern University bilang students. Pero kaya kami chill chill ay dahil matalino sa kalokohan 'tong si Azi at pina-asikaso ang Univ matters sa pinsan niyang mas matanda saamin.
BINABASA MO ANG
Blauer Vampir
VampireNormal lang sa isang Bampira ang may kakayahang mag manipula ng mga tao. Kapag tumitig ang isang mortal sa kanilang pulang mata na maihahalintulad sa kulay ng dugo, ay wala ng ibang magagawa kung hindi sumunod na lamang sa kanilang gusto. Ngunit sa...