"Lucy! Gaga may chismis ako!"
Tinulak tulak ako at pinaghahampas ang braso ko kaya napilitan akong bumangon mula sa napaka sarap kong tulog. "Nag-away nanaman ba kayo kahit hindi pa kayo bati?" walang gana kong tanong sa gaga na nasa harapan ko.
Hinarap niya sakin ang screen ng phone niya at may pinapanood saaking video. Nasa story 'yon ng isa sa mga followers ni Azi at kitang kita ang ganap sa video. May dalawang lalaking nagsusuntukan sa mismong hallway ng Univ namin.
Huh? Teka bakit sa loob ng Univ sila nag babasag-ulo? Ganoon na ba ka-bored ng mga tao ngayon? "Sino nanaman ba 'yan? Suspend mo nalang tutal ikaw may-ari ng Univ!"
Babalik na sana ako sa mahimbing na tulog nang sumigaw nanaman si Azi at pinilit akong umupo. "Hindi pwede! Si Rus tsaka si Elijah 'tong nasa video!" bakas ang pag-aalala sa boses ni Azi pero hindi ko talaga ma proseso sa bangag kong utak ang nangyayari. Bakit nasa video si Rus tsaka Elijah?
Pinapanood ulit saakin ni Azi ang video at sa pagkakataon na 'to nagising na ang diwa ko. "Hoy si Rus nga! Gaga bugbog sarado si Elijah oh!"
"Alam ko kaya nga kita ginising 'eh!"
"Bakit ako? Sasali tayo sa suntukan?"
"Hinde! Tangina, ano ba Lucy?"
Tinawanan ko lang si Azi dahil halatang stressed na siya sa napanood niyang video at hindi alam ang gagawin. Pero bakit ba nakipag suntukan 'tong si Rus, isa pa tong basagulero tapos pinagbabawalang makipag-away si Azi.
"Kumalat na 'yung video kaya kahit tanggalin sa social media malamang nakarating na kay Amry!" Ikot-ikot siya sa loob ng kwarto ko at halatang hindi mapakali. Si Amry ay ang pinsan niya na nag-aasikaso sa Univ at kahit na mabait 'to saamin hindi niya papalagpasin ang ganitong issue lalo na kung sangkot ang pangalan ng Univ.
"Mukhang suspended si Rus nang ilang araw, okaya linggo?"
"Ayoko nalang isipin Lucy, sumasakit ulo ko!"
"Hindi parin ba kayo nag-uusap?"
"Nag-uusap pero syempre hindi nanaman kami nagkaka-intindihan. Tapos bigla bigla ko nalang malalaman nakikipag basag-ulo lang siya!?" kanina lang nag-aalala siya ngayon mainit nanaman ang ulo niya. Hindi ko nalang pinansin dahil sanay nako na iba-iba ang mood nang mga kaibigan ko.
"Ay oo nga pala bakit mo iniwang naka bukas bintana mo? Paano kung may nakapasok habang tulog ka 'ah?" sermon niya sakin habang ginagaya ang boses ni Mamu. Tinawanan ko lang siya tsaka ako ngumuso. "Eh sorry na kasi Mamu." ginaya ko naman ang boses niya kaya halagapak kami sa tawa pagkatapos.
Haynako kung naririnig lang kami ni Mamu baka parehas na kaming hinahabol ng tsinelas ni Azi ngayon. Nakaka-miss grabe!
"Hoy galaw galaw! Alas sais na, baka mamaya ma-late ka nanaman!"
BINABASA MO ANG
Blauer Vampir
VampireNormal lang sa isang Bampira ang may kakayahang mag manipula ng mga tao. Kapag tumitig ang isang mortal sa kanilang pulang mata na maihahalintulad sa kulay ng dugo, ay wala ng ibang magagawa kung hindi sumunod na lamang sa kanilang gusto. Ngunit sa...