"Nandito lang ako, 'wag kang mag-alala poprotektahan kita"
"Sira! Hindi ko naman kailangan ng proteksyon, kayang kaya ko kaya sila kahit ako lang mag-isa!" pagyayabang ko sa lalaking nasa harapan ko. Taas noo at may kasabay pang ngisi ang pagsambit ko nito. Totoo naman na kayang kaya kong protektahan ang sarili ko, para saan pa ba at naging Bampira ako.
"Oo na sige na, ikaw na ang malakas." ngumiti siya at ganoon din ang sinukli ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayong kasama ko siya. Paradise is an understatement and wanting to be with him forever doesn't seem like it would satisfy my yearning for him. That's how special he is to me.
However, not everything happened like how I wanted it to.
-
"Victoria."
"Huh?" humikab ako at dahan dahang inangat ang tingin ko. Nanlalabo pa ang paningin ko at medyo masakit ang ulo ko. Ang aga aga kasi akong ginising ni Azi kanina dahil magka-away sila ni Rus. Ako nanaman ginawa nilang referee sa away nilang mag jowa!
"Boba si Mr. Park galit na!"
Nagising ang diwa ko sa mind link na narinig ko. Agad agad kong binaling ang tingin ko sa galit na professor sa harapan ko. Nakatayo ito at nakapamewang habang umuusok ang ilong na nakatitig sakin. Shet! May laway pa ata ako!
"Lagi ka nalang tulog sa klase ko Victoria! Umalis ka sa pwesto mo at ikaw ang tumayo sa harapan!" pabagsak na umupo si Mr. Park sa upuan ko habang ako ay nawalan ng choice at tumayo sa harapan. Tumawa lang ang mga kaklase ko pero hindi na ako nahihiya dahil madalas mangyari sakin 'to.
"Ayan shunga tulog pa! Nadali ka nanaman tuloy kay Mr. Park!"
Naalala ko na kung kanino boses ang naririnig ko sa mind link, agad kong tinignan si Aletia at nagmamakaawang tumingin. "Send help Xia! Baka naman?" sabi ko sa kanya gamit ang mind link pero tumingin ito sa malayo na parang hindi naman niya nakikitang nagdudusa ang matalik niyang kaibigan. #Fakefriend!
Tuloy lang sa pag-tawa ang iba ko pang mga kaklase at si Mr. Park naman ay may ngiting tagumpay sa kanyang labi. Halatang tuwang tuwa tong professor na to sa tuwing may pinapahirapan siyang estudyante! Kailan ba to matatanggalan ng trabaho? Char lang.
"Mr. Park, excuse me po but I think it's already the end of our meeting."
My Savior! Napatingin ang lahat ng mata kay Mazikeen dahil sa sinabi niya. Buti nalang talaga best friend ko rin 'tong si Maze! As expected from our very own President of the University's Student Council, Mazikeen Hadlee. Muntik ng maging hugis puso ang mga mata ko nang iligtas ako ni Maze sa mapait kong kapalaran.
Mukhang masakit pa ang loob ni Mr. Park dahil hindi niya ako magiging utusan sa oras na 'yon. With a heavy heart he dismissed us and then hurriedly ran out of our classroom. Mr. Park is the weirdest professor I have ever encountered dito sa university. Hindi ko naman minamasama ang pagiging weirdo niya, nakakatuwa nga siya 'e. Except the fact na lagi akong napapagalitan dahil tulog ako sa klase niya.
BINABASA MO ANG
Blauer Vampir
VampirosNormal lang sa isang Bampira ang may kakayahang mag manipula ng mga tao. Kapag tumitig ang isang mortal sa kanilang pulang mata na maihahalintulad sa kulay ng dugo, ay wala ng ibang magagawa kung hindi sumunod na lamang sa kanilang gusto. Ngunit sa...