RS15

14 2 2
                                    

nakakapagod pala
ang sumalo nang lahat ng hinaing, sakit, at lungkot ng iba
lalo na
pag malungkot ka rin naman
may hinaing ka rin naman
at lalong may dinaramdam din namang sakit

pero
palaging ikaw ang sumasalo, nagbibigay ng payo at dumadamay
pero, pag sa'yo
walang nagsasabi ng gaya nang mga payo at pampalubag loob na ginagawa mo

kailan may dadamay sa akin?
kailan may makakakita na may tinatago ring sakit ang aking mga mata?
kailan may makikinig sa akin?
kailan ang ako naman?

Roaring SentimentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon