nag-iwan siya nang malaking halaga kung saan-saan
sinusukat kung kukupit ka ba
kung kukuha ka ba ng kaunti o lahat na
o kung hahayaan mo lamang iyon doonpara sa tulad ko na mahirap
na anak ng mahirap
masakit sa damdamin
isipin ang tanong na
bakit?
bakit laging sinusukat ang katapatan nang isang maralita
bakit ang mga mayayama'y hindi magawang magtiwala sa tulad ko
tulad namin, na salat sa buhayhindi naman kami kumuha
kahit tignan sa pangalawang pagkakatao'y 'di namin ginawa
laging tayo ang tampulan ng mga bintang
tapunan ng sisi
utusan palagi
idinidikdik palagi sa putik
pinamumukhang hanggang ganoon lang tayopero hindi,
kailanma'y hindi tayo kukupit
mananatili tayong tapat
kahit salat
mananatili tayong, tayo
dahil sa dignidad.
BINABASA MO ANG
Roaring Sentiments
Поэзияsen·ti·ment /ˈsen(t)əmənt/ •general feeling or opinion •a feeling or emotion roar a sentiment with me, thru these lines, thru these poems. June 10-