1. New Member

0 0 0
                                    


Mikee Sampiano

*Tok* *Tok*

1...

2...

3...

4...

5..

*TOK* *TOK* *TOK*

"Maygad! Ang tagal ah!" Reklamo ko habang nakatayo sa harap ng isang pintuang mas matangkad sa akin at kanina ko pa kinakatok.

*BLAGG!*

Sa sobrang inis ko ay binuksan ko na yung pinto. At tumambad sa akin ang napakalinis na kuwarto, sa sobrang linis ay parang gusto mong kumuha ng garbage bag at isako ang lahat ng naroon.

Iginala ko ang paningin ko at doon nakita ang apat na lalaki sa isang sulok at puro tulog. Club room ba talaga 'to o basurahan at tambayan?

"GISING NA POO!!!" Malakas kong sigaw at pinaghampas ang dalawang metal bat na hawak ko. Agad napatayo ang apat na lalaki at galit na tumingin sa akin nang makabawi sa gulat.

Kahit masama ang tingin at batid ko na may galit sila sa akin ay inayos nila ang kanilang tindig, "How can we help you?" Magalang na tanong nung lalaking nakasalamin.

"Ito ba yung Odd Jobs Club?" Tanong ko dito para naman makasigurado ako.

"Hindi pa ba halata."-guy #2

"Hindi mo ba nabasa yung plaka sa pintuan nitong room?"-guy #3

"...."- guy #4

Kahit naiinis ako sa pangba-bara nila ay hindi ko pa rin pinahalata.

"I am Mikee Sampiano and I would like to join this club! Please to meet you my senpais!" Deklara ko at yumuko sa kanila at pagkatapos ay inayos ko ulit ang tayo ko.

"Senpai daw oh! HAHAHAHA! I am Drake Sanchez. Nice to meet you,too." Pakilala nung lalaking nakasalamin at nag-shake hands kami. Ang bilis magbago ng expression niya.

"I like your guts,gurl! By the way, I am Yuri Veron." Siya naman si guy #2, malaki ang ngiti na binati niya ako at nakipag-beso pa siya sa akin, parang kanina lang tinaasan niya ako ng kilay at may pa-duh tone pa siya nung nagtanong ako.

"Servil Silva."

*Insert cricket sound*

Matipid siya magsalita plus parang tinatamad pa siya. Si guy #4.

"Thion Pansen" mataray at may kasamang irap na pakilala ni guy #3. Tse!

"So you want to join our club, that's nice!" Ngayon ay medyo maayos na Ang club room, para na siyang office ng isang CEO, manager or principal. May isang sofa, lamesang mahaba at may nakapatong na laptop doon pati ballpen at tambak na papel, sa pader naman ay may malaking board, kalahating whiteboard at Yung kalahati ay parang kahoy lang.

"Please fill this up.." may inabot na papel sa akin si Servil na agad kong sinagutan,isa yung form para sa club na sasalihan mo at nandoon mo rin ilalagay yung personal information mo.

Matapos nun ay may ilan lang silang sinabi at itinaboy na nila ako papalayo sa kuta nila.  Mga mapagpanggap na loko sila! Tss.

"Mike!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at kaklase ko lang pala, siya si Heil Veran at babae po siya.

"Ikaw pala Heil!" Bati ko at hinintay siyang makaabot sa pwesto ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya, ang lugar kasi na ito ay exclusive para sa clubs, nasa 4th floor kami ng building at puro clubs ang nandito maliban nalang sa sports club, cheerleader club at iba pang malalaking club.

"Nag-apply ako bilang member ng Odd Jobs Club." -me

0o0 - siya

"Alam mo ba na mapili sila members? Maraming students na ang nag-apply pero kahit isa walang natanggap. Medyo sikat din sila rito kasi sa kanila kami humihingi ng tulong or assistance sa ibang bagay na ayaw naming gawin or wala na kaming time gawin..." Madami pa siyang sinabi at kinuwento tungkol sa club na gusto kong salihan pero hindi ko na napakinggan pa ang iba rito dahil iniisip ko kung matatanggap ba ako roon lalo na nung sinabi niya na kumikita raw ang club at may peramg natatanggap ang mga member. Hindi ako mukhang pera ah! Sadyang nangangailangan lang din talaga ako para makatulong sa gastusin sa bahay.

"May club ka na bang nasalihan,Heil?" Tanong ko dito at medyo napaisip pa siya sa tanong ko.

"Nag-apply ako sa Detective Club, muntik na akong hindi matanggap pero tinanggap din nila ako kaagad noong nalaman nila yung kaya kong gawin. HAHAHAHA!!" Buong pagmamalaki niyang pahayag.

"Nai-intriga ako doon sa bagay na kaya mong gawin, pabulong naman diyan.." tinawanan niya lang ako at sinabing 'secret'.

--------------------

"I'm back everyone!"






Odd Jobs ClubWhere stories live. Discover now